Chapter 23

1K 24 0
                                    

Alicia's POV

"Ihahatid na kita pabalik sa condo mo at kailangan kopa na bumalik sa kompanya," basag niya sa katahimikan habang nagmamaneho.

"Pwede sumama?" tanong ko. Tinignan niya naman ako na may pagtataka sa kanyang mukha.

"You sure? Kaya mo ba?" tanong niya pabalik.

"Yeah," sagot ko.

"Then, let's go," sambit niya at ibang direksyon na ang tinahak.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin kami sa kompanya niya.

"Wow." Napaawang ang aking bibig nang masilayan ang sobrang laki ng kanyang kompanya.

"Let's go." Inalalayan niya akong lumabas ng kotse at wala sa sarili akong yumakap sa braso niya.

Hindi naman siya umimik at hinayaan lang ako. Naglakad na kami patungo sa entrance at binati naman kami ng mga security guards. Pagpasok namin sa loob ay walang katao-tao na naglalakad. Dumeretso na kami sa elevator at pinindot na ni Lucas ang floor button kung nasaan ang opisina niya.

Pagkarating namin dun ay may mga tao na abala sa kanilang mga trabaho. Nang makita nila si Lucas ay agad silang tumigil at bumati.

"Good afternoon, sir!" bati nila sabay yuko.

"Good afternoon," pagbati naman ni Lucas at pinagpatuloy ang paglalakad.

Dahil nga nakakapit ako sa kanyang braso ay napalakad na lang din ako dahil baka madapa pa ako.

Ramdam na ramdam ko na ang mga mata nila ay nakatingin sakin kaya medyo napahigpit ang hawak ko sa braso niya na ikinabigla niya.

"Are you okay?" tanong niya sabay tigil sa paglalakad.

"Y-yeah. Naiilang lang ako kasi pinagtitinginan tayo ng mga empleyado mo" bulong ko. Agad naman siyang lumingon.

"What are you looking at? Go back to your jobs!" madiing utos niya at agad namang nagsigalaw ang mga taong ito.

"Let's go." Hinila na niya ako papasok ng opisina.

"Grabe, ang laki ng opisina mo! Almost the same size of my living room!" mangha kong sabi at natawa naman siya.

"I have a meeting in 5 minutes. Are you good here?" tanong niya.

"Yeah. Okay lang ako dito," sabi ko habang nililibot ang lugar.

"Oh my gosh! We're so high, oh gosh," tila nalula naman ako sa view na nakikita ko at bahagyang napaupo pa sa carpet. Jusme ang taas namin!

My anxiety went really high!

Paano ba naman kasi, 'yung pader ng opisina ni Lucas ay gawa sa salamin! Halos buong siyudad ay makikita mo na!

"We better close the blinds," sambit niya at may kinuha na parang remote.

Pinindot niya ito kasabay ng pagbagsak ng mga blinds mula sa itaas pababa.

Tinulungan niya akong tumayo at siya na ang nagpagpag sa mga tuhod ko.

"Sir, nasa conference room na po silang lahat," pahiwatig ng kanyang sekretarya.

"I have to go. Dito ka lang ha." Tumango naman ako na parang bata.

"Ibigay mo kung anong gusto niya. Ikaw muna ang bahala sa kanya," bilin ni Lucas sa kanyang sekretarya.

"Yes, sir." Lumabas na si Lucas ng kanyang opisina kaya naiwan kaming dalawa ng sekretarya niya dito.

"Hi, ma'am! My name is Daisy po," magalang niyang pakilala sa akin.

"Hi! My name's Alicia." Nakangiti kong pakilala.

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now