Chapter 19

1.1K 23 1
                                    

Alicia's POV

"Hi, Macy!" masaya kong bati at niyakap siya.

"Alicia! Kamusta kana? Napadaan ka dito?" tanong niya at bumitaw.

"Namiss na kasi kita eh. By the way, I bought some gifts for my future inaanak!" sabi ko at inangat ang mga dala kong shopping bags.

"Ang sweet naman ng ninang ng anak ko!" sambit niya habang hawak ang apat na buwan niyang tiyan.

"Halika, pasok ka muna," pag-imbita niya sakin. Agad naman akong tumango at sumama sa kanya sa loob.

"Nasaan 'yung boyfriend mo, Mace? Mag-isa ka lang dito?" tanong ko dahil wala akong nakitang ibang tao sa loob ng bahay.

"Hindi. Nasa trabaho siya and correction, fiancè ko na siya." Nakangiti niyang sabi sabay angat ng kanyang kamay na may singsing.

"Omg! Congratulations! When is the wedding?" tanong ko.

"Napag-usapan namin na paglabas na lang siguro ni baby. Nga pala, kamusta si Chloe bilang mentor niyo?" tanong niya habang nagtitimpla ng juice.

"Well, she's okay naman. Medyo mahigpit nga lang siya at perfectionist," sabi ko at natawa naman siya.

"Nabalitaan ko, may laban ka daw?" tanong niya. Tumayo ako para tulungan siya sa dala niyang tray na may foods at drinks.

"Yeah. Actually, kaya ako pumunta dito para tanungin kung pwede ka sumama next week papuntang New York. Dun kasi gaganapin 'yung competition," sabi ko at bumalik sa sofa.

"Well, okay. Sasama kami. By the way, change topic tayo. Kamusta na kayo ni Marcus?" muntik ko nang maibuga ang juice na nasa bibig ko nang bigla niyang tanungin 'yon.

"Uhm, okay naman kami?" 'di ko siguradong sagot sabay punas ng bibig gamit ang tissue.

"Sure ka? Eh konti na lang, mabilaukan kana eh." Natatawa niyang sabi.

"Mace, ano kasi. I think I'm in love?" halos patanong kong sabi.

"Oh my mamamia! Are you serious? Kung nahulog na ang loob mo sa kanya then, your wedding is good," sabi niya.

"Iyon nga eh. Kahit nahulog na 'yung loob ko sa kanya, ayaw ko pa rin. May kailangan muna kasi akong malaman eh," I'm talking about what did that girl told me before and who the hell is Natalia!

Iniba ko na ang usapan dahil ayoko munang marinig ang pangalan ni Marcus.

...

"Alicia! You have a visitor again!" medyo naiinis na sigaw ni Chloe.

Grabe naman siya, kapag siya may bisita okay lang pero kapag samin bawal! Ayos ah!

Lumabas muna ako ng rink at naglakad palapit kay Marcus na may dala na namang bulaklak.

"Marcus, what are you doing here?" tanong ko.

"Let's go out after your practice," aya niya sabay bigay ng bulaklak sakin.

"Oh sige. Hawakan mo muna ito. Babalik nako sa rink at baka pagalitan pa ako ng mentor ko," paalam ko. Tumango naman siya kaya agad akong tumakbo pabalik sa loob ng rink.

"Alicia, I suggest you should stop him from coming here to see you," masungit niyang sabi.

"What? Who?" tanong ko.

"Him!" sabi niya sabay turo kay Marcus.

"You cannot force him not to come here, Chloe. He's my fiancè," seryoso kong sabi.

"But he is ruining your practice, Alicia!"

"Don't worry, Chloe. My performance will be perfect." Iniwan ko na siya dun at pinagpatuloy ang pag-eensayo.

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now