"Nice to meet you, Ma'am Alicia. Kaano-ano po kayo ni sir? Hindi ko pa po kasi kayo nakikita na pumunta dito eh," paliwanag niya.

"Uhm, fiancèe niya ako," sagot ko naman. She's so bubbly!

"Wow! Congrats po! Anyway, may gusto po ba kayong inumin?" pag-iiba niya ng usapan.

"Juice na lang," sabi ko.

"Sige po, ma'am. Wait lang po." Tumango ako at lumabas na siya ng opisina.

Maya-maya lang ay bumalik siya na may dalang tray. May nakapatong dito na slice of cake at orange juice.

"Ma'am, pinapadala na rin po ni sir yung cake para sayo po," sabi niya at binaba ang tray sa table.

Sa kanan na side kasi ng opisina ni Marcus ay dun nakalagay ang desk niya at kung ano-ano pa. Sa kaliwa naman ay may tatlong sofa na nakapaligid sa isang center table.

"Oh, Daisy. Hindi ako pwede sa herbs. I'm severely allergic to herbs," pahayag ko nang makita kong may nakadesign na herbs sa orange juice.

"Oh I am very sorry, ma'am! Wait, let me fix it for you," kaagad niyang kinuha ang baso at lumabas ng opisina.

Ilang minuto ang lumipas bago siya nakabalik ng opisina na may dalang ibang baso at wala nang herbs.

"Ito na po ang iyong orange juice, ma'am. Pasensya na po talaga," sabi niya pa at binaba ito sa table.

"That's okay. You didn't know," sambit ko at kinuha ang juice para inumin ito.

"Ma'am, hindi po sa nangingialam pero, ano po ang nangyari diyan?" tanong niya sabay turo sa noo kong may gauze pad.

Damn, akala ko natago ko na gamit ang buhok ko!

"Oh, that." Binaba ko muna ang baso sa table.

"Inatake kasi ako ng allergy ko nung nasa loob ako ng ice rink. I fainted and I hit my head on the ice," kwento ko at tinago na ito gamit ang buhok ko.

"Ouch. Parang ang sakit nun, ma'am," sambit niya at natawa naman ako.

Masakit talaga.

"Yeah. I've been at the hospital for almost three days. Nung nauntog kasi ako sa yelo, hindi ako nagkaroon ng malay that day. Nung sumunod na araw lang ako nagkaroon ng malay ulit," kwento ko pa. Infernes, ang saya niya kausap.

"Wait lang po. Ma'am, ikaw po ba 'yung nanalo sa national competition ngayong taon?" tanong niya.

"Yes. Ako nga." Nakangiti kong sabi.

"Wow! Ma'am pwede po bang magpapicture? Idol na idol ko po kasi kayo eh!" agad nagningning ang kanyang mga mata habang nakaguhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Yeah, sure." Kinuha niya ang kanyang phone at nakipag-selfie sakin.

"Thank you, ma'am!" sabi niya nang bahagya na siyang lumayo.

"Welcome!"

Magsasalita pa lang sana siya nang mapalingon kaming dalawa sa pinto.

"Kuya, I want to talk to you--- Oh, Alicia. Nandito ka pala. Nasaan si kupal, ay este si kuya?" tanong ni Monica.

"Nasa meeting pa ehn," sagot ko.

"Good afternoon po, ma'am," bati ni Daisy nang tuluyang pumasok si Monica sa loob ng opisina.

"Good afternoon. Pakikuha ako ng coffee, please," utos ni Monica.

"Yes po." Lumabas na si Daisy ng opisina at si Monica naman ay umupo sa tabi ko.

"Oh, what happened here? Binugbog ka ni kuya?" tanong niya at hinawi ang buhok ko.

"Ang wild naman ng imagination mo, Monica. Hindi 'no, nauntog ako sa yelo. Nawalan kasi ako ng malay nung nag-eensayo ako," paliwanag ko.

Grabe, bugbog agad!

"Don't tell me you're pregnant?" nakakunot niyang tanong na mas lalo kong ikinabigla.

"Mas lalong hindi!" depensa ko at natawa naman siya.

"Napadaan ka pala dito?" tanong ko.

"Oh, nothing. Iiwan ko lang muna sana ang anak ko kay kuya kasi may aasikasuhin lang kaming mag-asawa," sagot niya.

"Nasaan ang anak mo?" tanong ko ulit.

"Paakyat na siguro 'yon."

Ilang minuto ang lumipas at bumukas ulit ang pinto.

"Ma'am, ito na po ang coffee niyo at may naghahanap po sa inyo," sambit ni Daisy.

"Mommy!" bulyaw ng dalawang bata. Ang isa ay karga ng kanyang asawa habang ang isa ay nakayakap sa binti nito.

"Kids, meet your Tita Alicia. She is your Tito Marcus's wife," nabigla naman ako sa ginawang pagpapakilala sakin ni Monica pero hindi na ako sumagot.

"Hi!" masiglang bati ng panganay na babae nila.

"Hello! What's your name?" tanong ko.

"My name is Monique and I am 4 years old!" pakilala niya at tinaas ang apat niyang daliri.

"Englishera ang anak mo, Monica ah," komento ko at binuhat si Monique dahil nagpapabuhat siya.

"What's going on here?" biglang sabi ni Lucas na kakarating lang.

"Hi, my dear brother. I need you to babysit my children," hiling ni Monica at tumayo.

"What?! Now way! I have a lot of things to do!" tutol ni Lucas at sinara ang pinto ng opisina.

"Sige na! Walang magbabantay sa mga pamangkin mo eh!" paulit-ulit siyang kinulit ni Monica hanggang sa pumayag na siya.

"Okay! Thank you, dear brother!" Umalis na silang mag-asawa at naiwan kaming apat dito sa opisina.

"Infernes, ang ganda at gwapo ng mga pamangkin mo ha!" komentk ko habang nilalaro si Monique at siya naman ay karga si Isaac.

"Pero mas magiging maganda at gwapo ang mga anak natin," bulong niya.

"Whay did you say?" Tanong ko kahit narinig ko.

I just wanna clarify it...

"Nothing," he said.

Tumango lang ako at binalik ang tingin kay Monique.

Kung magkakaroon man kami ng anak, sana babae dahil baka kapag lalaki ay idamay siya ng magaling niyang ama sa mafia.

To be continued

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now