Chapter 49

1K 21 0
                                    

Alicia's POV

"Ma'am, may nagpapabigay po ulit sayo." Sabi ni Seya habang may hawak na boquet of tulips.

Tumango lang ako at tinanggap ito. Pang sampu na ito sa mga binigay ni Lucas sakin para lang mapatawag ko siya. At yung mga binigay niya ay may mga card at may nakasulat dun na "I'm sorry". Hindi ko alam, ang hirap kasi paniwalaan ang sinasabi niya eh. Or ayaw kong maniwala kasi galit ako sa kanya.

Kinuha ko na yung bulaklak na namadikit dun at inaasahang may nakasulat pero wala. Umakyat muna ako papunta sa aking kwarto at nilapag ang bulaklak sa kama. Ginawa ko ang lahat ng paraan para makita kung may sulat ba yung card pero wala talaga. Ano trip niya?

Marcus's pov

"Really, bro? Your plan is to give her flowers and gifts? Are you serious?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Well, dun naman nag simula eh. When I started giving her flowers, It's like I'm courting her even though I can't admit to myself that I'm in love with her that time." Sabi ko.

"Wait, so you're courting her?" Tanong niya at tumango naman ako.

"It's the only way for me to show how much I love her. In that way, she might actually forgive me." Sambit ko naman.

"What if she don't?" Tanong niya at di ako makasagot.

Hindi ko naisip yun ha.

"Then, I'll set her free." Sagot ko na ikinabigla niya.

"Seryoso ka?!" Gulat niyang tanong kaya natawa naman ako.

"Just kidding! I didn’t waste my time finding her just so she wouldn’t forgive me. Gagawin ko ang lahat para mapatawad niya lang ako." Determinado kong sagot.

Alicia's pov

Linggo ngayon kaya naisipan kong pumunta muna sa grocery para bumili ng mga stocks at paubos na yung mga nandito sa bahay.

Naghanda na ako ng listahan bago umakyat sa taas para magbihis. Nag suot ako ng ripped jeans, loose crop top at white shoes. Kinuha ko na rin ang aking sling bag kung nasaan ang mga gamit ko bago lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Pagdating ko sa grocery store ay kumuha na ako ng shopping cart tsaka pumasok sa loob.

...

Seryoso, bakit ganito? Puro mga mag kasintahan yung mga nakakasalubong ko sa grocery store!

"Ano ba, Universe?! Pinagmumukha mo akong single?!" Inis kong bulong sa aking sarili.

Laaht talaga ng mga mamimili dito eh may partner. Parang ako lang wala eh!

"Need a hand?" Tanong ng kung sino man yun sa likod ko.

Paglingon ko ay tama nga ang aking iniisip, si Lucas yun.

Hindi ako sumagot pero binigay ko sa kanya ang push cart para siya na ang magtulak nun.

Hindi kami bati pero kailangan ko ng tulong niya dahil nagmumukha akong kawawa dito sa mga mag kasintahan na ito.

Panay kuha lang ako sa mga shelf habang siya ay tahimik lang habang nasunod sakin.

Halos isang oras ang lumipas at natapos na rin akong mamili. Itong lalaking ito ay parang sinundan lang talaga ako dito sa grocery store dahil wala siyang kinuha ni isa!

Nang makalabas na kami ay buhat niya ang mga paper bags papunta sa aking kotse.

"Thank you." Sabi ko nang mailagay na niya sa loob ng kotse ang mga paper bags.

"You're welcome, pangga." Biglang sabi niya bago ako makapasok ng kotse.

Hindi ko ito pinansin at sumakay na sa loob tsaka umalis.

Seryoso ba siya?! Hanggang ngayon, yun pa din ang tawag niya sakin?!

Nang makauwi na ako ng bahay ay nagpatulong ako kay Seya sa mga grocery.

"Ma'am, tulala po ata kayo." Sabi niya habang sumusunod sa kanya papunta sa kusina.

"A-ah wala ito." Sabi ko at umupo sa isang stool.

Alam niya rin ang mga kadramahan sa buhay ko eh. Actually, mag kamag anak sila ni manang.

"Ma'am, pwede po magtanong?"

"Sige. Ano yun?" Tanong ko.

"Hindi naman po sa nangingialam pero, bakit ayaw niyo pa pong patawarin ang boyfriend niyo?" She asked.

"Kahit mahal ko siya. Parang nahihirapan ako na maniwala sa sinasabi niya. Yung tipong gusto ko rin marinig yun sa ibang tao." Sagot ko.

"Yung mga magulang niyo po ba, ma'am. Ayaw niyo pa po bang kausapin?" Tanong niya ulit.

"Nahihiya ako sa kanila. Malaking kahihiyan ang ginawa ko nung gabing iyon." Sabi ko.

Alam ko kahit hindi nila sabihin, nakakahiya ang ginawa ko sa party. Bigla na lang akong umayaw at nag walk out. Mga kamag anak pa man din namin ang mga kasama namin. Pero buti na lang, wala talagang kasamang mga kasosyo ng magulang ko.

"Ikaw ba, Seya? May boyfriend kana?" Tanong ko.

She is four years younger than me.

"Yes po. Narananasan ko na rin pong maloko." Nakangiti niyang sabi.

"What do you mean? Hindi ba kayo masaya?" I asked.

"Masaya naman kami, ma'am. Sadyang kulang pa ako sa kanya. At yung kulang na yun ay nahanap niya sa bestfriend ko. Ngayon, kasal na sila. Ako pa nga ang ninang eh." Natatawa niyang sabi. Ibig sabihin niyan, naka move on na siya.

"Kailan nangyari yun?" Tanong ko.

"18 po ako nung magkaroon ako ng boyfriend. Niloko na niya ako nung 20 ako and last year, kinasal sila ng bestfriend ko." Paliwanag niya.

"How come, ang bilis mo mag move on?" Tanong ko.

"Kasi, ma'am hindi siya kawalan. Masaya ako dahil nawala ang manloloko sa buhay ko." May point siya...

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan at tinulungan kona rin siyang magluto.

Sa totoo lang, isang taon na akong hindi nakakahawak ng sandok, kaldero, kutsilyo at kung ano pa. Sa madaling salita, isang taon na akong hindi nagluluto.

Ramdam kong lahat ng lulutuin ko ay pangit ang lasa. Sabi kasi ni mommy sakin, kapag nagluluto ako ay dapat walang sama ng loob at dapat masaya lang kundi, papangit ang lasa ng luto.

Eh, isang taon akong malungkot. Sino ba naman ang hindi malulungkot dahil naudlot ang kasal?

Nang dumating si manang mula sa palengke ay nakatapos na rin kaming magluto kaya niyaya ko na sila na kumain kami ng sabay sabay.

"Ang sarap naman nito. Sino ang nagluto nito?" Tanong ni manang.

"Si ma'am po, lola." Sagot naman ni Seya.

"Marunong ka pala magluto, hija?" Tanong ni manang at tumango ako.

Naalala ko tuloy yung restaurant. Kung hindi nangyari ang mga ito, malamang ay minamanage ko na iyon kasama si Lucas.

Tinigil niya kaya ang planong pagpapagawa nun?

To be continued

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now