Chapter 22

1K 26 2
                                    

Alicia's POV

Buong umaga akong pabalik-balik ng cr dahil sa patuloy kong pagsusuka. Puro pantal na rin ang katawan ko at halata naman na inatake na naman ako ng allergy ko.

Kailan na naman ba ako kumain ng herbs?! Pangalawa na ito ha!

Agad kong hinanap ang gamot ko sa drawer at nang makita ko na ito ay agad ko itong ininom.

Ilang minuto ang lumipas at hindi na rin ako nangangati pero nandun pa rin ang mga pantal ko.

Napatingin ako sa orasan at sh*t! Late nako sa praktis!

Nagmamadali akong naligo at nagbihis ng damit na may longsleeves at leggings.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng unit.

Pagkarating ko sa stadium ay nakita kong nag-eensayo na silang tatlo.

"Lisha, you're late. What happened? And, bakit namumula ang mukha mo?" tanong niya.

"It's just rashes. Okay lang ako. Pasok na ako sa rink ha," paalam ko.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at sinuot ko na ang skating shoes ko tsaka pumasok sa rink.

I started to feel nauseous again and my body started to feel itchy.

Bakit hindi gumagana 'yung gamot?!

"Hala, Alicia! Okay ka lang?" tanong ni Hannah nang mawalan ako ng balanse.

"Yeah. I'm fine," sabi ko at pilit na tumayo ng tuwid pero agad din akong bumagsak.

...

Nagising ako na puro puti lang ang nakikita ko. Nang luminaw na ang aking paningin ay dun ko lang nakita na nasa ospital pala ako.

Inaasahan kong nandito si Marcus pero wala. Sila Hannah, Amber at Macy lang ang nandito sa kwarto at natutulog silang tatlo sa sofa.

Dahan-dahan akong umupo sa kama nang biglang maalimpungatan si Hannah. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sakin.

"Hey, are you okay? May kailangan ka ba? Wait, I'll call the doctor." Pipindutin na niya sana ang nurse's button nang hawakan ko ang braso niya.

"What happened?" tanong niya.

"Nawalan ka ng malay kahapon at tumama ang ulo mo sa yelo," dun ko lang napagtanto na may gauze pad ang aking noo.

"Tapos 'yung mga pantal mo sa katawan, allergy lang daw 'yon. Hindi ka ba uminom ng gamot para dun?" tanong niya at pinindot na ang nurse's button.

"Uminom. Pero parang hindi tumabla eh. Wait, isang araw na akong nandito? Alam nila mommy?" tanong ko.

"Yes. Actually, kakaalis lang nila para kumuha ng damit mo. Babalik na rin 'yung mga 'yon." Tumango lang ako at dumating na ang doktor kasama ang nurse.

Kung ano-ano ang tinanong nila sakin at sagot lang ako ng sagot.

Maya-maya lang ay natapos na sila at pwede na daw akong ma-discharge bukas. Na-food poison daw ako at 'yung pagkain na 'yon, may herbs din kaya matindi ang sinapit ko.

"Anak, you're awake!" sabi ni mommy nang makapasok siya sa kwarto.

Agad siyang lumapit sakin para yakapin ako. Nakita ko naman ang pagpasok nila daddy at Kuya Alex sa kwarto.

"Kamusta kana, anak?" tanong ni daddy.

"Okay lang po ako, daddy," sagot ko.

"What happened, bunso?" tanong ni kuya.

"I fainted and hit my head on the ice," sabi ko.

"Marcus supposed to be here, right?" he asked.

"Uhm. Busy siya, kuya eh," palusot ko.

Natigil kaming lahat nang biglang bumukas ng sobrang lakas ang pinto at iniluwa nito si Marcus at ang tatlo na nasa likod niya.

"Alicia, what happened to you?" tanong niya sabay lapit sa akin, hindi man lang inabalang batiin sila mommy.

Halatang-halata din sa mukha niya at sa boses niya ang pag-aalala.

"Did someone hurt you? What happened here?" tanong niya pa habang nakaupo na sa gilid ng kama ko at nakatingin sa gauze pad na nasa noo ko.

"I got food poisoned. Nahilo ako sa gitna ng rink at nang matumba ako, tumama ang ulo ko sa yelo," paliwanag ko sa kanya.

"What? When did that happened?"

"Kahapon, ngayon lang ako nagising."

Napunta naman ang tingin niya sa mga braso ko at bigla namang kumunot ang kanyang noo tsaka inangat ang braso ko.

"What's with the marks? Did you got allergic again?" he asked.

"Yeah," maikli kong sagot.

"What's the last thing you ate?" saglit akong tumigil at inalala ang mga kinain ko.

Sa pagkakaalam ko ay ang huli kong kinain ay 'yong sa restaurant. Pero sigurado akong walang herbs 'yon.

"Alicia," tawag sa akin ni Marcus nang hindi ako umimik.

"Uhm, I had an early dinner with my friends. Nung isang araw 'yon. Pagkatapos nun, sandwich na gawa ko ang huli kong kinain," sagot ko sa kanya.

"Saan kayo kumain?" tanong niya at nilingon ang mga kaibigan ko.

"Iyong restaurant na sobrang lapit lang sa stadium. Madalas naman kaming kumain dun ni Alicia eh, ngayong lang 'to nangyari sa kanya," kwento ni Hannah.

"Anong address?"

"Woah! Don't tell me, susugod ka dun," pagpigil ko sa kanya.

"I won't ask for the address if I'm not going there," sarkastiko niyang sabi.

"Marcus, don't make this such a big deal."

"No. I will not let them get off the hook after what they had done to you." Binitawan niya ang kamay ko at binigyan ng papel at ballpen si Hannah.

"Write down the address and give it to Liam. Mauna na muna ako," muli siyang lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko tsaka lumabas.

Nang makalabas na rin sila Liam ay natahimik saglit ang buong silid hanggang sa sumipol si kuya.

"Somebody's overprotective," pang-aasar ni kuya habang titingin-tingin sa paligid.

Natawa naman ang mga kaibigan ko pati sila mommy habang ako naman ay nakatingin lang sa pintuan.

Please don't bomb the place, Marcus. Don't do anything stupid...

...

"Hey, Alicia! Nabalitaan ko, naaksidente ka daw? What happened?" tanong ni Arabella nang makasalubong namin siya sa loob ng stadium.

"Oh, it's nothing. Nadulas lang ako sa yelo at tumama 'yung ulo ko," paliwanag ko sa kanya.

"Oh, are you alright?" she asked while holding my arm.

"Yeah, I'm fine now." Nakangiti kong sabi.

"That's good. Anyway, after practice, let's have dinner at that restaurant again? Ang sarap kasi ng mga foods nila dun, medyo na-adik na ako," sambit niya sabay tawa ng mahina.

"Yeah, sure. For now, mag-ensayo na tayo." Tumango naman siya at nauna nang pumasok sa rink samantalang kaming tatlo naman ay umupo muna sa kalapit na bench para maisuot namin ang mga ice skating shoes namin.

"Ngayon ko lang narealize na pabebe pala ang impakta," mahinang sabi ni Amber at sabay naman silang natawa ni Hannah pero mahina lang.

"Amber, don't be too harsh. She's nice," suway ko sa kanya.

"Sus, aminin mo na. Nac-cringe ka din sa way ng pananalita niya. Pabebe amp*ta," sabi naman ni Hannah.

Magkapatid talaga ang dalawang ito...

To be continued

Marrying A Mafia✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt