Chapter 13

1.2K 28 0
                                    

Alicia's POV

11:00 a.m na ako nagising dahil nag movie night pa kaming lima kagabi. Dumeretso muna ako sa cr para makaligo at dahan-dahang tinanggal ang gauze pad sa sugat ko.

"Ow! Ow! Ow!" para akong aso dahil bawat hila ko sa pad ay humahapdi ang sugat ko.

Nang tuluyan ko na itong matanggal ay dumeretso na ako sa shower at hinayaan ang maligamgam na tubig na umagos sa buong katawan ko.

Matapos kong maligo ay nag bathrobe muna ako at binalutan ng tuwalya ang basa kong buhok. Paglabas ko ng cr ay kinuha ko ang first aid kit para gamutin ang sugat ko.

"Ahh! Sh*t!" Sigaw ko nang biglang humapdi ang sugat ko at nagdugo pa ito. Oh come on!

"Marcus!" tawag ko sa kanya.

Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya hanggang sa bumukas ang pinto at bumungad siya sakin.

"Why? What happened?" tanong niya.

"Pakigamot ng sugat ko, please. Ang sakit eh," sabi ko.

"Tsk. Akala ko kung ano na." Iling-iling niyang sabi tsaka lumapit sakin.

Kinuha niya ang bulak at ointment sa kit at dahan dahang ginamot ang sugat ko. Pagkatapos nun ay nilagyan niya ulit ito ng gauze pad.

"Yan. Magbihis kana," utos niya at naglakad na palabas ng kwarto.

"Salamat!" pahabol ko bago niya tuluyang maisara ang pinto.

Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng simpleng pink spaghetti strap dress na hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Sinuot ko na ito at sinuklay na ang buhok ko bago lumabas ng kwarto at bumaba papunta sa sala kung nasaan silang apat.

"Excuse me, mang-iistorbo lang saglit. Nakita niyo ba 'yung phone ko?" tanong ko sa kanila.

"Ito ba 'yon, miss?" tanong ni Dustin at may kinuha sa pocket niya.

"Oo 'yan nga. Saan mo nakuha?" Tanong ko at kinuha sa kanya ang phone ko.

"Sa loob ng kotse. Narinig kong tumunog sa ilalim ng upuan eh. Mukhang may tumatawag sayo," sabi niya.

"Ah ganun ba? Sige, salamat," sambit ko dito at dumeretso muna sa kusina habang nakatingin sa phone ko.

May sampung missed calls si Macy kaya agad kong dinial at number niya at umupo muna sa kitchen counter.

"Hello, Mace. I'm sorry, ngayon lang ako nakatawag," sambit ko.

"My gosh, Alicia! Pinag-alala mo ako!" sabi niya.

"I'm sorry talaga. At pasensya na rin dahil hindi muna ako makakapunta sa praktis ng ilang araw."

"Bakit?" tanong niya.

"Hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko eh," pagsisinungaling ko.

"Oh sige. Magpahinga ka ha. I have to go. Ingat ka lagi, Lish," bilin niya.

"Ikaw din, Mace. Bye." Pinatay ko na ang tawag at sunod na dinial ang number ni mommy.

"Hello, hija! How are you?" tanong ni mommy.

"Hi, mom. Sorry ngayon lang ako nakatawag. Okay lang po ako. Kayo ni daddy at ni lexa? Kamusta na po?" tanong ko.

"Okay lang kami, anak. Si Alexa naman ay namimiss ka," sabi niya.

"Aww, nandyan ba siya, mommy?"

"Lexa, apo! Come here, Tita Alicia wants to talk to you!" rinig kong tawag niya sa pamangkin ko.

Nanatiling tahimik ang kabilang linya hanggang sa narinig ko ang boses ni Alexa.

"Hi, tita! I missed you!" sabi niya.

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now