Chapter 47

915 21 2
                                    

Alicia's pov

"Mahal, what the hell happened to you?!" Inis niyang tanong.

"Wag kanang mag maangmaangan pa. Tapos na tayo!" Sigaw ko habang patuloy sa pag iimpake.

"Bakit?! Anong ginawa ko?!" Tanong niya.

"Tanungin mo sarili mo!" Sabi ko at babalik ulit sana sa closet ng hablutin niya ang aking kamay.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko at agad siyang tinulak na ikinabigla namin pareho.

"Ano bang nangyayari sayo, Alicia? Okay naman tayo ha. Anong nangyari?!" Tanong niya.

"Anong nangyari? You killed Abigail! Your ex girlfriend!" Sigaw ko na ikinabigla niya.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita.

"Saan mo nalaman yan?" Tanong niya. Kumpirmado nga.

"So it's true?" Sarcastic akong tumawa.

"That's it! I can't marry a mafia!" Sinara kona ang maleta ko at lumabas na ng pinto.

Kaagad akong nagising dahil sa alarm clock ko.

Isang taon na ang lumipas pero lagi ko pa ring napapanaginipan ang mga nangyari sakin sa Pinas. Simula nang umalis ako dun ay lumipad ako papuntang New York.

Nag rent ako ng bahay at kumuha ng dalawang kasambahay para hindi naman nakakalungkot na mag isa lang.

Lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba ng hagdan.

"Good morning, Ma'am Althea!" Bati ni Seya sakin.

Mga Pilipino ang kinuha ko para kahit paano ay parang ramdam ko pa rin na nasa Pinas ako.

"Good morning." Bati ko sa kanya at nagtungo sa dining room.

"Ito na po ang almusal niyo, ma'am." Sabi niya at hinain sa harap ko ang aking almusal.

"Thank you." Sabi ko at iniwan niya na ako.

Simula nang lumipat ako dito sa New York ay iniba kona ang pangalan ko. Althea Vivian Legarda na ang aking pangalan. Pina blonde ko rin ang itim kong buhok at nagpagupit ng bangs. Iniba ko na rin ang career ko at bumalik sa pagtuturo. Isa na akong college professor sa isang unibersidad.

Pero kahit anong busy ko ay hindi pa rin mawala sa aking isipan si Lucas. Sa totoo lang, mahal kopa rin siya hanggang ngayon. Pero hangga't hindi ako nakakakuha ng mga sagot sa aking tanong ay hinding hindi ako babalik sa Pinas.

"Hija, umiiyak ka nanaman sa harap ng pagkain." Sabi ni Manang Tess.

"Sorry po, manang." Sabi ko at pinunasan ang aking luha.

"Wag kang mag alala, hija. Balang araw ay magiging maayos din ang lahat." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko. Tumango lang ako at ginalaw na ang aking pagkain.

Alam niya kasi yung mga drama na nangyari sa buhay ko. Simula nang makilala ko siya ay tinuring ko siya na parang pangalawa kong ina.

Nang matapos ako ay umakyat ulit ako papunta sa aking kqarto para makaligo na at makapagbihis ng uniporme.

Paglabas ko ng kwarto ay dala kona ang mga gamit ko kaya lumabas na ako ng bahay at dumeretso sa aking kotse.

Nang makarating ako sa unibersidad kung saan ako nagtuturo ay binati ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Binabati ko din sila pabalik habang patuloy sa paglalakad nang lapitan nanaman ako ni Dexter. College professor din siya at isa siyang Pinoy.

"Hi, Althea." Bati niya.

"Dexter, wag ka muna mangulit ngayon." Sabi ko at maglalakad ulit sana pero hinarangan niya ako.

"Gusto ko lang naman tanungin kung pwede na eh." Sabi niya. Nililigawan niya kasi ako pero mahal ko pa rin si Lucas.

"Dexter, ano ba ang hindi mo maintindihan sa may asawa na ako?!" Inis kong tanong sa kanya.

"You're just lying." Sabi niya kaya pinakita ko sa kanya ang singsing ko mula kay Lucas.

Hindi ko napansin na nadala ko pala ito. Akala ko, hinubad ko ang singsing na ito nung nag iimpake ako.

"What is that supposed to mean?" Tanong niya.

"Are you dumb? This is my wedding ring!" I lied. That is my engagement ring.

"Nope. Still not gonna believe you. Let me see a picture of you and your husband" Sabi niya.

Wala tuloy akong nagawa kundi ilabas ang aking phone at naghalukay sa gallery ko.

"Here. Are you satisfied?" Tanong ko habang pinapakita sa kanya ang litrato namin ni Lucas.

Hindi siya sumagot at iniwan lang ako. Finally! Nilayuan niya na rin ako!

Dumeretso na ako sa classroom kung saan ako nagtuturo.

"Good morning, class!" Bati ko para matigil sila sa pag iingay.

"Good morning, ma'am." Bati naman nila at bumalik sa mga upuan nila.

"Okay. So as I've said yesterday, we will have a test. Turn your textbooks to page 15 and you have ten minutes to review." Sabi ko.

Kanya kanya naman silang kuha ng kanilang mga libro sa bag at ginawa ang utos ko.
Umupo muna ako sa aking desk habang inaayos ang mga test papers. Habang hinihintay ko sila matapos ay nilabas ko muna ang phone ko at tinignan ulit ang litrato namin ni Lucas.

Kamusta na kaya siya? Iniisip niya kaya ako? Siguro may girlfriend na yun. Sa nakalipas ba naman na isang taon, imposibleng wala pa yung girlfriend na mabibiktima niya!

Pero... Mahal ko pa rin siya.

"Bakit ba ang hirap mo kalimutan?" Bulong ko sa sarili ko.

...

Lumipas ang ilang oras at nataopos na rin ang school hours. Dumeretso muna ako sa faculty room para I encode ang mga scores ng mga estudyante ko. Ayokong gawin ito sa bahay dahil pag uwi ko ay malamang, bagsak ako sa kama.

"Althea, mauna na kami ha." Sabi ng mga kapwa ko guro na mga Pinoy din.

"Sige, ingat kayo." Sabi ko.

"Oo. Ikaw rin." Tumango lang ako kaya lumabas na sila ng faculty room at naiwan ako mag isa dito.

"Alicia." Teka, boses yun ni Dexter ah. Paano niya nalaman ang pangalan ko???

Hindi ko siya tinignan at patuloy lang sa pag eencode.

"Alicia." Tawag niya muli pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Alicia." For the third time, I looked at him with a confused face.

"Who are you talking to?" Patay malisya kong tanong.

"Ikaw." Sabi niya.

"Althea ang pangalan ko, hindi Alicia." Sambit ko at binalik ang tingin sa aking laptop.

"Talaga? Your real name is Alicia Haley Smith, isn't it? You are also the last year's international winner, right?" Kung hindi ako nagkakamali ay malamang, nakangisi siya habang sinasabi ang mga yun.

"What do you want?" Tanong ko at sinara ang aking laptop.

"Wala." Sagot niya sabay alis.

How did he know my name?!

To be continued

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now