Chapter 48

977 20 1
                                    

Marcus's POV

"Confirmed, siya nga si Alicia." Sabi ni Dexter sakin.

"Wow, she is really hiding from me." Sambit ko dahil nagawa niyang mag iba ng pangalan at career para lang hindi ko siya makita pero mas mautak ako kaysa sa kanya.

"Thank you for doing this favor, bro. Expect the money from your bank account." Sabi ko.

"Bro, I'm just kidding about that!" Natatawa niyang sabi.

"Nah. Just take it. Para makapag date na kayo ng tunay mong nililigawan." Sabi ko.

Malapit kong kaibigan si Dexter. Actually, kasama siya sa aming apat. Ayaw niya nga lang maging mafia kaya umalis siya ng bansa pero magkaibigan pa rin kami.

Inutusan ko siya na ligawan si Alicia. Sa ganung paraan ay makikita ko kung mahal pa ba ako ni Alicia o hindi na. At kapag mahal niya ako, mas madali ko siyang maibabalik sa buhay ko.

Sa ilang buwan na panliligaw ni Dexter sa kanya, walang ibang sinabi si Dexter kundi paulit ulit siyang tinataboy ni Alicia at sinasabi na may asawa na siya.

"Ganda ng ngiti mo, bro ah. Anong balak mo ngayon?" Tanong ko.

"Kailangan ko muna siyang makausap ng maayos. Kailan ba ang day off niya?" Tanong niya.

"Tuwing weekends pero ngayong linggo ay may meeting ang mga teachers sa sabado kaya sa linggo lang siguro siya free." Paiwanag ni Dexter.

"Okay. Thank you again, bro." Sabi ko.

"Always welcome, bro. Say hello to the boys for me." Tumango ako bago siya umalis.

...

Alicia's POV

Lunch break na ngayon at halos lahat ng mga teachers ay nasa cafeteria. Pagdating ko sa faculty room ay naabutan ko si Dexter na inaayos ang mga test papers ng mga estudyante niya.

I slammed my fist on his desk and he immediately look at me.

"How did you know my name?! Anong kailangan mo sakin?!" I angrily asked but he just laughed.

"Wala akong kailangan sayo, Alicia. Pero yung nag utos, meron." Sabi niya.

"Who are you referring to?" Tanong ko.

"You'll know it soon." Nakangisi niyang sabi at binuhat na ang mga test papers tsaka naglakad palabas ng faculty room.

"Kung si Miguel man ang nag utos sayo nun, sabihin mo sa kanya magtago na siya dahil mapapatay ko talaga siya! He ruined my fvcking relationship!" Hindi kona napigilan ang sarili ko na sabihin lahat ng yun.

Agad niya akong nilingon pero bago pa man din siya makapag salita ay mabilis akong tumakbo paalis dun.

Pagbalik ko sa classroom ay agad tumahimik ang mga estudyante.

"You're free for the rest of the day. You can go out of the classroom." Sabi ko.

Pagkatapos kasi mag lunch ng mga teachers ay magkakaroon ng meeting kaya walang klase ang mga ito.

Agad naman silang nag hiyawan na parang mga high school students at nag unahan pang lumabas ng silid.

I sat at my desk forcing myself not to cry but I can't help it. I sobbed in there and kept slamming my fist on the table.

Sumandal ako sa aking upuan at tumingin sa itaas bago pinikit ang aking mata.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng katok sa pintuan.

Agad akong dumeretso ng upo at pinunasan ang mugto kong mata.

"Alicia." Tawag niya sakin.

"Ano na naman ba yun, Dex---" Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa nakikita ko.

Agad akong tumayo mula sa aking upuan at lumayo sa pinto.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa lalaking iniwan ko sa Pinas.

"Alicia, I just want to talk to you." Sabi niya at pumasok sa loob ng silid.

Tarantado naman itong si Dexter dahil nilock niya ang pinto!

"Magkakilala kayo ni Dexter?!" Tanong ko.

"Yes, he is my best friend. But that is not the topic here. Alicia, please. Let me explain." Sabi niya at patuloy pa rin sa paglapit sakin.

"Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo, Lucas?! Hindi pa ba sapat na ginulo mo na ang isip, puso at buhay ko?!" Sigaw ko sa kanya.

"Alicia, everything that you found out is not true! Sinisiraan ako ng impaktong Miguel na yun!" Sabi niya.

"Bakit?!" Tanong ko.

"Dahil kapatid niya si Natalia! Namatay si Natalia at ang ama niya dahil satin kaya sinira ni Miguel ang pagsasama natin!" Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi eh!

"Kung kapatid man ni Miguel si Natalia, wala akong pakialam! It won't change the fact that you killed an innocent girl!" Sabi ko habang naiyak na.

"I did not kill Abigail! It was Natalia who did it!" Sigaw niya. Ano ba talaga?!

"No. I don't believe you. May criminal record ka. That proves that you're the one who killed her! Umalis kana, Lucas!" Sabi ko.

"Alicia..." Malumanay niyang tawag sakin.

"I said get out! Wag mo nang hintayin na tumawag ako ng guard." Banta ko sa kanya.

Sa huli ay wala siyang nagawa kundi buksan ang pinto at lisanin ang silid.

Nakasandal na rin ako sa pader kakaatras ko kanina kaya umupo na lang ako sa sahig at nag simula nanamang umiyak. Pinatong ko ang aking ulo sa tuhod ko habang gulong gulo na ang isip ko.

"Ma'am! Are you okay?" Rinig kong tanong ng isa kong estudyante na babae.

Pag angat ko ng ulo ay nakita kong kapantay ko na ang dalawa kong estudyante na babae habang may dalawang lalaki sa likod nila na tila may bakas din na pag aalala sa mga mukha nila.

"Y-yes. I'm fine." Sabi ko at tinulungan nila akong tumayo.

"I'm sorry you have to see that. I have to go. I'll just see you tomorrow, guys." Tumango lang sila kaya kinuha ko na ang mga gamit ko tsaka lumabas ng classroom.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay nakita kong nag uusap sila Dexter at Lucas. Nang makita ako ni Lucas ay mas binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa aking kotse.

Nilagay ko lahat ng aking gamit sa likod at dumeretso sa driver's seat tsaka pinaandar ang kotse.

Nang makaalis na ako ng unibersidad ay hindi ko alam kung paano ako nakarating ng ligtas sa bahay dahil lutang ako sa buong biyahe.

Pagpasok ko sa loob ng aking kwarto ay dun ko na nilabas lahat ng iyak at galit ko. Hinayaan ko lang ang aking sarili na magwala hanggang sa mabasag na lahat ng gamit.

To be continued

Marrying A Mafia✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant