Chapter 37

972 17 0
                                    

Alicia's POV

Alas-siyete pa lang ay gising na ako. Maaga akong naligo at nagbihis na tsaka bumaba para mag almusal saglit.

Maaga akong pupunta sa stadium para mag ensayo muna ng mag isa. Mamaya pa kasing 9:00 a.m dadating ang mag kapatid dun.

Pagdating ko sa stadium ay walang tao maliban sa mga bantay dito.

Pagpasok ko sa loob ay sinuot kona ang skating shoes ko tsaka nilabas ang aking earphones at ang phone ko syempre para magpatugtog ng musika.

Pumasok na ako sa loob ng rink habang nakikinig ng music sa aking earphones.

Ipinikit ko ang aking mata at sinabayan ang musikang tumutugtog mula sa phone ko nang may biglang humawak ng kamay ko kaya napadilat ako at nakita si Miguel na hawak ang aking kamay habang nakangiti.

"What are you doing?" Tanong ko at pasimpleng tinanggal ang kanyang kamay.

"I just want to dance with you." Sabi niya at nilapitan ulit ako para isayaw.

"I don't need a partner." Sabi ko.

"Who said I want a partner? I said, I want to dance with you." Nakangiti niyang sabi sabay hawak sa aking kamay at pinaikot ako.

Pasimple ko ulit tinabig ang kanyang kamay na tila ba nag p-perform ako sa maraming tao at bigla siyang sumingit.

So, I have to be professional in this cases.

Ipinikit ko ulit ang aking mata at bahagyang lumayo sa kanya pero naramdaman ko na lang ang kanyang mga kamay na nasa bewang ko sabay angat sakin mula sa yelo.

"Miguel, enough. I am your mentor and you should be dancing with Hannah not me." Sabi ko at tumigil na.

Nag quit kasi si Maya sa pagiging mentor namin dahil babalik na daw muna siya sa probinsya dahil may sakit daw ang kanilang ina. Kawawang Elias.

"Well, she is not here. Ikaw pa lang ang nandito." Sabi niya at tumayo ng tuwid sa harap ko.

"Well I didn't expect that you would come here early, Miguel. Kung gusto mo mag praktis, mag ensayo ka mag isa. I will watch you." Sabi ko.

"Bakit ba parang ang sungit mo? Gusto lang naman kitang isayaw ha." May halong inis sa kanyang boses.

"Eh ayaw ko nga diba. Besides, my fiancè won't like this if he finds out that I am dancing with another man." I turned around and was about to walk away when he said something.

"Fiancè na hindi mo kilala." Blangko niyang sabi.

"Here we go again. Ano bang issue mo, Miguel, at pinagpipilitan mong hindi ko lubos na kilala si Lucas! Yes I admit it, hindi ko siya lubos na kilala. But, that won't change my mind that I want to marry him!" Sigaw ko.

"You are gonna regret it, Alicia." Nakangisi niyang sabi.

"How so?" Panghahamon ko.

Lumapit siya sakin at may binulong.

"You'll see for yourself at the right time." Sabi niya at iniwan ako sa loob ng rink.

Ilang oras ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin ang mag kapatid.

"Oh, ang aga mo ata, mentor." pang-aasar ni Hannah.

"Oh, shut up." Natatawa kong sabi.

"Suotin niyo na ang sapatos niyo nang makapag-ensayo na kayo."

"Si Miguel? Nasaan na 'yon?" Tanong ni Amber.

"I don't know." Sagot ko at tinalikuran sila.

Matapos ng pag-aaway namin kanina ay bigla na lang siyang naglaho na parang bula.

"Ano ba 'yung lalaking 'yon. Alam niya namang may praktis, tapos wala siya dito!" Inis na sabi ni Hannah.

"Hayaan niyo siya. If he doesn't show up in thirty minutes, maghahanap tayo ng kapalit." Sabi ko.

"Huh? Alicia, limang araw na lang at competition na. Makakahabol ba 'yung kukunin nating bago?" Tanong ni Hannah.

"Leave that to me. Pumasok na kayo sa loob." Utos ko. Tumango lang sila at sinunod ang utos ko.

...

"Alicia, someone is looking for you." Sabi ni Amber.

"Sino daw?" Tanong ko at nilingon siya.

"Monica daw. Kapatid ni Marcus." Sabi niya.

"Oh, okay. Let's go." Sabi ko at lumabas na kami ng locker room.

"May kapatid si Marcus?" Takang tanong ni Amber.

"Yup. Ang ganda niya noh." Sambit ko.

"Oo nga eh. May lahi ba sila? Mukhang koreana yung Monica eh." Sabi niya.

"Hmm, I'm not sure. Pero na ikwento sakin ni Monica ay dun siya nag-aral dati at nanirahan din ng ilang taon," paliwanag ko.

"Ah, kaya pala." Sabi niya.

"Hi, Monica." Bati ko nang makita ko siya.

"Hi. How are you?" Tanong niya.

"Maiwan ko muna kayo." Paalam ni Amber.

"I'm good. Napadaan ka dito?" Tanong ko.

"I heard, payag kana daw na magpakasal." Nakangisi niyang sabi.

"Yeah. Hindi naman mahirap mahalin ang kapatid mo eh." Sabi ko naman.

"Magiging hipag na kita. May kapatid na rin ako na babae sa wakas!" Sabi niya kaya natawa naman ako.

"Gustong gusto mo ata magkaroon ng kapatid?" Tanong ko.

"Yeah. Hindi kasi kami magkasundo ni kuya. Kulang na nga lang ay magpatayan na kami eh," pagbibiro niya.

"Ikaw ba? Wala kang kapatid na babae?" paglilipat niya ng tanong sa akin.

"Wala eh. Sister-in-law lang." Sagot ko naman.

"Ikaw, wala kang sister-in-law sa side ng asawa mo?" Tanong ko.

"Wala rin. Apat silang magkakapatid, puro lalaki." Sagot niya.

"Oh, I see." Sabi ko naman.

"Teka nga, may napapansin ako." Sabi niya.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Ang lagkit ng tingin sayo ng lalaking 'yon oh." sumbong niya habang nakatingin kay Miguel na abala sa pag-eensayo pero panay sulyap sakin.

"Sino ba 'yon?" Tanong niya.

"Ah, bago naming kasama. 'Yung sasalihan kasi na competition ng grupo ko eh kailangang may partner. Si Hannah ang pambato namin kaya hinanapan namin siya ng partner." Paliwanag ko.

"Iba feeling ko eh. I think I've seen him before. I just can't remember." Sabi niya na ikinagulat ko.

"You do?" I asked and she nodded.

"Yes. Feel ko, nakita ko na siya. Hindi ko lang mahalukay sa aking utak kung saan. Pero, Alicia. Mag-iingat ka sa lalaking yan ha. Iba kutob ko sa kanya eh," bilin niya.

"Oo naman." Sambit ko.

"Masumbong nga 'yan kay kuya," bulong niya.

"Huy, wag na! Mamaya, magwala yun dito!" Suway ko sa kanya at natawa naman siya.

"Just kidding!"

To be continued

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon