Nanatili akong nakapikit at hinintay ang magiging reaksyon niya. Ngunit sa ilang minutong paghihintay ko ay wala akong narinig kahit konting kaluskos, tanging ang paghinga lang ni Daddy ang naririnig ko.
Nag-isip pa ako ng mga susunod kong gagawin, nang napagpasyahan kong magmulat ng aking mga mata. Aalis na rin sana ako sa pagkakayakap nang bigla niya namang hinaplos ang buhok ko na agad nakapagpahikbi sa akin.
Pinilit kong hindi umiyak sa ginagawa ni Daddy, hanggang sa nagsalita na siya na mas lalong dumagdag sa bigat ng nararamdaman ko.
"Matagal ko nang gustong marinig 'yan sa'yo, anak. Ang gawin mo ang bagay na totoong makakapagpasaya sa'yo," aniya na naging dahilan nang tuluyang kong pag-iyak.
Mas hinigpitan ko pa ang yakap kay Daddy at saka sumubsob doon sa dibdib niya. Humagulgol ako nang iyak sa saya ng nararamdaman ko. Para kasi akong nakawala sa dilim na ilang taon kong pinagtataguan. Nakahinga ako nang maluwag na parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak.
Hindi ko na alam ang sasabihin. I just need his hug... my father's hug.
"Alam kong matutuwa rin ang Mommy mo sa naging desisyon mo, Abigail. Masaya kami sa kung anong tatahakin mong daan, anak ko."
Mas humagulgol pa ako nang iyak sa sinabi ni Daddy. Niyakap din niya ako nang mas mahigpit kasabay nang marahan niyang paghaplos sa buhok ko.
Thank you, Daddy.
Thank you, Mommy.
Thank you so much, Engr. Delgado.
Pagkatapos nang araw na iyon mas naging mas masiyahin ako. Bumalik ako sa Montgomery University para i-drop ang lahat ng subjects ko, at para na rin magpaalam sa mga kaklase ko.
Hindi naging maganda ang repustasyon ko sa University na iyon, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng masasaya at nakakainis na araw na nangyari sa akin doon. Naging pasaway 'man ako, alam kong hindi nila ako makakalimutan.
Duh, si Tala kaya 'to.
...And this is the beginning of a new chapter of my journey.
Habang naglalakad sa hallway na puno nang mga estudyante, pinagmamasdan ko ang dalawang babaeng nakatayo malapit sa posteng ilang metro ang layo sa akin. Masaya silang nag-uusap na parang walang iniisip na problema. Katatapos lang yata nang unang araw ng finals nila kaya ganito na lang karami ang mga estudyante sa labas.
Siguro ay nasagutan nilang mabuti ang exam kaya gan'on na lamang silang kasaya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na may ngiti sa aking mga labi. Masaya na akong nakikita silang masaya mula sa malayo. Matapos ko silang sungitan sa lahat ng oras, hindi ko na siguro kailangan pang magpaalam.
Hindi 'man naging solid ang samahan namin, masaya na akong nakikita silang unti-unting natutupad ang kanilang mga pangarap. I'm a proud Ate here.
Nakangiti kong nilagpasan si Serenity at Margarette na masayang nag-uusap. Hindi nila ako napansin na dalawa kaya hindi ko na rin sila inabala. They're still the best seat mate for me.
Dumiretso ako sa faculty room para i-drop ang subjects ko at para na rin humingi nang tawad sa mga teacher. Hirap pala maging sakit sa ulo, ang daming pagsisisihan sa huli.
Pagkatapos nang ilang oras natapos na ang lahat ng agenda ko sa University. Mabuti na lamang at wala doon si Engr. Delgado kaya mas mabilis pa sa inaasahan ko ang nangyari. Tinulungan na rin ako ni Daddy para mas mapabilis ang proseso.
"Tala!"
Napalingon ako agad sa sigaw na 'yon. Mula sa malayo, kita ko na agad ang malapad na ngiti ni Serenity. Maging ako ay napangiti na rin dahil doon.
YOU ARE READING
✔ || The Walwalera (Part I)
ChickLitTala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class. Date Started: March 18, 2021 Date Ended: July 16, 20...
✨ 33 ✨
Start from the beginning
