59 | The Chase

1.1K 31 12
                                    

I can't lose consciousness

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I can't lose consciousness.

That's the first thought I had after crashing onto a bush. Luckily, hindi kami sa semento bumagsak. Nang tumalon kami ni uncle ay sinigurado kong unang babagsak ang aking kaliwang braso. Mas delikado kasi kung ulo o 'yung likod. But uncle didn't seem to be fortunate enough. Half of his body fell on a tree stump. He was writhing in pain while holding his right knee which I presume ay naunang tumama sa tree stump bago siya tuluyang bumagsak.

Agad akong tumayo at 'di ininda ang pananakit ng ibang parte ng katawan ko na sa palagay ko ay nagdudugo dulot ng mga sugat na natamo ko mula sa matutulis na tangkay ng halamanan. Nilapitan ko si uncle na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin ang kanyang tuhod.

"Uncle, are you okay?" Malamang hindi, Nat, pamimilosopo ko sa sarili ko. Nakuha ko pa talaga magbiro sa ganitong lagay.

Nilingon ako ni uncle at nahihiyang ngumiti. "I miscalculated," simpleng saad niya na nagpailing sa'kin.

"Kaya niyo po bang maglakad?" Medyo kinakabahan kong tanong dahil pakiramdam ko ay masyado na kaming matagal sa pwesto. Kailangan na namin umalis kung gusto namin tumakas.

Tumango si uncle. Sinubukan niyang tumayo pero halata sa expression ng mukha niya ang iniindang sakit. Agad kong kinuha ang kamay ni uncle at inakay siya.

"Pasensya na," makahulugang sabi ni uncle. Halatang hindi lamang ang pag-akay ko sa kanya ang tinutukoy niya pero hindi ngayon ang oras para sa mga tanong ko.

Takas first, before we talk. Escape is the main priority.

Nasa kanang parte kami ng cottage, samantalang ang sasakyan ni Dustin ay nasa kabila. Syempre hindi naman kami pwedeng dumaan sa harap ng cottage para makatawid papunta doon. Then, we have no choice but to go through the woods.

"Did you really go here alone?" Putol ni uncle sa line of thought ko.

Umiling ako. "I'm with a friend."

Tumango-tango siya at hindi na nagtanong pa muli.

"Kakayanin mo po ba? We'll walk around the cottage through the woods. Nasa kabilang side po kasi 'yung sasakyan."

Gumuhit ang isang ngiti sa mukha ni uncle. "Oo naman. Don't worry too much, Nat. Pilay lang 'to. Malakas kaya uncle mo," he tried to lighten the mood while I just gave a small smile in return.

He's worried, I thought to myself. Nagpatuloy kami sa paglalakad at paminsan-minsan ay nililingon ko si uncle. Malalim ang iniisip niya, and I have an idea who it could be. Maski ako ay nag-aalala sa kalagayan ni auntie. Pero ano kayang plinano nila para gawin 'to? Bakit nakayanan ni uncle na iwan si auntie?

Napahinto ako nang maramdaman na tumigil din si uncle sa paglalakad.

"Bakit—"

Agad na tinakpan ni uncle ang bibig ko as he hopped towards the cottage wall, slightly dragging me with him. Dumikit kami sa pader at ngayon ko lang napansin na malapit na kami sa woods. May open area sa pagitan ng pinagtataguan namin at ng kakahuyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Montague Academy: DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon