Oo nga pala. Ang Evaluation."Ahhh talaga? Sige..wala naman akong gagawin bukas,"

Ngumiti si Vien sakin."Great!"

Nagdaldalan na sila ni West pagtapos nun. Di naman sa 'out of place' ako pero alam kong nararamdaman ni Vien na wala ako sa mood.

Napansin ko na ang mga wizards dito ay ay iba't ibang kulay nang mata. Pero ang karamihan ay brown lang. Naisip ko na baka pumunta ako sa library ngayon para ibalik yun libro na kinuha namin.

Nakadating kami sa cafeteria at umupo. Si Vien ang nagpasya na pumunta at kukuha nang pagkain. Kaya eto ako ngayon..dinadaldal ni West.

"Ate?"

Nilingon ko naman sya."Hmm?"

"Wala naman mananakit dito diba?"

"Bakit may inaway ka?"Tanong ko.

Umiling sya nang umiling."Wala ah! Ah eh....kasi... tignan mo yun mga babae dun.."

Tumingin ako sa tinuro nya. Ang sama nang tingin nila samin.  

Tss.

Hinarap ko uli si West. Ginulo ko nang onti yun buhok nya."Wag ka mag alala okay? Pag may umaway sainyo dito ako bahala."

Ngumiti nalang sya sakin. "Salamat nang marami ate Hera ah?"

Tumango nalang ako. May naglapag nang pagkain sa harap namin. "Oh kain na mga bitches!" Ang ingay talaga.

Inirapan ko lang sya at kumain na. Kailangan ko bilisan para makapunta nako agad sa library.

Agad akong natapos dahil nagugutom nadin ako hehe. Nagpaalam nako sakanila."Punta ako library babalik ako ang libro..."

Tumango lang sila pareho dahil puno ang bibig nila psh. Lumabas nako kasabay ang ilan mga wizards. Narinig ko silang nag uusap tungkol sa alphas kaya inunahan ko sila sa pinto.

Dahil kakakain ko lang,dahan dahan lang ako sa paglalakad mahirap na baka may mabangga ako uli o matapilok.

Nakarating naman ako sa library nang payapa. Binalik ko yun libro sa.librarian at nagpasalamat. Wala nang kibo kaya umalis din ako para hanapin yun hinahanap ko.

Tumingin ako dun sa malaking libro na nakadisplay sa gitna. Nagtuturo daw ito kung alin libro ang iyon nais.

Lumapit tuloy ako dun at nagtanong."Ahem...libro tungkol sa Unibersidad?"

Bigla naman ito gumalaw at nag flip nang ilang page at boom! Nakasulat dun na di kana nya mahal.(Joke hshs)

Nakasulat kung saan shelves daw yun may mga kinalaman sa sinabi ko. Pinuntahan ko na agad ito at hamanap nang tugma sa hinahanap nang utak ko.

Nakaagaw nang pansin sakin ang isang libro sa medyo gitna. Sya ang pinakaluma dahil sa kulay tsokolate nitong gilid. Kinuha ko ito at hinipan.

Nagliparan ang mga alikabok kaya medyo napaubo ako(corona virus char!).

Nakita ko naman ang nakasulat dito.   

                  'Kenque University'
  (History and Definition of the school.)

Wala naman nakalagay kung sino yun nagsulat kaya..kinuha ko na ito at umupo sa malapit na mesa.

Unang bumungad sakin ang lumang amoy kaya nilayo ko na unti.

Sa unang pahina,Nakalagay ang imahe nang unibersidad. Mukang iginuhit ito kaya medyo malabo.

Sa pangalawa ay nakita ko yun mga pahina at labels.(sus wala kayong label! hshs sorry pasmado:>)

Di ko yun pinansin at nilipat agad pahina yun tungkol nakaraan nang unibersidad. Ingat nadin ako sa paglipat nang pahina dahil marupok(yun nagbabasa chour:>) na ang mga pahina.

     -----------------------
               •Kenque University•
     -----------------------

■Ang unibersidad nang Kenque ay pinagawa noong Hunyo 24,1950. Natagalan ang paggawa nito dahil sa walang masyadong pinansiyal at supporta sa nakatataas. Natapos ito nang Pebrero 29,1960.

■Ang paaralan ay nagsimula sa pagtuturo nun 1961. Nun una ay, walang masyadong nag aral dahil di sikat pero kalaunan ay unti unti nang tumaas ang populasyon sa unibersidad.

■Sa kalaunan, kailangan nang ipribado ito dahil sa dami nang populasyon nang estudyante. Tila ang mga matataas,makapangyarihan at maharlika na lamang ang nakakapasok. Sinubukan nang ilang na gumawa katulad ng unibersidad na yon ngunit malaking halaga ang kailangan.

-----------------------------

-----------TO BE CONTINUED------------

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now