✨ 26 ✨

8K 149 43
                                        


CHAPTER 26


Pagkatapos nang gabing 'yon halos hindi na naman ako makapag-isip ng tama. Alam ko sa sarili kong may binubuo akong plano, ngunit nangingibabaw na naman sa akin ang nararamdaman ko patungo sa kan'ya. Hindi ko na rin talaga minsan maintindihan ang sarili ko. Nakakainis.

Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi kay Engr. Delgado. Nakita ko lang siyang pagod sa paghahanap sa akin, para na naman akong gumuguhong gusali dahil sa tindi ng pagkakasagi niya sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit anong oras na naman ako nakatulog kagabi at hanggang ngayon ay napapatulala pa ako na parang baliw.

Gusto ko siya... but fate decided to play with us.

At mukhang kailangan pa naming makipaglaro hanggang sa tuluyan kaming mapunta sa dulo. Ano nga ba ang katapusan naming dalawa?

I sighed.

Napatingin ako sa direksyon nasaan ang pinto nang naramdaman ko ang pagbukas nito. Siguro ay si Engr. Delgado iyon.

Ang alam ko ay magkasama kami sa kwarto, pero ako lang ang natulog dito kagabi. Simula nang ihatid niya ako dito sa kwarto ngayon pa lang ulit siya nagpakita sa akin. Saan kaya siya natulog kagabi?

Pagkapasok ay agad bumaba ang tingin ko sa mga dala niyang paper bags. Binaba niya iyon sa kama at maagap na tumalikod. Napatayo ako sa ginawa niya kaya agad ko siyang pinigalan.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

Ni hindi siya lumingon o hindi kaya'y sumagot, pero natigilan siya.

Muli ko na lang siyang tinanong. "Saan ka natulog kagabi?"

Sa pagkakataong 'to ay bahagyang gumalaw ang ulo niya at pasimple akong sinulyapan. "Kailan ka pa nag-alala sa'kin?" aniya sa mababang boses.

Wait, what?! Nagtatampo ba siya?

Hell, no!

I gritted my teeth para pigilan ang inis. Ako ang may kasalanan kaya dapat kong magpakumbaba.

I sighed. "Stop acting like a kid, hindi bagay."

Fuck! Sabi ko magpakumbaba hindi umasal na parang tore sa taas ng pride.

Well, si Tala talaga 'to.

Napakagat labi na lang ako nang tuluyan na siyang humarap sa akin. Malayo sa inaasahan kong galit o inis na ekspresyon ang ipinakita niya sa akin. He can still managed to smile.

"Don't mind me, 'cause you don't need to worry about me," he shook his head na parang may tinatagong tampo sa akin. "Tungkol naman sa tanong mo... I'll get your breakfast outside, and I slept in my car last night. Okay na?"

Natulala lang ako sa mga sinabi niya. Para lang naman akong nahuli sa sarili kong bitag. Tila may bato rin na nakabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita. Totoo ba talagang nagtatampo siya sa akin?

I cleared my throat. Napagdesisyunang humanap ng tamang sasabihin. I think, I should need to apologize.

"A-about last night..." I started, nervous. "Sorry kung pinag-alala kita."

Mahigpit akong napahawak sa ibabang parte ng suot kong oversized shirt. Kahit pilit niyang pinipigilan, randam na randam ko pa rin ang inis sa mga sinasabi niya. Alam kong hindi iyon simpleng tampo lang, dahil mukhang nag-alala talaga siya kagabi sa akin.

Hindi siya nagsasalita noong hinatid niya ako dito sa kwarto kagabi. Doon pa lang alam ko nang mali talaga ang ginawa kong pag-alis ng hindi nagsasabi. Sinawalang bahala ko naman 'yon dahil akala ko huhupa rin agad ang nararamdaman niya... nagkamali ako.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now