Epilogue

2K 42 2
                                    

Alicia's POV

Ilang taon na ang lumipas simula nang bumuo kami ng sarili naming pamilya ni Lucas. Sa nakalipas na mga taon na 'yon ay nakalimang anak na kami at 'yung bunso namin ay kambal pa. Dalawang taon pa lamang simula nang maipanganak ko ang kambal at parehas pa silang mga babae kaya naman ingat na ingat kami sa kanila lalo na ang kanilang mga kuya.

Kasalukuyan akong nandito sa restaurant namin ni Lucas habang ang mga bata ay nasa school. 'Yung kambal naman ay kasama ang lola nila at si Lucas ay nasa kompanya.

Ang mga nagluluto lang sa kusina ang may alam ng recipe ng pamilya namin. Okay lang naman kung lahat ng empleyado ko ay malaman yun basta wag lang nila sasabihin sa mga customers.

It won't be a secret anymore.

Naging sikat ang restaurant namin simula nang mag bukas ito kaya halos araw-araw ay marami kaming customers.

Ilang oras na ang lumipas at malapit nang maggabi kaya naisipan ko nang umuwi.

"Uy, uwi na ako ha. Walang kasama yung mga bata sa bahay eh," paalam ko kila Hannah at Amber.

Hindi kami nag-quit bilang ice skaters. Sabihin nating nagpahinga lang kami. Ito namang dalawang ito ay pinilit ako na ipasok daw sila sa restaurant ko kahit pamilya nila ang may-ari ng pinakasikat na restaurant dito sa Maynila.

Si Maya naman ay pinagpatuloy ang pagiging mentor at siguro babalik na lang ulit ako kapag malaki na ang kamba.

"Sige, Lish. Kami na ang bahala dito," sambit ni Hannah.

"Sige, salamat." Lumabas na ako ng kusina at tinungo ang opisina ko para kunin ang aking mga gamit.

May kasama naman talaga ang mga anak ko sa bahay. 'Yung mga maids, pero may trabaho ang mga 'yon kaya hindi nila maaalagaan ng maayos ang mga bata. Si Lucas kasi ay nagpaalam sa'kin na mag o-overtime dahil maraming kailangang asikasuhin sa kompanya.

Pagdating ko sa aking kotse ay sumakay na ako sa loob tsaka ito pinaandar.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin ako sa bahay.

"Bakit ang dilim dito?" tanong ko sa sarili ko.

Pinarada ko muna ang kotse sa garahe bago tinungo ang front door at sakto namang dumating ang kotse ni Lucas.

Hinintay ko siya na makalabas ng kotse at lumapit sakin.

"Akala ko ba overtime ka?" tanong ko nang halikan niya ako sa noo.

"Akala ko nga rin eh. Biglang dumating si daddy sa kompanya at pinagpilitan akong umuwi. Teka, bakit madilim dito?" pag-iiba niya ng usapan.

"Hindi ko nga rin alam eh," sagot ko nang bigla akong nakaramdam ng kaba. "Teka, 'yung mga bata!" nag-aalala kong sabi at agad kaming pumasok sa loob.

Madilim din kaya binuksan ni Lucas ang ilaw sa sala pero wala ang mga bata dun. Pati ang mga kasambahay ay wala.

"Nasaan sila?" sabay naming tanong.

Umakyat kami papunta sa taas at isa-isang binuksan ang mga pinto ng kwarto nila pero wala.

"Huy, Lucas! 'Yung mga anak natin, nasaan na?!" Naiiyak kong tanong.

"Shh. We will find them," pag-alo niya sa akin at kinuha ang kanyang phone dahil tumunog ito.

"Hello, mom?" Tanong niya at niloud speaker ang kanyang phone.

"Nasaan na kayo? Nandito kami sa backyard.," sabi ni mama.

Hinawakan ni Lucas ang kamay ko at sabay kaming bumaba ng hagdan tsaka tinungo ang backyard.

