Hindi ko alam kung bakit sa tuwing siya ang kaharap ko ay nagmimistula akong kwago, walang ibang gagawin kundi gumawa ng mahinang tunog habang parang adik na dilat lang ang mata sa kausap.

"Good afternoon din" boses niya pa lang ang naririnig ko, pero ganoon na lang ang pagtunaw ng katawan ko. E-enebe, pereng shere(sira) nemen te.

Pasimple kong inayos ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

'Leche flan Eda ang landi! Umayos ka bumati lang naman siya!'

Nagpeke ako ng ubo "Naparito ka po?" nahiya ang mga anghel sa langit sa kabaitan ng tono ng boses ko, boses lang ang mabait 'wag papadala sa ugali ko.

Bago pa man niya ako sinagot sa tanong ko ay natulala akong napatitig doon sa inabot niya. Kumpol ng rosas.

Nagdadalawang isip pa akong tanggapin iyon at sisiguraduhin ko sana na tatanungin siya kung para ba ito sa akin pero halata namang sa akin niya iyon inaabot nang senyasan niya ako muli na kunin iyon.

"Salamat po.." pag-abot ko ng mga bulaklak saka palihim na napangiting inamoy iyon.

Nagtatalon ang puso ko sa saya dahil first time kong makatanggap ng ganito karaming bulaklak mula sa isang lalaki.

"Where do I put this?" taka ko siyang nilingon ulit.

Nasagot ang tanong ko nang makita ang isang may kalakihang kahon niyang bitbit. Delivery man lang ang trip, chos.

"Luh, ano po 'yan?" pagtatanong ko. "Hindi naman po ako nagpadeliver" kamot ulo kong sabi sa pagkagulo.

Bahagya siyang natawa na napangisi "Silly, it's for you" aniya na lalo kong ikinagulo.

"Po?"

"It's a gift" natameme ako sa kaniya saglit, na loading na napatitig sa kaniya. Hindi naman ako nanghihingi ng kung ano sa kan'ya kaya naguguluhan ako kung para saan 'to.

Nasanay kase ako na sa t'wing may okasyon lang magbibigayan ng regalo o kaya naman minsan ay wala talaga akong natatanggap, ganoon kahirap ang buhay namin noon.

"Para.. kanino po?"

"Silly, it's for you Eda.. my gift for you" may diin sa salita niyang ani na nakangiti, pansin kong napapadalas na ang pagngiti niya sa akin.

"Ah... pasok ka po.. Pasok ka.." pag-aaya ko dito dahil hanggang ngayon pala ay nasa may pintuan pa rin kami, parang doble meaning 'yung sinabi ko kaya natigilan ako saglit. Nahawa na yata ako sa kadumihan ng utak ng banda, puro kalokohan kase.

Pagpasok namin ay inilapag niya na ang karton na bitbit, hindi basta-basta karton iyon dahil nakabalot iyon na pangregalo. Kulay ginto pa ang ribbon na nakatali sa box.

Isinara ko ang pinto bago siya hinarap ulit "Para saan po 'yang regalo?" tanong ko.

"To congratulate you in advance" tugon niya na ikinatigil kong napatitig sa kan'ya.

Hindi ko akalaing sa ganitong paraan niya ako babatiin dahil ako kase ang valedictorian. Mas hindi ko inakalang pupuntahan niya ako dito para bigyan ng regalo.

"Hala naku, maraming salamat po!.. Hindi niyo naman po kailangan gawin ito eh.. thank you po talaga.." ako lang yata ang makapal ang mukha na nagiging mahiyain ngayon, napakalaking bagay na kase nito para sa akin.

"All for you" anito saka ako sinenyasang buksan ang regalo.

Dali-dali ko namang binaba sa sofa angbulaklak na bigay niya saka ko marahang binuksan ang nakabalot sa kahon.

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now