Chapter 36

968 21 0
                                    

Alicia's POV

"Hi, Macy. How are you feeling?" tanong ko sa kanya.

"Good. Just a little tired." Nakangiti niyang sabi.

"Congrats ha. Anton, congrats sa inyo," sambit ko habang nakangiti.

Nandito kami nila Hannah, Amber at Maya sa ospital dahil nanganak na daw si Macy kaya dinalaw namin siya dito.

"Oh my gosh, may pamilya na ang manager natin!" ipit na tili ni Hannah.

"Nasaan na pala yung baby niyo, ate?" tanong ni Maya.

"Nasa nursery pa. Siguro, dadalhin 'yon mamaya dito," sagot niya at saktong may kumatok.

Binuksan ni Anton ang pinto at pumasok ang isang doktor na may kasamang nurse at buhat nito ang anak nila Macy.

"Good morning, Mr. And Mrs. Dela Cruz. Here is your baby!" Nakangiting sabi ni doktora.

Tinulungan ni Anton na umupo si Macy at binigay naman nung nurse ang bata sa kanya. Umalis muna ang nurse at si doktora kaya naiwan ulit kami dito.

"Omg! She is so cute!" komento ni Amber habang pinagmamasdan ang bata.

"Anong pangalan ng prinsesa niyo?" tanong ko.

"Astria," sagot ni Macy.

"Aww, ang kyut!" giit ni Maya.

Halos isang oras din kaming nanatili dun sa ospital at umalis lang kami dahil magpapahinga pa si Macy.

Pag-uwi ko ng condo unit ko ay naabutan ko si Lucas sa loob.

"Mahal, kanina ka pa?" tanong ko sa kanya na nakaupo sa sofa.

"Hindi naman. Saan ka galing?" tanong niya at umayos ng upo.

"Sa ospital. Dinalaw namin ng mga kasamahan ko si Macy. Nanganak na kasi siya eh,"sagot ko at tinago ang sapatos ko sa lalagyan nito.

"Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.

Umiling lang siya at tinapik ang gilid ng sofa na para bang pinapaupo niya ako dun.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi nang bigla niya akong yakapin.

"What's wrong?" I asked.

"Nothing. I'm just gonna miss you," bulong niya.

"Gonna? Where are you going?" tanong ko at tinignan siya.

"Out of the country for a few days," may kutob akong tungkol na naman ito sa mafia.

"Mafia?" tanong ko at dahan-dahan siyang tumango.

"When will you be back?"

"About 3-5 days I think?" hindi niya siguradong sagot.

"Please be careful. I don't want to loose you," bilin ko.

Tumango naman siya at muli akong niyakap.

...

"Tita, napadaan po kayo?" tanong ko nang buksan ko ang pinto ng mansion.

"Hi, hija. Gusto lang sana kita makausap." Nakangiti niyang sabi.

"Tara po, pasok po kayo," pag-imbita ko sa kanya.

Tumango naman siya at pumasok sa loob ng mansion tsaka kami dumeretso sa sala para makapag-usap.

"Yaya, patimpla po ng juice,"  utos ko.

"Sige po, ma'am," sagot niya at dumeretso sa kusina.

"Tita, upo ka muna. Ano pong gusto niyong pag usapan?" tanong ko at umupo kaming dalawa sa sofa.

"Hija, dalawang buwan na lang at kaarawan mo na. Payag ka na ba?" direkta niyang tanong habang hawak ang aking kamay.

Ngumiti ako at tumango. Sigurado na ako sa desisyon ko. Payag na akong pakasalan si Lucas.

"Yes, tita. Payag na po ako. Mahal ko na po si Lucas at mahal na niya rin ako." Nakangiti kong sabi kaya napangiti din siya.

February ang birthday ko at December na ngayon kaya magpapasko kami ni Lucas na magkasama.

"Wow, we didn't know that you are getting along with each other," giit niya.

"Yes, tita. He even gave me this," sambit ko at pinakita sa kanya ang singsing na nasa kamay ko.

Pinagmasdan niya ito sabay ngiti.

"I'm so happy for the both of you, hija." Nakangiti niyang sabi at niyakap ako.

"Thank you, tita."

"Let's go to the mall!" pag-aaya niya.

"Uhm, sure."

Nagpaalam muna ako para magbihis sa taas at pagkatapos nun ay nagpahatid kami sa driver ni tita papunta sa mall.

Kung ano-ano ang mga binili ni tita para sa akin at kay Lucas. Pinipigilan ko na siya pero ayaw niyang magpapigil kaya hinayaan ko na lang siya.

Ako naman ay namimili ng christmas gift para kay Lucas. Hindi ko alam kung anong pwedeng iregalo sa kanya kaya nagtanong ako kay tita kung anong bagay 'yung hilig ni Lucas tapos sabi niya, kahit ano daw basta simple lang.

Naisip kong gumawa na lang ng explosion box na puro pictures namin at bumili na lang din ako ng mga gamit tulad ng relo, belt, wallet, panyo at perfume. Nasa isang pack na siya kaya 'yon na lang ang kinuha ko.

Magagamit niya naman 'yon araw-araw eh.

Pinabalot na namin sa gift wrapper ang mga binili namin ni tita. Bumili rin kasi ako para sa magulang ko at kila kuya tsaka sa pamilya niya. Si tita naman ay bumili din siya para sa pamilya niya kaya naparami ang binili namin.

...

Pasado alas-siyete na ng gabi nang makauwi kami ni tita. Sa mall na lang din kami kumain ng dinner at hinatid na niya ako pabalik ng mansion.

Pagpasok ko sa loob ay dumeretso muna ako sa kwarto para itabi ang mga pinamili ko tsaka nagshower saglit.

Paglabas ko ng cr ay sinuot ko na ang spaghetti straps na sando at pajamas bago bumaba papunta sa living room.

Kinuha ko muna ang laptop ko para makipagvideo call kila mommy.

"Hi, mommy!" bati ko nang sagutin niya ang tawag.

"Hi, anak! Kamusta kana?" tanong niya.

"I'm good, mom. Where's dad?" I asked.

"May tinatapos pang paperworks eh. Napatawag ka, hija? May problema ba?" sunod-sunod niyang tanong at umiling lang ako.

"Wala po. Namiss ko lang kayo." Nakangiti kong sabi at natawa naman siya.

"Miss kana rin namin, anak. Uuwi na rin kami the day after tomorrow," sambit niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Talaga? Napaaga yata ang uwi niyo?" Tanong ko.

"Eh, natapos ng daddy mo lahat ng kailangan niyang tapusin dito a few days ago. Kaya, makakauwi kami agad."

"Buti naman at hindi kayo masyadong napagod ni daddy."

"Si Marcus pala? Kasama mo?" pag-iiba niya ng usapan.

"Ah, no. Out of the country din siya kahapon pa," pagbibigay alam ko at bigla naman akong nalungkot pero hindi ko ito pinahalata.

"Oh, well. Anyway, you should go rest na at malalim na ang gabi. Matulog kana. Goodnight, anak," paalam niya.

"Okay, mom. Goodnight, ingat po kayo," bilin ko.

"Ikaw rin. I love you, bye!" Pinatay ko na ang tawag at binuksan muna ang t.v para manood.

To be continued

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon