Chapter 1

695 7 0
                                    

"TARA na! Sama na kayo sa akin. Doon muna tayo sa bahay namin." Yaya ko kay Rosey at Audie na kasabay ko ngayong kumakain sa cafeteria.

Inirapan ako ni Rosey na kakatapos lang mag-apply ng lipstick. "Ano? Ipapatikim mo na naman sa amin yung mga imbento mong drinks? Malalasing na naman kami?"

"Come on, girls! This time hindi na masakit sa ulo yung iinumin niyo."

"Naku! Pass! Araw-araw na akong lasing, dalang-dala na ako." Ani Audie na nagtaas pa ng dalawang kamay.

"Ang susupportive niyo eh no?" Matabang ko silang pinagmasdan. "Titikman niyo lang eh."

"Alam mo kung kanino mo dapat ipatikim 'yang gawa mo?" Ngumuso si Rosey sa entrance ng cafeteria. "Ayun oh, kay Jacob. Para naman magkaroon kayo ng closure."

Nilingon ko ang inginuso ni Rosey. Nasalo ko ang malamig na mga mata ni Jacob.

Jacob was my fling. He was my dream guy. God knows how much we liked each other, ang siste ay hindi ko siya kayang bigyan ng label. Yun bang... okay sana siya kaso hindi ako okay.

I don't know if it's just me, pero kahit gaano man ako kaattracted sa isang tao, i feel suffocated kapag label na ang usapan.

Okay kami eh, masaya, maraming napapag-usapan, magkasundo sa lahat ng bagay, full of i love yous, napakatamis! Transparent naman kami sa isa't isa. Actually, three months felt like forever with him, partida hindi pa kami nagsesex.

Pero ewan ko ba kay Jacob, hinding-hindi ko ata siya maiintindihan. Nasa amin naman na lahat ng benefit, pero pinagpipilitan niyang bigyan ng label. Couldn't he just be content that I am into him? That I like him? Kailangan ba talaga may label? Kasi mas kaya kong ibigay ang sex kumpara sa hinihingi niya.

Bakit sa simpleng label na hindi ko nabigay ay umalis siya? As if what we had were nothing just because it didn't have label? As if I was not enough reason for him to stay?

Sabi niya naniniwala naman siya na totoong gusto ko siya. Kung ganoon, eh bakit umalis pa rin siya? Ano pa ba ang kayang patunayan ng label na hindi kayang patunayan ng katotohanang gusto namin ang isa't isa? Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan.

Lumabas ako sa cafeteria nang makitang lumabas din ang grupo ni Jacob. Hindi ko na nagawang magpaalam kina Rosey. I watched Jacob walked off. Alam kong ako ang iniwasan niya sa cafeteria.

Simula nang putulin ni Jacob ang koneksyon sa akin ay hindi na niya ako kinausap. Maiintindihan ko sana kung binigyan niya ako ng hint na aalis siya, para sana nakita ko man lang na mangyayari yun.

Pero hindi eh. Biglaan. First time kong naghost. Sa lahat ng nakafling ko, siya lang ang gumawa sa akin niyon.

"Ah! I finally found you." Naputol ang pagmomoment ko nang may umakbay sa akin. Pabango palang niya ay kilala ko na, paanong hindi? Eh, ako ang pumili niyon. Chic magnet ba.

Ang halik niya na para dapat sa pisngi ay sa labi naglanding dahil sa biglaan kong paglingon. Nang maghiwalay ang aming labi ay mangha siyang nakatitig sa akin.

"I missed you, babe."

Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha niya. "Saang palda ka nanaman ba sumuot? Two weeks kang absent. Naubusan na ako ng dahilan sa isang subject na kaklase kita!"

Hila-hila ko ang braso ni Marc palabas sa school.

Marc really know when to appear. Palaging nagkakataon na kailangan ko ng company sa tuwing maiisipan niyang magparamdam sa akin.

"Alam mo namang wala akong passion sa pag-aaral." Dahilan niya.

"Uhuh, sa dancing at painting lang." Pagsang-ayon ko. Tuloy-tuloy ako sa pagtangay sa kanya.

"Uhuh.." He mimicked. Naiimagine kong nakangisi na naman siya.

Binawi niya ang braso sa akin, bagkus ay inakbay niya iyon sa balikat ko.

"Where are you taking me, Lei?" Malambing niyang bulong, at the same time sniffing me.

"Saan yung sasakyan mo? Sayo ko nalang ipapatikim yung mga drinks ko." Kailangan ko ang pagiging bolero niya ngayon. I feel so low now, I need a fucking booster.

Napalayo ang ulo niya sa akin. Tinignan niya ako na parang ako ang pinaka-bad influence sa buong mundo. "Kakarating ko lang. Hindi na naman tayo papasok?"

Napamura ako noong maalalang back subject ang susunod kong klase.

"Back subject nga pala ang next subject!" Napapadyak ako sa inis.

I heard him laughed. Akala ko babalik kami sa school, ngunit sa pagkakataong ito ay siya naman ang tumangay sa akin. "Enough with back subject. I'd rather drink with you."

"Ano? Sa pangalawang beses sabay na naman tayong babagsak? Yung isa kong subject kay Sir Arturo namumurong mag-kwatro." Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko. "Ayaw kong magtake ng dalawang back subject next semester."

"Oh? Prof mo din si Sir Arturo? Namumuro din akong bumagsak sa subject niya eh." Aniya na tila nagkwento lang ng paborito niyang ulam. "Ayaw mo nun? Dalawang back subject ang itetake natin next semester..." He pulled me closer. "Dalawang beses din tayo magiging magkaklase. It's fun."

Fun.

Yung fun fun na ganyan ni Marc alam ko na eh!

"Tumigil ka nga, you walking scam!"

Scam, iba ang kahulugan sa amin ng salitang yan.

Marc laughed and pinched my chin. "God! I really missed you!"

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now