Chapter 16

1.1K 30 3
                                    

Alicia's POV

Nagising ako at sobrang sakit ng ulo ko. Pucha, anong nangyari?! Bumangon ako mula sa kama at naka gown pa rin ako. Pansin kong nasa ibang kwarto ako hanggang sa maalala kong kwarto pala ito sa bahay ni Marcus!

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Pagdating ko sa baba ay nakita kong nagluluto ng almusal si Marcus.

"Hi?" halos pabulong kong bati.

"How's your sleep?" tanong niya nang hindi ako nililingon.

"Okay, I think? Medyo masakit lang ang ulo ko," sabi ko.

"Mukhang napasobra ka ng party drugs kagabi." Pinatay niya ang kalan at hinarap ako. Ang kyut niya sa suot niyang apron hahaha!

"Party drugs?" naguguluhan kong tanong.

"Yep. Don't you remember what happened last night?" he asked.

Ay oo nga pala! Nung umalis kaming apat para hanapin sila Marcus ay may lumapit samin na lalaki. Binigyan niya kami ng wine at tinanggihan namin ito pero pinilit niya kami kaya ininom na namin 'yon para matigil na siya. Pagkatapos nun, hindi ko na maalala ang susunod na nangyari.

"Did I do something stupid last night?" I asked.

"Wanna see?" tanong niya. May video siya?!

At dahil curious ako ay tumango ako. Hinubad niya ang apron at hinila ako papunta sa living room. Naka-connect ang phone niya sa t.v at kinuha na niya ang remote control para buksan ito. Unang bumungad sakin 'yung nasa kotse kami. Meron kasing camera si Marcus sa may windshield niya.

Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang kamay ko dahil sa mga pinaggagagawa ko habang nasa kotse kami. Kung ano-anong kinanta ko hayop!

"I'm a barbie girl! In a barbie world! Life in plastic, it's fantastic!" sabay-sabay naming kanta ng mga babae habang ang mga lalaki maliban kay Marcus ay tawang-tawa sa amin.

Sumunod naman ay kuha na ng cctv cameras dito sa bahay. Kitang-kita kung paano ako buhatin ni Marcus na parang sako at ako naman ay nagpupumiglas pa.

"Lucas! Let's go to your room!" agad nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. My gosh! Sinabi ko 'yon?!

Pasimple kong nilingon si Marcus at medyo nakangisi siya habang nanonood. Jusko, nakakahiya!

"Come on please! I wanna sleep with my hubby!" T*ngina, jusko!

"Patayin mo na, Marcus, please!" Nag-iwas ako ng tingin dahil ramdam kong namumula na ang aking pisngi.

Narinig kong pinatay na ni Marcus ang t.v at bumalik ulit sa kusina.

"Sorry sa mga pinagsasabi ko, Marcus. Walang-wala ako sa sarili ko kagabi," nahihiya kong sabi.

"That's okay. You didn't mean it," sabi niya at patuloy lang sa pagluto.

"Jusko, nakakahiya," bulong ko at inuntog ang ulo ko sa pader nagbabakasakaling nananaginip lang ako.

"Gusto mo ba umalog lalo 'yang utak mo?" tanong niya. Hindi nga ako nananaginip...

"Maligo ka muna sa taas at hiramin mo ulit yung damit ng kapatid ko bago tayo kumain," utos niya. Tumango ako at nagmamadaling umakyat papunta sa kwarto.

Nang matapos na akong maligo ay kumuha muna ako ng white shirt at denim shorts sa closet bago bumaba at saktong hinahain na ni Marcus ang mga niluto niya sa table. Tinulungan ko na siya at kumain na rin kami.

Nang matapos kami kumain ay hinatid na ako ni Marcus pauwi sa amin. Hindi kami nag-usap simula nung nag-almusal kami kasi nahihiya pa rin ako sa mga pinagsasasabi ko kagabi.

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now