✨ 13 ✨

10.4K 202 15
                                        


CHAPTER 13


"Hindi ka pa nagre-review?"

Umiling ako. Ilang linggo na ang lumipas simula nang malaman ko na ako ang isasali niya sa national quiz bee, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nag-aaral. Wala naman kasi talaga akong balak sumali doon, bukod sa wala akong alam ay hindi para sa akin ang bagay na 'yon.

Bakas sa mukha ni Sir Pogi ang pagkadismaya. Para namang may magagawa siya, alam niyang hindi para sa akin ang quiz bee na 'yon pero pilit niyang pinagpipilitan. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ba ako o may gusto siyang patunayan kung kanino.

"Magre-review tayo," aniya at saka kinuha ang libro sa harapan namin.

Katulad ng sabi niya kanina ay mag-aaral daw kami, at dahil sa bahay niya ako umuuwi ay wala na akong magagawa. Kahit pa siguro magpagabi ako ng uwi ay mapipilitan din akong mag-aral kung iyon ang isasalubong niya sa akin.

May ilang makakapal na libro sa harap namin, ang iba dito ay pamilyar sa akin dahil siguro smga librong ibinagay sa akin ni Mommy at Daddy na hindi ko naman magawang buksan. Sa ilang taon ko sa Engineering, hindi ko pa rin alam kung anong purpose ko kung bakit ko kinuha iyon. Bukod sa pangako ko kay Mommy, wala na akong maisip na ibang dahilan.

Alam ko sa sarili kong hindi ako bobo, pero alam ko rin sa sarili ko na hindi ako para sa kursong 'to.

"Magsimula na tayo."

Binuksan niya ang hawak-hawak niyang libro at nagsimulang basahin 'yon. Pinanood ko lang siya hanggang sa naalala ko ang mga sinabi niya sa akin sa hospital. I wasn't sure if it's the right time to ask him. Days had passed and I'm still wondering if he's the guy on the phone with Dad that night. His second was Oliver, at kung siya nga iyon ay ibig sabihin kilala niya ang pamilya ko.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa, samantalang ako ay nanatili ang panonood sa bawat galaw niya. Gusto ko na siyang tanungin, pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Alam kong magugulat siya at magtataka kung bigla na lang ako magtatanong tungkol sa pamilya ko, pero wala namang masama kung magatatanong ako hindi ba? Bumati nga sa TV puwede, e.

I cleared my throat. "Hmm, Sir."

Huminga ako ng malalim. Hindi siya lumingon, pero alam kong narinig niya ako. Magkatabi lang kami sa upuan, at kung tutuusin ay wala pang isang ruler ang layo namin sa isa't isa. Alam kong busy siya sa pagbabasa, pero hindi naman siya pipi para hindi sumagot. Hmp.

"Sir," muling tawag ko.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi niya ako magawang lingunin o magsalita kahit 'bakit' 'man lang. Napakamot ako sa kilay. Naiinis na yata ako. Kung hindi pa siya sasagot ay talang aalis ako dito. Kainis.

"Sir," masiglang saad ko bago inilapit ang mukha ko sa kan'ya nang bigla naman siyang humarap sa akin ng hindi ko inasahan.

"What---"

Parehong gulat ang naging reaksyon naming dalawa, at imbis na magsalita ay bumaba ang mata ko sa mga labi niya. Kung kanina ay wala pang isang rule ang lapit namin sa isa't isa, ngayon naman ay wala na yatang sa limang pulgada iyon. Binasa ko ang pang-ibabang labi ko. I wanna kiss him.

Napalunok ako at unti-unting lumapit sa kan'ya... nang bigla naman siyang lumayo at naiwan akong nakatulala. "Let's start with trigo," aniya bago umayos ng upo.

Mariin akong pumikit. Fuck! Nakakahiya ka, Tala.

Mabilis akong nagmulat ng mata at bumalik sa kaninang puwesto. My ego hurts. Akala ko ay kakagat siya sa gagawin ko, 'yon pala ay kakagatin lang ako ng pantasya ko.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now