Chapter 8

1.5K 29 0
                                    

Alicia's POV

"Alicia, let's go to the hospital," aya ni mommy na nagpatigil sa akin.

"Why? I have practice, mom," sambit ko habang pinagpapatuloy ang pagbabasa ng magazine.

"Nasa ospital si Marcus," pagbibigay alam niya sa akin.

"And? Anong gagawin ko?" sarkastiko kong tanong.

"We have to go there! You're his fiancèe. Do not forget that," suway niya sa akin.

Napahinga na lang ako ng malalim bago umakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit.

I don't have any choice...

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay bumaba na ako ng kwarto at naabutan sila mommy na hinihintay ako.

Agad naman nila akong hinila papunta sa kotse at mabilis na umalis ng bahay.

Makalipas ang ilang minuyo ay nakarating kami sa ospital at sinalubong kami ng mga magulang ni Marcus.

"Mare, kamusta na si Marcus?" tanong ni mommy at nakipagbeso kay tita.

"Ayos lang siya, mare. Nadaplisan siya sa binti at sa balikat," sabi ni tita.

"Mabuti naman at hindi napuruhan ang batang iyan," singit ni daddy.

"Oo nga eh. Napakatigas kasi ng ulo. Ayaw umalis sa pwesto niya sa mafia." Iling-iling na sabi ni tita.

"Alicia, hija. Puntahan mo na siya dun," utos ni mommy sa akin.

"Bakit ako?" tanong ko at tinuro ang sarili.

"Sino ba ang fiancèe?" She asked.

"Ako. Sabi ko nga, pupunta na," sambit ko at dumeretso na sa kwarto niya.

Bakit ba kasi naging ganito ang buhay ko?!

Pagpasok ko sa loob ng kwarto niya ay nakita ko siyang nakaupo sa kama.

"What are you doing here?" masungit niyang tanong.

"My mom forced me to come here. Ano bang bago?" I asked and sat down at the chair.

"How are you feeling?" tanong ko sa kanya.

"Concerned lang?" pang-aasar niya.

"Ayaw mo? Sige, mamatay kanang letche ka!" Sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.

"Masamang damo yata ito," pagmamayabang niya pero inirapan ko lang siya.

"Diyan ka na nga! May praktis pa ako eh! Since ayaw mo maging concerned ako edi, pakamatay kanang kupal ka! Condolence in advance!" mataray kong sabi at narinig ko pa siyang natawa bago ako makalabas ng kwarto.

Infernes, ang sexy ng tawa niya ha at marunong pala siyang tumawa at ngumiti.

...

"Lish, what's wrong with you? Kanina ka pa nadudulas sa yelo," tanong ni Macy.

"Sorry, Mace. Hindi ako makafocus eh," sabi ko sa kanya.

"Bakit? May masakit ba sayo?" tanong niya at lumapit sa akin.

"Wala. Nandito kasi sila mommy eh," sambit ko at pasimpleng tumingin sa direksyon kung saan sila nakaupo.

"Oh, ano naman? Sa performance mo ay hindi lang sila ang makakanood, Alicia."

"Mace, hindi 'yon. Hindi ako makafocus kasi nandito si din Marcus!" madiin kong bulong.

Kanina kasi habang nag-eensayo ako ay biglang dumating sila mommy at daddy kasama si Marcus at ang mga magulang niya.

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now