Chapter 15

1.2K 23 0
                                    

Alicia's POV

"Salamat sa pagpunta, Marcus. Kahit papaano ay sumaya si Alexa," sabi ko sabay inom ng kape.

Nandito kami ngayon sa balcony nagpapahangin habang nainom ng kape.

"No worries. Namiss rin naman kita eh," natigil ako sa pag-inom ng kape at tinignan siya.

"Kayo! Namiss ko kayo ni Alexa!" dugtong niya.

"Ah, okay." Nakangiti kong sabi.

Well, that's awkward...

...

"Lisha, someone is looking for you," sabi ng bago kong mentor na si Chloe.

"Who?" I asked.

"Him," she pointed her finger at Marcus who is outside the rink.

Tumigil muna ako sa pag-eensayo at lumabas ng rink para lapitan siya.

"Hey, what are you doing here?" tanong ko.

"Hey uhm, are you free tonight?" he asked.

"Uhh, yeah. Why?"

"Can you come with me at a party?"

"Hmm, sige. Saan ba?" tanong ko.

"Sa Laguna. Mamayang 10:00 p.m, I'll pick you up," sambit niya.

"Okay. Oh wait, what will I wear?" I asked.

"Oh, right. Anong oras matatapos ang praktis mo?"

"Mga ten minutes pa," sagot ko habang nakatingin sa wrist watch ko.

"Okay. I'll wait for you."

"Alright." Bumalik na ako sa loob ng rink at pinagpatuloy ang pag-eensayo habang siya naman ay umupo muna sa isa sa mga bench.

...

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

"Sa boutique. Bibili tayo ng dress mo," sabi niya at binuksan ang pinto para sakin.

Pumasok na rin ako sa loob ng kotse at siya naman ay sa driver's seat.

Ilang minuto ang lumipas nang makarating kami sa boutique na sinasabi niya. Pagpasok namin sa loob ay agad kaming binati ng mga staff lalong lalo na si Marcus. Mukhang kilala siya dito ah.

"Good afternoon, ma'am! Good afternoon, Mr. Villareal! What can I do for you?" tanong ng isang staff samin.

"Sukatan niyo siya and give her a black gown," utos ni Marcus at tumango naman ito.

"Sure. Right this way, ma'am," aya niya at pinapunta ako sa fitting room.

"Tatawagin ko lang po ang magsusukat sayo, ma'am. Dito lang po kayo," sabi niya at lumabas na.

Maya-maya lang ay may pumasok na dalawang staff at sila na ang nagsukat sakin.

Matapos nun ay pinapili na ako ng design ng damit. Ang pinili kong damit ay off-shoulder siya at one layer lang pero medyo makapal at dahil sa utos ni Marcus, ang kulay nito ay black.

Lumabas na ako ng fitting room at nakita ko si Marcus na nakaupo sa isang sofa habang nagbabasa ng magazine.

"You done?" tanong niya at itinabi ang magazine na hawak niya.

"Yeah," sagot ko kaya tumayo siya at lumapit sakin.

"Sir, ma'am. Hihintayin niyo po ba ang gown or ipapadeliver na lang po?" tanong ng isang staff.

"Deliver na lang. Also, get me a black suit and tie and deliver it on my address. 'Yung gown niya, sa address niya ipadala," utos ni Marcus.

"Okay, sir. Right this way," sambit niya at pumunta kami sa cashier para magbayad. Magkano kaya ang gown ko?

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now