Pinasulat nila sakin ang address ko sa isang papel at habang nagsusulat ako ay nagsalita si Marcus.

"Make sure to deliver those clothes by 9:00 p.m tonight." utos niya.

"Yes, sir " sabi ng mga staff.

Natapos ko nang isulat ang address ko kaya binigay na ni Marcus ang card niya.

"Put all the charges in here. Including the delivery fee," sabi niya.

"Okay, sir. That will be 21,000 pesos including the delivery fee," sabi ng namamalagi sa cashier.

"What?!" gulat kong tanong.

"How much are the clothes?"

"10,000 pesos each, ma'am." Sagot niya.

"So, 1,000 ang delivery fee?" Tanong ko at tumango sila. Bakit ang mahal?

Ibinalik na nila ang card kay Marcus kaya lumabas na kami ng boutique.

"Bakit ang mahal ng delivery fee, Marcus?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

"All of their products are branded and new. And all of their costumers expect that these products will reach them in a good condition," paliwanag niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"So, I owe you about ten thousand?" tanong ko.

"No. I am the one who invited you here so you don't have to worry anything," sabi niya at sinara na ang pinto.

...

Saktong 9:00 p.m ay dumating na ang gown ko. Marcus is right. Maganda ang damit at maganda rin ang packaging. Nakahanger yung gown ko at binalutan siya ng plastic wrap at ipinasok sa loob ng malaking rectangle box.

Habang pinipirmahan ko ang papel na hawak nila ay kinuha na ng mga maid ang box at pumasok na sa loob.

Sumunod na rin ako sa kanila at naabutan kami ni mommy na paakyat ng hagdan.

"Alicia, what is that?" tanong ni mommy.

"A gown. Marcus bought it for me. He invited me to a party," sabi ko.

"Kailan at anong oras?" she asked.

"Ten p.m tonight," sagot ko.

"Oh, okay. I will call our makeup stylist," sabi niya st kinuha pa ang phone niya.

"Mom, kaya ko na ang sarili ko," sambit ko.

"Nonesense! Dapat maganda ka sa harap ni Marcus!" sabi niya.

"Mommy, maganda na ako kahit wala akong make up," pagmamayabang ko.

"I know that, dear. Pero, mas maganda ka kung may makeup ka," pagpupumilit pa rin niya. Hindi talaga magpapatalo si mommy eh.

"Fine," pagsuko ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.

Ilang minuto na ang lumipas at dumating na rin ang mga stylist namin.

Inayusan na nila ako sa loob ng kwarto ko at pinasuot na rin sakin ang gown. Infernes, ang bango ng gown at hindi siya makati.

"You look magnificent, hija!" komento ni Ate Mae, ang baklang stylist namin.

"Thank you," sabi ko habang nakatingin sa human size mirror.

Napatingin kaming tatlo nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Ma'am, nasa baba na po si sir Marcus," sabi ng maid at tumango ako.

"Let's go down na!" sabi ni Ate Mae kaya lumabas na kami ng kwarto at bumaba na ng hagdan.

Nang makababa kami ay agad nahagip ng aking mga mata si Marcus na pormal na nakaupo sa sofa habang may hawak na boquet.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at lumapit sakin tsaka binigay ang bulaklak.

"Thank you. You look good tonight," komento ko sa kanya sabay ngiti.

"You too. You're so beautiful" komento niya pabalik.

Inutusan ko ang maid na ilagay muna ang bulaklak sa kwarto ko at umalis na rin kami ni Marcus.

Ilang minuto na ang lumipas at nakarating na rin kami sa Laguna sa isang hotel at saktong dumating na rin sila Liam, Dustin at Elias na may kasamang mga babae.

"Ayos ah. Talaga namang mga kapatid niyo pa ang sinama niyo," sabi ni Marcus.

"No choice, boss. 'Di tulad mo, wala kaming babae sa buhay namin," sabi ni Liam kaya natawa naman kami.

"I.D, sir," sabi ng bantay. Si Marcus naman ay may kinuhang I.D sa wallet niya at binigay ito sa bantay.

"Good evening, sir. Welcome," magalang nilang bati at nagbigay daan para samin.

Kinuha na ni Marcus ang I.D niya at pumasok na kami sa loob. Marami rin ang bisita na nasa baba at mga naka formal attire sila. Paakyat na sana kami sa second floor nang bigla kaming harangan ng mga ibang bantay.

"Name, sir?" tanong ng isang bantay.

"Villareal," agad namang nagbigay daan ang mga bantay kaya umakyat na kami ng hagdan. Bakit parang natakot ang mga 'yon?

Pagkarating namin sa second floor ay konti lang ang mga tao dun kaya mabilis naming nahanap ang table na nakapangalan kay Marcus.

"Bakit konti lang ang tao dito hindi tulad sa baba?" tanong ko nang makaupo kami.

"The people in here are the ones who holds a higher group in mafia like me," sabi niya sabay upo sa tabi ko. Ah, kaya pala hinarangan kami kanina.

May dumating na waiter at binigyan kami ng tig-isang baso na may wine.

...

Malapit nang mag 12:00 midnight pero hindi pa rin bumabalik ang mga lalaking kasama namin. Iniwan nila kaming mga babae dito sa table kaninang 11:30 at sabi nila ay may kakausapin lang sila pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Kami namang mga babae ay mabilis na nagkasundo dahil nag-uusap na kami tungkol sa mga buhay namin.

"Hey, it's been 30 minutes already. Aren't they coming back?" tanong ni Lilian, kapatid ni Liam.

"I don't know too. They didn't even said where they are going," sabi naman ni Dalia, kapatid ni Dustin.

"Why don't we find them?" suggest ni Ericka, kapatid ni Elias

"Let's go, Lish," pag-aaya nila sakin kaya tumayo na rin ako at hinanap ang mga lalaking 'yon.

To be continued

Marrying A Mafia✓Where stories live. Discover now