Chapter 52

1.2K 22 1
                                    

Alicia's pov

Papunta ako ngayon sa stadium para bisitahin ang mga kaibigan ko. Hindi pa kasi nila alam na ako ay nagbabalik na.

Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako nang makitang nag i-ice skating sila Hannah, Amber at Maya kasama sila Liam, Dustin at Elias. Mukhang tinuruan sila ah.

Si Macy naman ay napansin kong nakaupo dun habang may katabi na bata. Si Astria na ata yun. Grabe, isang taon na pala itong si Astria.

Tahimik akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Ang galing nila mag ice skating noh." Komento ko habang nakatingin kila Hannah.

"Oo nga eh---" Nakita ko namang lumingon siya kaya tinignan ko din siya ng deretso sa mata.

"A-alicia?" Tanong niya.

"Hi, manager ko." Sabi ko.

"Oh my gosh, Alicia!" Tili niya at niyakap ako.

Nakita kong natigilan sila Hannah at lumabas ng rink.

"Alicia!" Sigaw nila at tarantang tumakbo para yakapin ako.

"Namiss ko kayo!" Sabi ko habang yakap silang tatlo.

"Namiss ka rin namin!" Sabi ni Amber.

"Miss Alicia, nakabalik kana!" Sabi ni Liam.

"Mukhang tagumpay si boss!" Sabi naman ni Dustin.

"Oo nga! Happy ending na ba, miss?" Tanong ni Elias.

"Maybe." Nakangiti kong sabi at pinakita sa kanila ang singsing ko.

"Oh my gosh! Kailan ang kasal?" Tanong ni Amber.

"Next week. Pumunta kayo ha." Sabi ko.

"Of course! Kami paba mawawala sa wedding mo? No way!" Sabi naman ni Hannah.

"Mama." Napalingon kaming lahat nang biglang mag salita si Astria.

"Si Astria na ba yan? Ang laki na niya!" Sabi ko at lumapit sa kanya.

"Hi!" Bati ko sa kanya habang nakayuko para pantay kami.

"Hi!" Sabi niya at winave pa ang kamay.

Binuhat ko siya at hindi naman siya tumanggi.

"Astria, that is your ninang Alicia. Your richest ninang in the world!" Sabi ni Amber at natawa naman ako.

"Baliw ka talaga kahit kailan." Iling iling kong sabi at natawa naman silang lahat.

...

"You're so gorgeous, hija!" Komento ni tita habang nakatingin sakin.

"Thank you, tita." Sabi ko naman.

"Why tita? You can call mama." Sabi niya. Natawa naman ako bago tumango.

"Okay po, mama." Sabi ko na ikinangiti niya.

"Are you happy, anak?" Tanong ni mommy.

"Yes, mommy. This is the best day of my life." Sabi ko at niyakap silang dalawa.

Ang daddy ko naman ay kasama sila Lucas at ang daddy niya.

Lumabas na kami ng villa dito sa Batangas at ang mga tao ay nasa mga pwesto na nila.

Nag simula nang mag play ang music kaya naglakad na ang mga bisita papunta sa kanilang mga upuan.

Nang ako na nag sumunod ay kinawit ko ang kamay ko sa braso ni daddy habang si mommy ay nasa kabila ko.

Pagdating namin sa harap ni Lucas at ng mga magulang niya ay hinawakan ni daddy ang aking kamay at binigay ito kay Lucas.

"Take care of my little princess, Lucas." Bilin ni daddy.

"Yes, pa. I will take care of her." Sabi naman ni Lucas.

Dumeretso na ang mga magulang ko sa kanilang mga upuan habang ako ay kinawit ko ang aking kamay sa braso ni Lucas.

"You look so beautiful as always, pangga." Sabi niya.

"You look handsome too, pangga." Komento ko at narating na namin ang altar kung nasaan ang pari.

"Dear friends and family of the Bride and Groom, we welcome and thank you for being part of this important occasion. We are gathered together on this day to witness and celebrate the marriage of Alicia and Lucas. Every one of us has a deep desire to love and to be loved." Panimula ng priest.

...

"Alicia, I promise to cherish you always, to honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and in wealth, and to be true to you in all things until death alone shall part us."

"Lucas, I promise to cherish you always, to honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and in wealth, and to be true to you in all things until death alone shall part us."

"Alicia, I give you this ring as a symbol of my love. As it encircles your finger, may it remind you always that you are surrounded by my enduring love." Sabi ni Lucas at sinuot sa daliri ko ang singsing.

Kinuha ko naman ang isa pang singsing mula sa unan at nagsalita.

"Lucas, I give you this ring as a symbol of my love. As it encircles your finger, may it remind you always that you are surrounded by my enduring love." Sabi ko at sinuot sa kanyang kamay ang singsing.

"By the power of your love and commitment, and the power vested in me, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss your bride!" Sabi ng pari.

Sabay naman kaming humarap sa isa't isa at dahan dahan niyang inangat ang aking belo bago ako hinalikan sa labi kasabay ng palakpakan ng mga tao.

...

Nandito na kami ngayon sa loob ng villa dahil nandito ang reception namin.

Sunod sunod na bati ang ginawa ng mga bisita sa aming mag asawa habang kami ay isa isa silang nilalapitan.

"Oh my gosh, Alicia! Isa kanang Mrs. Villareal!" Tili ni Hannah.

"Huy, baka ikaw sunod ha. Ikaw nakasalo ng bulaklak eh!" Pang aasar ko.

"Hmm, let's see." Sabi niya aabay tingin kay Liam na kausap ngayon ni Lucas sa di kalayuan.

"Uyy! Gusto niyang makasal kay Liam!" Pang aasar naming apat.

"Shh! Manahimik nga kayo! Baka marinig kayo nun!" Suway niya samin pero tumawa lang kami.

Ilang oras ang lumipas at 12:00 midnight na. Lahat ng mga bisita kasama ang mga magulang namin ay sa isang hotel natulog kaya kaming dalawa lang ni Lucas ang nandito sa villa.

Baka daw kasi magambala nila ang honeymoon namin. My gosh! Bat ganun?!

Kasalukuyan akong nakatambay dito sa veranda habang inaalala ang mga nangyari kanina. Napapangiti na lang ako habang iniisip yun nang maramdaman kong may yumakap mula sa likod ko.

"Can I have you tonight, my love?" Tanong niya habang inaamoy ang leeg ko.

Parehas na kaming bago ligo at mga naka pantulog na rin.

Niilingon ko siya at nilagay ang mga kamay ko sa batok niya tsaka siya hinalikan.

"Kissing me without my permission? I like that." He softly said then carried me into our bedroom.

Maingat niya akong binaba sa kama at pumatong sa akin.

"Bigyan na natin ng apo ang mga magulang natin." Sabi niya kaya natawa naman ako.

Hindi kona sasabihin pa ang mga nangyari. Basta, we made love that night.

To be continued

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now