"Hey there... La mia principessa" sa pagkakangisi ni Mr. Amato ay nagsilitawan ang mga pangil niya saka dinilaan ang matutulis na pangil papunta sa ibabang labi niya.

Bago pa man sila makalapit ay may panibagong dalawang malakas na tumalon papunta sa lupa. Patalikod sa gawi namin kaya nakaharap ito kela Mr. Amato. Isang babae at isang lalaki.

"Smettila con queste stronzate ora!" (Stop this bullsh*t now!) nanggagalaiting ani Nurse Jeralene, hindi ko akalaing pati siya ay nandidito upang tumulong. Mahihimigan ang galit sa kaniyang boses. Parang ahas na tutuklaw sa kalaban ng 'di oras.

"Smetterò quando avrò quello che voglio" (I'll stop when I get what I want) kalmado lang ani Mr. Amato sabay ngisi ng matalim.

Hindi ko namalayang mataas na tumalon si Mr. Amato ng ganon kabilis, mapagkakamalang lumilipad ito sa taas ng pagkakatalon at akmang dadako papunta sa gawi namin nang nasalubong niya ang mataas ring pagtalon ni Dewei na siyang kasama ni Nurse Jeralene.

Malakas ang impact sa pagkakasalubong nilang dalawa bago pabigla silang sabay na bumagsak sa lupa. Kung saan sila bumagsak, doon banda nagiba ang lupa sa lakas at bigat nilang dalawa.

Sa sagupaang naganap sa pagitan ng dalawa ay nag-umpisang sumugod agad ang natitirang may karamihan pang kasama ni Mr. Amato. Lahat ng iyon ay buong lakas na sinalubong ni Nurse Jeralene ng siya lang ang mag-isa kaya may pagkakataong nahihiwa ang balat niya sa tatalim ng mga kuko nito.

Gayon pa man, hindi ko maiwasang humanga dahil napakalakas niya kahit babae siya at mag-isa niyang hinarangan iyon upang hindi makalapit sa amin.

Pati ang simpleng pagsipa nito ay malayo na ang tinatalsik ng Bampirang matatamaan ng paa niya at tumatagos hanggang kabilang katawan ang mga kuko ni Nurse Jeralene sa kung sino man ang madidikitan nito.

Sa isang dakot niya rin ng kamay niya ay sinisigurado niyang mababalibag ito. Napakalakas at liksi niya. Hindi pa rin mawawala ang angkin niyang kagandahan kahit may nagsitalsikan ng dugo sa mukha niya.

Kaagad kong nabalingan ng tingin si Lovier nang marinig ko ang malahalimaw na tunog niyang nagagawa. Nadagdagan ang takot ko at bahagya sanang lalayo ngunit mahigpit ang pagkakahapit niya sa akin, dikit na dikit ang mga katawan namin.

"L-Lovier?" kabado kong pagtatanong, ginagawan ng paraan upang mabalik siya sa katinuan pero unti-unti na namang tumubo ang matatalim niyang mga ngipin at ang kanyang mga balahibo lalo na sa braso at dibdib.

Nakapikit siya at halatang may pinipigilan. Mabilis ang kaniyang paghinga. Pilit kumukuha ng kontrol sa saliri kahit nararamdaman ko na ang talim ng mga kuko niya sa may bewang ko kung saan niya ako hawak.

Nanginginig ang mga kamay kong sinubukang hawakan ang pisngi niya na ikinamulat niya ng mga mata at nalingon ako. Nagliliwanag ang kakaibang kulay ng kaniyang mga mata. Ngayon ko lang napansin na nahahaluan na ito ng itim na kulay sa sulok ng bilog niyang mata.

"Lovier" muli kong pagtawag sa kaniyang pangalan, naging dahilan iyon upang bahagya siyang huminahon.

"Go.." iyon na naman ang muli niyang pagpapalaya sa akin, lumuwag ang pagkakahawak niya na yakap na siguro ang tawag.

Mabilis akong umiling. Natatakot na akong mawalan ulit kung tatakas ako ng wala siya. Kailangan kong mag-isip ng paraan.

Hanggang sa nag-angat ako nang tingin sa kalangitan, ngayon ko lang namalayan ang pula at buong buwan. Napakaganda nito tignan dahil ang laki nito sa gawi namin. Tutok na tutok. Sa pagkakatingin ko doon ay may naalala ako bigla.

Kapag sumapit na ang Luna Rossa (Blood Moon) lalabas ang kanilang tunay na kapangyarihan at anyo sa oras na matikman nila ang Sangue Dolce (Sweet Blood)

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now