CHAPTER 7
"Bakit hindi ka pumasok kahapon? Nag-quiz tayo sa Statics," ani Serenity pagkaupo ko.
Hindi ko siya pinansin. Sumubsob ako sa arm chair at hindi pinansin ang kahit sino sa kanila. Alam kong pinapanood nila ako, pero wala akong pakialam.
Wala akong tulog dahil sa hirap ng pwesto ko sa kotse. Nahihiya na kasi akong pumunta kay na Vera kagabi dahil anong oras na iyon at baka natutulog na siya o ang mga magulang niya. Nakiligo na nga lang din ako sa bar nina Jarred at naki-charge na rin.
Hirap pala maglayas... uwi na kaya ako?
No! Never! Three times!
Duh, si Tala kaya 'to.
"Baka nagparty na naman 'yan. 'Wag mo na kulitin at baka masupalpal ka na naman," rinig kong sabi ni Margarette, at kung hindi ako nagkakamali ay para kay Serenity iyon.
Salamat naman at sinuway niya ang katabi kong walang humpay sa pangungulit sa'kin. Baka nga masupalpal ko talaga ang baliw na 'yan sa kadaldalan niyang taglay.
"Concern lang naman ako... baka kasi maiwan siya dito tapos tayo naka-graduate na," pangangatwirang sagot naman ni Serenity.
Napairap ako nang nakapikit. At kelan pa siya nagkaroon ng concern sa'kin?
Last time I check, hindi naman kami close at mas lalong hindi kami magka-vibes na dalawa. Kung ako babaeng pariwara, siya naman itong babaeng walang kagalaw-galaw.
She's pure and innocent. And, I like her.
Hindi 'yong like na jojowain ko siya, 'no. Yuck!
Gusto ko siya kasi hindi siya tulad ng ibang babae na akala mo kung sinong santa, may sungay din pala... katulad ni Veronica. Santa-santatita kasi ang babaeng 'yon, at kung hindi lang ako mabait baka nilunod ko na 'yon n'on pa sa swimming pool.
Ang ayoko lang kay Serenity ay pakiramdam ko madali siyang mapapabilog ng kahit sino. Kaya dapat siguro ikulong na lang 'to sa bahay at hindi pinapalabas.
Tutulog na sana ako nang bigla kong naalala iyong text ni Vera kahapon --- na Uncle niya si Sir Pogi. Kagabi ko pa rin kasi iniisip kung ano nga pala ang pangalan ni Sir Pogi, hindi ko na kasi iyon pinagtuonan ng pansin noong nagpakilala siya. Paano naman, inaway niya ako. Tsk.
Nag-angat ako ng ulo at binalingan ng tingin ang dalawa kong katabi na busy pa rin sa pag-uusap, mga tsismosa talaga. Tsk.
Napairap ako sa isip. "Oy!" sabad ko sa dalawa na sabay naman nilang nilingon. "Ano nga pala ulit 'yong pangalan ni Sir Pogi?" walang anu-ano kong tanong sa dalawa na sabay din ng pagkunot ng noo nila.
Ay, nagpractice? Galing! Pft.
Napangiwi ako. "Kambal ba kayo?" pagtataray kong tanong na agad nakapagpabago ng ekspresyon ng dalawa, lalong-lalo na si Serenity.
"Paano? Mas maganda kaya sa'kin si Margarette," she pouted.
Magsasalita pa lang sana ako nang bigla siyang batukan ni Margarette. "Baliw!"
"Aray!" mahinhin na reklamo ni Serenity bago nilingon si Margarette. "Bakit mo ako binatukan?"
Matalim lang siyang tiningnan ni Margarette.
Napabuntong hininga na lang ako at saka sila pasimpleng inirapan na dalawa. Kaasar.
Bahala silang mag-away na dalawa. Parang mga isip-bata na ewan.
Hinarap ko si Anastasia sa kaliwa ko. Busy ito sa pagfe-facebook, at pags-stalk sa kung sino.
"Sinong iniistalk mo?" kunwaring usisa ko kaya agad siyang lumingon sa akin sabay tago ng cellphone niya.
YOU ARE READING
✔ || The Walwalera (Part I)
ChickLitTala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class. Date Started: March 18, 2021 Date Ended: July 16, 20...
