✨ 20 ✨

10.1K 164 20
                                        


CHAPTER 20


Kahit na kailan ay hindi sumagi sa isip ko na mangyayari sa akin ang nangyari kay Mommy. Alam kong hindi ako maingat magmaneho, pero bihasa na ako sa pakikipagkarera sa kalsada.

Minsan pa nga ay kahit lasing nagmamaneho ako. Pero bakit ngayon pa ako naaksidente kung kelan wala ni isang butil ng alcohol ang dumampi sa labi ko? Disgrasya nga naman... walang pinipiling oras.

Ilang araw na ang dumaan simula nang magising ako. I thought I was just in few days in bed, pero laking gulat ko nang malaman na almost two months pala akong comatose. Maraming nangyari sa mga araw na 'yon, at isa na doon ang competition. Pero isang malaking pagpapasalamat na 'yon compare sa mga nangyari kay Mommy. Nabuhay ako, at wala akong dapat na ireklamo.

Maraming dumadalaw sa akin, family, and my friends. Pero iyong palagi kong hinihintay ay hindi na muling bumalik para dalawin ako. Hinihintay ko siya, pero nagawa ko siyang lokohin sa amnesia ko. Akala ko ba ay hihintayin niya ako? Tsk. Paasa.

Mabilis akong lumingon nang bumukas ang pinto ng kwarto. Nagulat ako nang makitang si Riley 'yon kasama si Vera. Malaki ang ngiti ni Riley, samantalang bakas sa ekspresyon ni Vera ang inis.

Lumapit agad sa akin si Vera na parang nagsusumbong na bata. "Nangungulit na sumama 'yan! Sinabi ko nang 'wag na at baka kung ano pang mangyari sa'yo," aniya habang tinuturo si Riley na nanatiling nakatayo hindi kalayuan sa amin.

Tinitigan ko si Riley. Hindi nawala ang ngiti sa kan'yang mga labi. Siguro ay alam na niyang may amnesia ako. Kung akala niya ay totoong nakalimutan ko na ang mga panloloko niya sa akin ay nagkakamali siya. Pasalamat siya at kakailanganin ko siya sa binubuo kong plano. Ikaw naman ang gagamitin ko matapos mo akong gamitin sa kalandian mo, Riley.

Pilit akong ngumiti bago siya tinawag. "Babe!" sigaw ko. Ew.

Isasantabi ko rin. muna iyong kunwaring mga narinig ko kay Vera. I'll let him suffer para hindi na maulit ang panggagago niyang ginagawa sa mga babae.

No one should ever left hanging and questioning their worth.

Mas lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko. Lumapit agad siya sa akin at balak pa sana akong halikan. Tinulak ko agad siya palayo sa akin at nagdahilan para hindi niya mahalatang iniiwasan ko siya.

"Masakit ang katawan ko, babe."

Napangisi lang siya sabay kamot sa batok. "Sorry, babe. Next time na lang siguro."

Hindi na ako nagsalita. Nilingon ko na lang si Vera na mukhang nangdidiri sa panonood sa amin. Maging ako ay nasusuka na rin sa nangyayari, kung hindi ko lang siya kailangan ay baka sinipa ko na siya palabas ng kwarto.

"Pst!" tawag ko kay Vera nang hindi pa rin siya maka-move on sa nangyari.

Maagap niya akong tiningnan na parang nagulat pa sa pagtawag ko. "B-bakit?" tanong niya.

I tsked. "Lutang ka, girl?"

Inirapan niya lang ako bago umupo sa sofa na nasa likuran niya. "Kadiri," bulong niya na rinig ko naman bago kinuha ang cellphone niya at may ginawa doon.

Napangiti na lang ako bago tiningnan si Riley. "Babe, gusto ko ng lugaw. Bili ka muna sa labas, gusto ko 'yung maraming chicharon at bawang," utos ko sa kan'ya.

Tumango naman siya agad na mukhang masaya pa sa pag-uutos ko. "Okay, babe. I love you," aniya at saka naghintay pa sa isasagot ko.

Napairap ako sa aking isipan. Asa. "Bye," tipid kong sagot bago pilit muling ngumiti.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now