CHAPTER 33
"Where have you been, Abigail? Halos dalawang linggo ka na naming hinahanap. Nagfile na rin kami ng case sa mga pulis sa sobrang pag-aalala namin," ani Daddy habang namamaluktot na ako sa pagkakaupo dahil sa takot.
I pouted. Nanatili ang tingin ko sa sahig at hindi makatingin sa kan'ya ng diretso.
"Nagbakasyon lang po ako..." mahinang sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy kaya mas lalo akong dinalaw ng takot.
"Nagbakasyon?" kalmadong sabi niya, ngunit bakas pa rin ang galit at takot sa boses. "Ni hindi ka 'man lang nagpaalam. Halos atakihin na ako sa puso dahil sa takot. Lahat ng gamit mo nandoon sa kwarto, pati na rin ang cellphone mo. Akala ko ay nakidnapped ka na kaya halos hindi na ako umaalis dito sa bahay at naghihintay ng tawag mo," dagdag pa niya.
Nanatili naman ang atensyon ko sa sahig nang bigla siyang umupo sa tabi ko. Napalingon ako kay Daddy at naabutang hinihilot ang kan'yang sariling sintido.
Nakaramdam ako nang awa habang pinagmamasdan si Daddy. Kitang-kita ko ang stress at puyat sa mukha niya. Siguro ay hindi rin siya makatulog ng maayos nang dahil sa pag-aalala sa akin. Inaasahan ko na naman na mangyayari 'to, hindi ko lang inexpect na ganito pala kasakit na makita siyang nagkakaganito.
Bakit nga ba hindi 'man lang sumagi sa isip ko na magpaalam, kung puwede naman akong humiram ng cellphone o kahit telepono doon sa resort. Napakawalang kwenta ko talagang anak. Palagi ko na lamang pinasasakit ang ulo niya.
Marahan kong nilapitan si Daddy. "Sorry, Daddy. Hindi na po mauulit," ani ko at saka siya niyakap.
Tiningnan niya naman ako bago tipid na ngumiti kasabay nang pagyakap niya pabalik sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.
Kailangan ko na talagang magbago para kan'ya. Siya na lang ang mayroon ako kaya dapat ko siyang ingatan.
Ipagpapatuloy ko pa kaya ang pinaplano kong pag-alis sa field na inaasahan nilang matatapos ko?
Fuck! Hindi ko na kaya pang patagalin ang pananatili at pagtitiis sa lintik na Engineering na 'yon. Habang tumatagal mas lalo lang akong nagiging pabigat sa kan'ya. Dapat nga ay matagal ko nang ginawa ito, baka nakakatulong pa ako sa kan'ya ngayon.
Huminga ako ng malalim bago lakas loob na nagsalita. Ayoko na rin namang patagalin pa 'to, mas mabuti na 'yong marinig niya ito mismo sa bibig ko kaysa malaman pa niya sa ibang tao.
"Dad, may sasabihin po sana ako."
Nanatili ako sa pagkakayakap sa kan'ya hanggang sa naramdaman ko ang bahagya niyang paggalaw. Hindi ako umalis, mas hinigpitan ko pa ang yakap. Ayoko kasing makita ang magiging reaksyon niya kung sakali na sabihin ko na ang desisyon ko.
Natatakot ako.
"Ano 'yon, Abigail?" aniya, naghihintay sa sasabihin ko.
Saglit muna akong nag-isip at kumuha ng mas maraming lakas ng loob bago magsalita. Mahirap din palang sabihin ang gusto mo sa taong umaasa sa iyo buong buhay mo. Pareho kasi sila ni Mommy na umaasang susunod ako sa mga yapak nila, na magiging isang magaling na Engineer. Kaya napakahirap talaga para sa akin na magdesisyon nang basta-basta.
Fuck!
Huminga pa ako ng mas malalim bago isinatinig ang pinakamahirap na desisyong ginawa ko sa buong buhay ko.
"Gusto ko po sanang magshift ng course, Daddy," mahinang sabi ko bago mariing pumikit.
Sigurado akong magugulat siya o hindi kaya ay baka magalit sa sinabi ko. Hindi imposibleng mangyari 'yon... pero sana hindi.
DU LIEST GERADE
✔ || The Walwalera (Part I)
ChickLitTala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class. Date Started: March 18, 2021 Date Ended: July 16, 20...
