Chapter 6

1.6K 34 1
                                    

Alisha's POV

"Anong nangyari sayo, hija?" tanong ni Macy sa akin nang makita niyang may sugat ako sa tuhod.

"Nadapa ako kanina sa labas ng hotel eh," sagot ko at tinapunan ng tingin ang aking sugat.

Hindi naman siya ganun kalaki pero nagdudugo at medyo mahapdi.

"Wait, may first aid kit akong dala. Kunin ko lang," saad niya at hinalukay ang maleta niya.

Magkasama kami sa isang kwarto na may dalawang kama at bukas pa ang uwi namin ng Pinas.

"Are you ready tomorrow?" tanong niya habang ginagamot ang sugat ko.

"What do you mean?" I asked.

"Well since you won for sure, pag p-piyestahan tayo sa airport bukas."

"What? Really? Well, I did not expect that," sabi ko at natawa naman siya.

...

Nakababa na ang eroplano na sinakyan namin at paglabas namin ng airport ay tama nga si Macy, ang daming naghihintay sa amin na mga photographers at news reporters. Pinaalis sila ng mga bouncers na kasama namin hanggang sa narating na namin ang parking lot.

Sumakay na kami ni Macy sa loob ng kotse at dumeretso pabalik sa mansion ng magulang ko.

Pagdating namin dun ay nagkaroon ng konting salo-salo kasama ang iba kong mga kamag-anak.

Hindi ako masyadong nakisama sa kanila dahil halos buong hapon akong nagkulong sa aking kwarto kasama si Macy.

"Seryoso ka ba talaga na 'yung mafia boss na iyon ang papakasalan mo?" tanong niya habang may hawak na libro.

"Sana nga ay nagbibiro lang ako."

"Why him? Alam ba ng parents mo na masamang tao siya?" Tumango ako bilang sagot.

"And? Gusto pa rin nila na magpakasal kayo?"

"Yeah. Iniisip nila na ako ang magiging daan para tuluyan nang umalis si Marcus sa mafia," paliwanag ko.

"I don't get it. Paano kung hindi ganun ang mangyari?"

"I don't know either. I'm just hoping for the best."

"When's the wedding?"

"Almost a year from now. We all talked about it. Magpapakasal kami ni Marcus pagkatapos ng 26th birthday ko. 'Yon ay kung mahuhulog kami sa isa't isa. Kung hindi, walang magaganap na kasalan. I just want the best for the both of us. Ayokong makulong kaming dalawa sa buhay mag-asawa na hindi naman namin ginusto. Hindi kami magiging masaya," mahabang sagot ko.

"I agree. Kayo lang din ang mahihirapan sa huli," sambit niya na ikinatango ko naman.

"Ang tanong, may chance ba na mahalin niyo ang isa't isa?"

"We never know how destiny will play with us."

...

Isang linggo na ang lumipas simula nang makabalik kami mula sa Amerika. Nag-bakasyon muna ako sa Batangas dun sa villa nila mommy at mag-isa lang ako dito. Gusto ko munang burahin sa utak ko ang lahat ng problema ko sa aking buhay, kasama na dun ang kasal namin ni Marcus.

Sa totoo lang, si Marcus 'yung lalaking habulin talaga ng mga babae eh. Mayaman siya, matalino, gwapo, maganda ang katawan, medyo gentleman din kahit basagulero. Lahat na yata ng gusto ko sa isang lalaki ay nasa kanya na eh. Ang kaso, isa siyang mamamatay tao.

Kung hindi siya nasali sa mafia, siguro nasa honeymoon trip na kami ngayon. Bakit ba kasi nasali siya sa madilim na mundo na 'yon?!

Wala naman silang kaaway ng pamilya niya, hindi naman naging mafia ang isa sa mga magulang niya, hindi naman siguro lumaki si Marcus na may galit na dinadala sa kapwa niya.

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now