Chapter 11

1.3K 24 2
                                    

Alicia's POV

Nagising ako na medyo masakit ang aking ulo. I forgot, nakainom pala kami kagabi. Nung matapos kasi kami uminom ng kape, hindi ko alam kung anong trip ni Marcus at umorder siya ng beer!

So 'yon nga, last night was so great! We talked and laughed all night! It's like, we're just best friends and nothing else!

Hindi ko inakala na ganun siya kapag nakainom siya ng beer kasi ibang-iba siya as in! Diba lagi na lang siyang seryoso at tahimik pero kapag nakainom siya, naku! Halos mabulabog na namin ang mga guests dito sa hotel dahil sa sobrang ingay namin!

Bumangon muna ako at napatingin sa kama ni Alexa. Magkasama kasi kami sa isang kwarto at si Macy naman ay nauna nang umuwi pagkatapos ng event.

"Lexa?" tawag ko sa kanya at tumayo mula sa kama. Wala siya sa kama niya kaya dumeretso ako sa cr.

"Lexa!" tawag ko pero walang sumagot.

"Lexa, stop playing! Where are you?!" Inikot ko na ang bawat sulok ng kwarto pero wala siya dun. Oh no...

Dali-dali kong kinuha ang robe ko at lumabas ng kwarto tsaka dumeretso sa kwarto kung nasaan sila mommy.

"Mommy!" tawag ko habang patuloy sa pagkatok.

Kinuha pala namin ang buong top floor para kahit mag ingay kami dito ay hindi kami makakagambala ng ibang tao.

Binuksan ni mommy ang pinto at mukhang bagong gising lang ito.

"Oh, bakit? Ang aga mo yata magising?" tanong niya.

"Mommy! Si Alexa, nawawala!" Naiiyak kong sabi. Huhu, lagot ako kay kuya!

"Wag ka ngang mag-drama diyan! Puntahan mo dun sa kwarto ni Marcus, nandun siya," agad namang umatras ang luha ko. Anong ginagawa niya dun?

Tumango ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa kwarto ni Marcus.

"Marcus?" tawag ko sa kanya habang nakatok.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at bumungad siya sa akin.

"Lish, ang aga mo nagising ah. Pero mukhang mas maaga ang pamangkin mo," sabi niya at mas nilakihan ang bukas ng pinto kaya nakita ko si Alexa na masayang nanonood ng tv.

"Alexa, nandito ka lang pala! Pinag-alala mo ako!" sabi ko at nakahinga ng maluwag.

Pinapasok ako ni Marcus at agad naman akong lumapit kay Alexa.

"Sorry, tita. I just missed Tito Marcus eh. I asked lolo and lola to bring me to him," inosenteng sabi niya.

"You should have woke me up! Para ako na lang ang nagdala sayo dito," sambit ko.

"I did, tita. But, you're in a deep sleep and I couldn't wake you up," sabi niya at narinig kong natawa si Marcus.

"Well at least, nandito ka. Or else, papatayin ako ng kuya mo kapag nalaman niyang nawawala ka." Iling-iling kong sabi at natawa silang dalawa.

"Lish, you might be forgetting that you're still on your robe," paalala sakin ni Marcus.

Agad ko namang inayos ang suot kong robe at tumayo mula sa kama.

"Oh yeah, sorry. Uhm, pakibantayan muna siya ha," bilin ko at tumango naman siya.

Mabilis akong lumabas ng kwarto ni Marcus at bumalik sa kwarto ko.

Wala namang masama sa damit ko. Naka night dress kasi ako pero medyo manipis at wala pa akong suot na bra. At dahil sa sobrang takot ko nang hindi ko makita si Lexa sa kama niya ay hindi ko na naalala pang manipis ang damit ko.

Marrying A Mafia✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora