CHAPTER 21
"Then... you should keep me too," he smirked.
Nalaglag ang panga ko sa biglaang banat niya na 'yon. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para makipagtalo sa kan'ya nang dahil lang sa mga pesteng bulaklak na 'yon. Dapat nga ay hayaan ko lang siya sa kung anong gusto niyang gawin dahil hindi ko siya naaalala at wala na dapat akong pakialam sa kan'ya.
"Sige na, itapon mo na pala," malamig kong sabi sabay iwas ng tingin sa kan'ya.
Ang bobo ko lang talaga sa part na hinahayaan ko siyang pumasok ulit sa buhay ko ng gano'n lang kadali. Hindi ba't hindi na ako marupok. Nakakainis.
Itinuon ko ang buong atensyon ko kay Vera na mukhang kanina pa nanonood sa amin. Tahimik lang siyang nakaupo at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa Tito niya.
Nanatili akong gano'n hanggang sa tumigil siya sa kan'yang ginagawa. "Daig niyo pa ang mag-jowa sa LQ," aniya at saka pabagsak sa sumandal sa sofa at nagcrossed arm. "Ayusin niyo 'yan, ayokong magkaroon ng pinsan na ipinanganak sa sama ng loob," dagdag pa niya.
Literal na lumaki ang mata ko sa sinabi niya. "Sinasabi mo ba na magkakaanak kaming dalawa?" tanong ko. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan ay matagal ko na siyang binitin pabaliktad. Tsk.
"Bakit ayaw mo ba?" biglang sabad ni Engr. Delgado na agad kong nilingon.
"Ayoko," sagot ko agad. "At saka bakit naman tayo magkakaanak? Mag-asawa ba tayo?" taas kilay kong tanong.
"Hindi..." tipid niyang sagot.
Napangisi ako. "Hindi naman pa---"
"Hindi pa," he continued.
Natigilan ako kasabay ng pagbilis na naman nang tibok ng puso ko. Paanong hindi ako rurupok kung sa lahat ng sasabihin niya ay naghuhuromintado ang puso ko. Fuck!
I gulped.
Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Madali nilang mahahalata ang pagpapanggap ko kung magpapatuloy ang nararamdaman ko. Hindi nila p'wedeng malaman agad na may naaalala talaga ako. Masisira ang plano ko at ang gusto kong mangyari.
I bit my lower lip bago siya tiningnan ng seryoso. "I won't marry you. Hindi kita kilala at mas lalong hindi kita type," I stated.
Well, si Tala kaya 'to.
Lumandas lang ang ngisi sa labi niya at nakipagtitigan sa akin. Siguro ay nakakahalata na siya, o hindi kaya ay nakita niya ang reaksyon ko kanina. So, what, hindi pa rin ako magpaloko sa kan'ya.
Lumipas ang ilang minuto nang hindi siya nagpatinag sa pakikipagtitigan sa akin. Magsasalita na sana ako ulit nang bigla namang bumukas ang pinto na kumuha ng atensyon ko at ni Engr. Delgado.
It was Riley, holding a bag of fruits at iyong lugaw na inutos ko. Bakas sa mukha niya ang gulat nang makita si Engr. Delgado sa harap niya. Hindi pa rin kasi ito umaalis sa puwesto niya na malapit sa may pinto. But a few seconds ay nag sink in din sa kan'ya ang nakita.
"Ikaw po pala, Tito Oliver," aniya at saka ngumiti. "Napadalaw po kayo?" tanong pa niya, tila walang alam sa nangyayari.
Wala naman talaga siyang alam. Bukod sa kalandian at kalibugan niya ay wala ng ibang laman ang puro hangin niyang utak. Ewan ko nga bakit ko siya nagustuhan, nakakapangsisi.
"She's my student," sagot lang ni Engr. Delgado at saka tumingin sa akin nang nakangiti. "Hindi pa pala ako aalis, hihintayin ko na si Vera."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya at pinanood siyang naglakad patungo sa mesa. Nilapag niya ulit doon ang mga bulaklak bago nagtungo sa sofa at tumabi kay Vera sa pagkakaupo. Naglabas pa siya ng cellphone at may ginawa doon na parang walang nangyari.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
✔ || The Walwalera (Part I)
ЧиклитTala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class. Date Started: March 18, 2021 Date Ended: July 16, 20...
