✨ 23 ✨

8.7K 150 20
                                        


CHAPTER 23


Totoong ngang kahit anong sabi mo sa sarili mong hindi ka na marupok, kapag andiyan na ulit siya, guguho na naman ang mundo mo. Mahal ko, eh --- ang pangbansang dahilan ng mga marurupok... at kasama na ako doon.

I guess, I'm just being in denial all this fucking time. I'm trying my best to ignore him, and set aside all my dramas. But, I still can't deny na mahal ko na talaga siya.

I can't resist his smile, pero kaya ko siyang itulak maitago lang ang lintik na nararamdaman ko.

I blushed.

"H-hindi ako n-nagtatampo. Asa!"

Maagap ko siyang tinulak palayo sa akin at umiwas ng tingin. Naghuhuromintado na naman kasi ang puso ko sa mga ginagawa niya. Hindi rin imposibleng mapansin niya ang pamumula ko dahil sa kilig, at ayokong pati iyon ay pagsimulan pa ng pang-aasar niya.

I heard him chuckled. Narinig ko ang paggalaw niya sa harapan ko at ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagyakap niya sa tabi ko. Damang-dama ko ang init ng katawan niya kahit na medyo may kakapalan ang suot kong puting t-shirt, maging ang paghinga niya ay naririnig ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

I tilted my head para makatingin ng diretso sa harapan. Nanatili naman siyang nakayakap sa akin habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

He smell so good. Ang panlalaki niyang pabango ay hindi gano'n katapang kumpara sa amoy ng mga lalaking nakakasalamuha ko sa bar. At kahit siguro malayo at isang tingin pa lang ay masasabi ko nang mabango talaga siya. Para iyong natural na amoy na kahit pagpawisan siya ay hindi na mawawala.

Ang mga naglalakihang bisig niyang ikinulong ang sarili ko ay unti-unting bumababa sa bewang ko. Napaigtad ako nang naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya palapit lalo sa katawan niya.

He kissed my ear as I heard him whispered.

"I badly wanted to bring you home with me."

Mas lalong naghuromintado ang puso ko. Gusto ko ulit siyang itulak, ngunit may pumipigil sa akin na gawin 'yon at itigil ang ginagawa niya. Kasabay ng pagbilis nang tibok ng puso ko ang kalayaan din na nararamdaman ko ngayon.

Matagal ko nang gustong maramdaman ang ganitong pakiramdam, at hindi ko lubos akalain na sa kan'ya ko lang pala ito mahahanap. Maybe, he's the freedom that I always prayed for.

"Will you come with me?"

I shivered as I heard his melodious voice clearly. It's still sounded sexier than ever and made my skin crawled.

Ang mga kamay kong pirming nakababa ay namamawis na parang may umaagos na tubig sa tindi ng kabang nararamdaman. Mas lalo tuloy akong nahihiyang hawakan siya at itulak palayo sa akin. Pakiramdam ko ay dudulas lamang iyon at magsisilbing dahilan nang tuluyang pagkawasak ng dibdib ko.

Hindi ko alam ang isasagot sa kan'ya. May tumutulak sa akin na sumama, ngunit may pumipigil din sa akin na 'wag magpadala sa mga sinasabi niya.

I gulped.

"N-no..." I whispered in a weak voice.

A deep sigh left him as if he's weighing things on what to say next. Ayokong isipin na nasaktan siya sa naging sagot ko, dahil sigurado akong hindi lang pagsama sa kan'ya ang gagawin ko. I'll let him marry me instead.

Ilang segundo ko pa siyang hinayaan na yakapin ako. I wonder how Engr. Delgado would react if I pushed him again. Siguro ay maiinis siya sa akin o hindi kaya ay magagalit.

I took a deep breathe bago ako naglakas loob na mag-angat ng kamay para sana alisin ang pagkakayakap niya sa'kin. Ngunit, imbis na magalit gaya ng inaasahan ko, mas humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko.

✔ || The Walwalera (Part I)Место, где живут истории. Откройте их для себя