Chapter 18

1K 25 1
                                    

Alicia's POV

"Alicia, where are you?" tanong ni Chloe.

"I am sorry, Chloe. I won't be able to make it at practice," sabi ko habang kinakamot ang braso ko.

"Why?" she asked.

"I'm not feeling well."

"Alright. Get some rest and I'll see you tomorrow."

"Okay, thank you." Pinatay ko na ang tawag at patuloy na kinakamot ang braso ko.

Actually, hindi lang ang braso ko ang nangangati. Halos buong katawan ko ay nangangati. 'Yung para bang kinagat ako ng isang dosenang pulang langgam dahil sa sobrang kati ng katawan ko!

Ugh! What the hell is happening to me?!

Napatakbo na lang ako sa lababo nang bumaliktad bigla ang sikmura ko. Sinuka ko lahat ng kinain ko kanina hanggang sa puro laway na lang ang lumalabas sa bibig ko.

Narinig ko ang pagbukas ng main door ng condo ko at pwedeng sila mommy 'yon or si Marcus. Binigyan ko na rin kasi siya ng duplicate key card.

"What the hell?!" rinig kong sabi ni Marcus.

"What the hell happened to you?!" tanong niya at naramdaman kong hinimas niya ang likod ko.

Nagmumog muna ako ng tubig galing sa gripo at naramdaman kong hinawakan ni Marcus ang braso ko.

"Bakit puro pantal ka?" tanong niya habang tinitignan ang buong katawan ko.

"Holy sh*t!" Sigaw niya nang harapin ko siya.

"Why?" tanong ko.

"Ang dami mong pantal sa mukha! Para kang binugbog!" sabi niya kaya dumeretso ako sa salamin at nakita kong puro rashes ang buong katawan ko.

"May nakain ka ba na hindi pwede sayo?" tanong niya.

"Wala! Herbs lang naman ako allergic eh! Wala naman akong kinain na herbs!" taranta kong sabi.

Kapag inaatake ako ng allergy, kung ano-ano ang nangyayari sakin eh!

"Okay ka lang?" tanong niya.

Mukha bang okay ako?!

"No!" Sigaw ko at dumeretso muli sa lababo para sumuka.

"Wala ka bang gamot?" tanong niya.

"Nasa bahay eh," sabi ko.

"I'll bring you to the hospital," sambit niya.

This is so embarrasing!

...

Pagkarating namin sa ospital ay kaagad naman akong binigyan ng allergy shot ng doktor. Si Marcus naman ay tinawagan na sila mommy para sabihin ang nangyari sa akin.

"May allergy kaba, hija?" tanong ng doktor.

"Opo. Sa herbs. Pero wala naman po akong kinain na ganun," sabi ko.

"Sigurado ka? Anong huli mong kinain?" tanong niya ulit.

"Iyong spaghetti po na bigay nila mommy."

"Bigay?" gulat na tanong ni mommy.

"Wala kaming pinapadala sayo, anak," sabi pa niya.

"Ano? So, hindi kayo ang nagpadala nung kinain ko?" gulat kong tanong at umiling siya.

"Then who?!" tanong ko pero walang makasagot nun.

Isang oras ang tinagal ko sa ospital bago ako nadischarge. Sinamahan ako ni Marcus papunta sa condominium ko.

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon