"Siguro ginutom ka na ng sobrang kilig mo," nakangising sabi ni Poknat at saka ko siya siniko. Natatawang hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng silid.

Dinala kami ng mga paa namin sa buffet area kung saan maraming masasarap na pagkain ang naghihintay. Hindi na kami nagdalawang isip na sumandok ng pagkain dahil parehas pala kaming gutom na gutom.

"Nandiyan pala kayong dalawa!" biglang sumulpot si Corra mula sa kung saan at nakiupo sa may mesa namin. Gusto ko siyang pagtawanan dahil akala mo nalugi siya sa sugalan.

"Oh, nasaan si Leighton?" tanong ko.

"Don't ask me," matamlay niyang sagot. Pagkatapos ay pinandilatan niya kaming dalawa at saka sumingkit ang mata. "Oh, something's up with you, may dapat ba akong malaman, Remi?"

"W-Wala—"

"I see, I see," pang-aasar niya. "I told you sulit ang pagbili mo sa dress na 'yan."

"Teka, huwag n'yong sabihing set up 'to?" tanong ko sa kanilang dalawa. Imbis na sumagot ay ngumiti lang sila parehas.

Pagkakain namin ay muli kaming bumalik sa entertainment room, kasama si Corra, nagreklamo pa nga 'to na ginawa raw namin siyang third wheel. Naglaro kami ng arcade games ng one to sawa, maya-maya'y naisipan nilang mag-karaoke. Dumating din si Quentin at mas piniling makipagbonding sa'min kaysa bumalik sa maingay niyang party.

Hindi ko na namalayan ang oras, at natauhan lang ako nang makitang mag-aalas dose na ng gabi. Sa kalagitnaan ng paglalaro namin ng RPG game sa PlayStation nang tumayo ako bigla.

"K-Kailangan ko nang umuwi." Napahawak ako sa noo dahil naalala ko na naman na hindi nga pala ako nakapagpaalam kay Miggy!

"Oh? Is it Miggy that you're worrying about?" sabi ni Quentin. "Don't worry, nandito rin siya sa party." Hindi pa rin naibsan ang kaba ko sa sinabi niya.

"Tara, hanapin natin siya," sabi ni Poknat. Tumayo siya't hinila ako palabas.

"I'm coming with you," dinig kong sabi ni Corra. "Let's get our things first."

Pinauna namin si Corra at Quentin dahil sila ang nakakaalam kung saan ba tinabi ng mga kasambahay 'yung bag ko. Napailing na lang ako nang makababa kami dahil hindi alintana ang oras sa mga nagpaparty pa rin.

"Wala ba silang balak umuwi? Wala ba silang mga pasok?" tanong ko habang nakatingin sa labas.

Napakibit-balikat si Quentin. "I guess I'll somehow miss this kind of party. Don't worry about them, Remi." Oo nga, bakit ko ba pinoproblema kung may mga pasok sila bukas o wala.

Napalingon ako at saka napansing nawawala si Poknat, kanina lang ay nakahawak siya sa'kin.

"Si Poknat?" tanong ko sa dalawa.

"He went to the comfort room," sagot ni Corra. Bigla akong tinapik ni Quentin.

"Your dad's here," bulong ni Quentin.

Akala ko kung sino 'yung tinutukoy niya iyon pala'y si Miggy ang naglalakad palapit sa'min, hindi maipinta ang mukha, well, gano'n naman talaga palagi ang itsura niya. Pasimple ko tuloy kinurot si Quentin.

"Hey, Miggy! Glad you came," bati ni Quentin dito nang makalapit sa'min.

"Why are you not answering my calls?" tanong nito sa'kin saka tumingin sa mga kasama ko. "Kanina pa ako rito pero ngayon ko lang kayo nakita." Hindi ko alam pero tunog naiinis ang tono niya, siguro kanina pa siya rito at nagtataka kung bakit nawawala kami.

"Pinatabi kasi namin 'yung mga gamit namin, kaya naiwan ni Remi 'yung phone niya sa bag niya," si Corra ang sumagot na kaagad sinundan ni Quentin na hindi pa rin mawala-wala ang ngiti.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon