✨ 16 ✨

9.6K 182 21
                                        


CHAPTER 16


"Saan ka pupunta?!" habol ko kay Engr. Delgado.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Magpapahabol ba talaga siya? Feeling pogi. Tsk. Pogi naman talaga.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang dumudugo pa rin hanggang ngayon. Nakakuyom ito habang tumutulo ang dugo na parang gripo. Hindi ba siya nasasaktan? Ako ang nasasaktan sa ginagawa niyang pangba-balewala sa mga sugat niya. Kainis.

"Engr. Delgado!" sigaw ko at saka huminto. Malayo na kami sa bar, at hindi ko pa rin malaman kung saan ba talaga pupunta ang lalaking 'to. O, baka trip lang talaga niyang inisin ako.

Pinanood ko lang siyang patuloy lang sa paglalakad, hanggang sa napansin ko ang pagbabago sa bawat paghakbang niya. Bumabagal ito at tuluyan nang huminto hindi kalayuan sa akin.

Tinitigan ko siyang mabuti. Hindi ko pa rin lubos akalain, na magmamahal ako ng katulad niya. Simula nang mamatay si Mommy, puro sarili ko na lang ang iniisip ko. Nagmahal ako pero hindi katulad ng ganito, iyong maghahabol ako sa taong hindi naman ako gusto.

Minahal ko si Riley, sadyang may mga bagay lang talaga na mabilis magbabago kapag alam mong hindi siya para sa'yo. At kung mahal niya talaga ako, enough na siguro ako para hindi siya magloko.

If he's a cheater, he doesn't deserve my second chances.

Ayoko kasi sa lahat iyong niloloko ako. Kaya kung hihingi siya ng pangalawang pagkakataon, kahit na kailan hindi na niya makukuha 'yon. Para saan? Sinubo na siya ng iba tapos isusubo ko ulit? Yuck!

Duh, si Tala kaya 'to.

Don't settle for less than you deserve, ika nga nila.

Marahan at maliliit ang bawat hakbang ko palapit sa kan'ya. Nanatili naman siyang nakatayo at pansin ang malayo niyang tingin sa kinaroroonan niya. Mabibigat ang bawat paghinga ko nang huminto ako ilang metro sa kan'ya. Alam kong galit siya, pero andito pa rin ako, lakas loob na pumapasok sa mundo niya.

"If you're mad at---"

"Please, Tala. Umalis ka muna. Ayokong marinig ang kahit anong sasabihin mo," mariin niyang sabi nang hindi tumitingin sa akin.

Nakaramdam ako nang panlulumo sa mga sinabi niya. Inaamin ko, matigas talaga ang ulo ko, pero hindi ako masamang tao. Hindi ko gusto ang mga nangyari kanina, at hindi ko rin hiniling na tulungan niya ako at makipagsuntukan siya sa mga lalaking 'yon. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko, hindi ko siya kailangan.

Well, si Tala kaya 'to.

Muling bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya. Dumudugo pa rin ito, pero hindi na gano'n kanina. Ano ba kasi ang ginawa niya at gano'n na lamang ang pagdurugo noon. Galit na galit? Tsk.

Mas lumapit pa ako sa kan'ya at maingat na kinuha ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya agad siyang humarap sa akin at pilit na binawi 'yon.

Tinitigan niya ako nang hindi ko binitawan ang kamay niya. Hindi lang naman pala ako ang matigas ang ulo dito. Kung ipapagamot niya ang kan'yang kamay baka tigilan ko na siya. Ano ba kasing mahirap gawin sa sinabi ko? Tsk.

"What?" tanong ko nang hindi pa rin niya inaalis ang paninitig sa akin. Kahit ano siguro ang gawin ko, hinding-hindi ko siya mababasa. Matibay at protektado ang kan'yang buong pagkatao para pasukin ko na lang ito ng basta-basta.

Umiwas na lang ako nang tingin bago pa ako tuluyang mabaliw. Hindi ko na ipipilit ang aking sarili. Kung ayaw niya sa akin, okay.

"Dalhin na natin 'to sa ospital," tukoy ko sa kamay niyang hindi ko pa rin binibitawan. Hahaplusin pa sana ito gamit ang isa ko pang kamay nang bigla niya naman itong bawiin sabay layo sa'kin.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now