Chapter 5

1.7K 41 0
                                    

Alicia's POV

"Alicia! This is it! Raise our flag, hija! Win this competition!" todo suporta sa akin ni Macy.

Nandito kami ngayon sa ice skating rink dito sa Amerika. Nakabihis na ako at hinihintay na lang na tawagin ako.

"And for our next ice skater, Ms. Alicia Haley Smith from the Philippines!" sabi ng emcee.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob ng ice rink.

Dumeretso ako sa gitna ng rink at nang magsimulang tumugtog ang musika ay sinabayan ko ito ng mga galaw ko habang paikot-ikot sa buong rink.

...

"I'm so proud of you, Alicia! You did very good!" Tili ni Macy at niyakap pa ako.

There are still five more participants that will show their skills.

Sampu kaming mga kalahok dito mula sa iba't ibang bansa. At aaminin ko, sobrang galing nila!

"Anak, you are so great!" papuri sa akin ni mommy at daddy tsaka nila ako niyakap.

"Thank you, mommy!" sabi ko.

"You are so awesome, hija!" papuri naman nila tita sakin.

Hindi ko inaasahan na sasama ang mga magulang ni Marcus sa amin kasi akala ko busy sila, pero si Marcus lang pala 'yon dahil siya ang hindi sumama.

Well, okay na 'yon. Baka madulas ulit ako pag nakita ko siya eh...

Ilang oras na ang lumipas at natapos na rin ang mga natirang mga kalahok. Pumunta kaming lahat sa loob ng ice rink at naghawak-hawak ng kamay habang nakatingin sa emcee na hawak na ang resulta.

"Third place goes to! New York!" sabi niya at nag-hiyawan naman ang mga tao.

Bumitaw si Miss New York at sinuot ng isa sa mga judge sa kanya ang bronze medal.

"Second place goes to! Canada!" tulad ng kanina, bumitaw si Miss Canada at sinuot sa kanya ang silver medal. Isa na lang!

"And our winner for this competition! The winner is! Philippines!" Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pag-iingay ng mga tao.

Bumitaw ako at lumapit sa isang judge. Sinuot niya sa akin ang gold medal at kinamayan ako.

"Congratulations, ladies! And for those who didn't win, thank you for joining this year's ice skating competition!" sabi ng emcee kasabay nang palakpak ng mga tao.

Ayon nga, tila naging Miss Universe ang pagsasabi ng mga nanalo.

"Alicia! Congrats!" Tili ni Macy at nagtatatalon sa tuwa.

"Thank you, Macy! Oh my gosh, I can't believe I won!" naluluha kong sabi.

"You deserve it!" Niyakap niya ako kaya niyakap ko naman siya pabalik.

"Congratulations, anak! Let's celebrate back to the hotel!" sabi ni mommy.

Tumango ako at nagpalit muna ng damit sa changing room. Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa hotel para mag celebrate.

"Oh, bakit ang lungkot mo? Hindi ka ba masaya at nanalo ka?" tanong ni Macy habang may hawak na baso na may wine.

"Hindi naman 'yun eh," sabi ko.

"Eh ano?" she asked.

"Mace, ikakasal na kasi ako."

"Ano?!" Gulat niyang tanong.

"Kanino?"

"Doon sa mafia na nakabangga natin," sagot ko.

"Patay kang babae ka," bulong niya.

Marrying A Mafia✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang