✨ 12 ✨

10.4K 188 22
                                        


CHAPTER 12


"Abigail, anak! Gising!"

Papungas-pungas akong nagmulat ng mga mata bago naguguluhang bumangon. Nakita ko si Daddy, mabilis ang kan'yang paghinga na animo'y may hinahabol.

"Bakit po, Daddy?" taka kong tanong sa kan'ya bago kinusot-kusot ang mata. Umayos ako nang pagkakaupo.

Kinakabahan ako at natatakot.

Nagtungo siya sa cabinet ko at kumuha ng makapal na jacket doon. Pinanood ko si Daddy, nanatili siyang nakatayo sa harap ng cabinet ko kahit hawak-hawak na niya ang pink na jacket ko. Dinapuan ako ng mas matinding takot nang kumapit siya sa haligi ng cabinet ko na tila nanghihina sa pagkakatayo.

Mabilis kong nilingon ko ang bintana at nakitang wala pang liwanag sa labas.

Nakauwi na kaya si Mommy?

Ibinalik ko ang tingin kay Daddy, ngunit hindi pa ako tuluyang nakakaharap ay pilit na niyang isinusuot sa akin ang jacket na nakuha niya. Isinuot ko naman ito ng maayos bago muling nagtatakang tiningnan siya.

"S-saan po tayo pupunta?" mas naguguluhan kong tanong nang napansin ko ang pangingilid ng kan'yang mga luha.

He's crying. Anong nangyayari?

Pinahid niya lang ang mga luhang 'yon kahit hindi pa tuluyang kumakawala bago lumuhod sa harap ko at kinuha ang mga paa ko. Tahimik niyang isinuot sa akin ang sapatos na hindi ko napansing kinuha niya rin pala sa cabinet ko --- rinig na rinig ko ang sinisigaw na lungkot at pighati ng katahimikan niya.

Sa edad kong 'to alam kong may hindi na tamang nangyayari, hinihintay ko lang na manggaling sa bibig niya bago ako tuluyang mangamba sa mga naiisip.

Nanatiling tahimik si Daddy bago tumayo kasabay ng tuluyang pagbagsak ng kan'yang mga luha. Tinitigan ko siyang mabuti hanggang sa nakuha ng atensyon ko ang umiilaw at nagri-ring niyang cellphone sa higaan ko.

'Oliver is calling...'

Hindi ko siya kilala, pero ilang ulit na nag-ring 'yon bago ito kinuha ni Daddy.

"Dito ka muna, Abigail," utos ni Daddy na sinundan ko lang ng tingin hanggang sa nakalabas na siya ng kwarto.

Narinig ko pa ang pagsinghot niya dahil siguro sa pag-iyak. Kahit itago niya ay nakita ko kung paano tumulo ang luha niya, at doon ko napagtanto na talagang may nangyayari... at iyon ang gusto kong malaman.

I need answers, not this silence he is giving me.

Tumayo ako at awtomatikong humakbang ang mga paa ko patungo sa pinto. Hindi ako lumabas, tumayo lang ako sa tabi ng pinto kung saan malinaw kong naririnig ang tuluyang pag-iyak ni Daddy.

Nadudurog ang puso ko kung paano niya pilit na pinipigilan ang umiyak sa harap ko, at kung paano niya pilit na kinokontrol ang pag-iyak para lang hindi ko iyon marinig. Malakas at hindi basta-basta umiiyak ang Daddy ko, at kung paano siya umiiyak ngayon ay parang isang malaking problema ang gigimbal sa akin.

At iyon nga ang mga sumunod na nangyari. Ayokong marinig lahat, pero andito ako ngayon nakatayo at tahimik na nakikinig kahit na sinabi niyang manatili lang ako doon sa kama.

"Hindi ko pa nasasabi sa kan'ya na w-wala na ang M-mommy niya. H-hindi ko alam kung paano s-sasabihin..."

Napabalikwas ako at hinahangos na umayos sa pagkakaupo. Bumabalik na naman ang panaganip ko kung paano nagsimulang magulo ang buhay ko...

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now