Chapter 27

1K 24 0
                                    

Alicia's POV

Isang buwan na ang lumipas at hindi pa rin nagigising si Lucas. Sa isang buwan na 'yon ay lagi na lang akong naaaksidente. Mapaliit man na bagay o malaki. Hindi ko alam pero halos lagi akong nasusugatan o 'di kaya inaatake ako ng allergy. Minsan nga, muntik na akong mabangga ng kotse.

"Miss Alicia, napadpad ka dito?" tanong ni Liam.

"Kilala niyo ba kung sino ang may pakana ng aksidente ni Lucas?" direkto kong tanong.

Nagkatinginan muna silang tatlo bago binalik ang tingin sa'kin.

"Oo, miss. Bakit?" tanong ni Dustin.

"Kasama ba dun si Arabella?" Tanong ko na ikinabigla nila.

"Arabella?!" sabay-sabay nilang tanong.

"Arabella Natalia?!" so that's her full name?

"Why do you know her?" Elias asked.

"So you three know her?"

"Yes," sagot nilang tatlo.

"She had been torturing me for one month," sabi ko na mas lalong ikinabigla nila.

"What?!" may isang boses ang nanggaling sa likod namin.

"She tortured you?!" Sigaw ni Monica.

"Yeah. Why? Actually, I came here to ask if you know her," sambit ko.

"Yeah. I know her. I should have ended her fvcking life! Ang ama niya ang leader ng grupong bumaril kay kuya diba?" tanong niya sa tatlo at agad naman silang tumango.

"Hold on, are you sure that it is Natalia?" pag-awat sa amin ni Dustin.

Nilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanila ang litrato ni Arabella habang nag-eensayo siya.

"Oh, it is her," sagot ni Elias.

Damn it, I'm right. She's the one who had been torturing me!

"Alicia, gusto mong makabawi kay Natalia para kay kuya?" Nakangisi niyang tanong. I kinda like where this is going.

"Yeah," sabi ko sabay ngiti.

"Good. Boys, ilabas niyo ang mga iba't ibang baril ni kuya. Tuturuan ko si Alicia na bumaril," utos niya sa tatlo.

"Woah! Hang on there, hindi pwedeng humawak ng baril si Alicia. Bilin 'yon ni boss! Baka patayin kami ni boss!" sambit ni Liam.

"Baka gusto mong ikaw ang patayin ko ngayon?" banta ni Monica.

"Sabi ko mga, kukunin na namin 'yung mga baril," giit niya at agad tumakbo kaya sumunod naman ang dalawa sa kanya.

...

"Wow! I must say, mabilis kang maturuan!" proud na sabi ni Monica.

"Thank you," sabi ko habang pinaglalaruan ang baril.

"Woah, miss! Wag mong ganyanin 'yung baril! Baka makalabit mo yung gatilyo!" alalang sabi ni Liam.

Kanina pa sila ganyan.

"Oo nga! Naku, malalagot talaga kami kay boss!" sabi naman ni Dustin.

"Tumigil nga kayo! Magaling ang hipag ko 'no! Kayang-kaya niya 'yan!" pagmamayabang ni Monica.

"Alam namin, Ma'am Monica. Ang kaso, kapag ito nalaman ni boss, patay kaming tatlo," sabi ni Elias at sumang-ayon naman ang dalawa.

"Malalaman niya kung may magsasabi. So you better zip your mouths or else, no words will ever come out from your mouths again. Got it?" tanong ni Monica at agad namang tumango ang tatlo.

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now