"Surprise!" sambit nilang lahat.

Mala-romantic ang set up ng backyard at may table tsaka dalawang upuan ang nandun. Nagkalat din ang mga rose petals sa damo habang may mga LED lights na nakasabit sa mga puno.

"What's this?" tanong ni Lucas habang ako naman ay yakap ko ang mga anak ko. Akala ko, nawala na sila.

"Nalaman namin sa mga bata na busy na daw kayo sa mga trabaho niyo at wala ng time sa isa't isa. Kaya ito, magdate na kayo tulad ng dati at kami na ang bahala sa mga bata," mungkahi ni mama.

Ang sweet naman ni mama. Pero hindi totoong wala kaming time sa isa't isa. Gabi gabi ay nag b-bonding kami sa aming kwarto.

"Thank you, ma." Nakangiti kong sabi.

"You're welcome, anak. You both deserve it. Oh siya, mga apo tara na at nang makapagdate na ang mama at papa niyo," aya ni mama sa mga bata.

"Bye, mama. Bye, papa," paalam ni Daffodil at niyakap namin siya.

"Bye, ma. Bye, pa." Paalam naman nila Artemis at Blitz.

"Wag niyo bibigyan ng sakit ng ulo ang lolo at lola niyo ha.," bilin ni Lucas at tumango naman sila.

Nang makaalis na sila ay agad akong niyakap ni Lucas at tila sumasabay kami sa music na malumanay na tumutugtog.

"I missed this kind of set up.," bulong niya at natawa naman ako.

Nakakamiss nga naman yung mga ganitong set up na pakana ng mga magulang namin para lang makapag date kami.

Umupo na kaming dalawa sa mga upuan at may nakalagay na dun na mga pagkain pati wine.

Halos isang oras ang lumipas at bigla na lang akong binuhat ni Lucas tsaka tumalon sa pool kasama ako.

"Ang lakas talaga ng trip mo 'no!" giit ko sa kanya habang pinupunasan ang mukha ko.

Tumawa lang siya at hinila ako palapit sa kanya.

"I love you," biglang sabi niya habang nakatingin kami sa isa't isa.

"I love you more," sambit ko at nilagay ang aking mga kamay sa kanyang batok.

"I'm so lucky to have you in my life, love." he sweetly said that made me smile.

"Why?" I asked.

"Why?" tanong niya pabalik.

"Bakit naman maswerte ka? Eh, simpleng babae lang ako," paglilinaw ko.

"Iyon nga. You're simple, amazing, beautiful, lovely woman I had ever met. I can't wait for Daffodil and Elisha to grow up to be just like you.," paliwanag niya.

I smiled and caressed his cheeks.

"I'm so lucky that I married you too."

"And, why is that?" he asked.

"You may be a mafia boss, but you are the man of my dreams. You're smart, sweet, strong, loving husband that I wouldn't regret marrying. The kids are so lucky to have you as their father," sabi ko at napangiti naman siya at hinalikan ako sa labi.

Marrying a mafia is both a blessing and a curse. Curse because of all the threats in our lives and a blessing because he can protect me and love me at the same time. And also thanks to my parents for this. Without them, I won't marry this mafia.

Lucas and our kids are the best gifts that I had received. And I will not trade them for anything in this world. They are my life, I cannot live without them.

I am Alicia Haley Smith-Villareal. Proud to say, I married a Mafia.

"I'm retired from the mafia, wife. I don't want to lose you and our beautiful treasures," pahabol niya pa at muli akong hinalikan sa labi.

Now, I feel complete.

The End


*************

A/N:

So I thought to speed things up since the other chaps are not that important kaya hindi ko na sinama. Anyway, I hope you enjoyed reading "Marrying A Mafia" and for more stories from me, just visit my profile. Thank you so much for reading and keep safe always. Adios!

Date started: May 8, 2022
Date ended: July 19, 2022

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now