"Kalimutan mo na 'yon. Tutal, hindi rin naman importante."

Mas lalo akong binalot ng takot. Kung kanina ay kinakabahan lang ako, ngayon ay halos malaglag na ang puso ko.

Hindi naman siguro 'to prank, 'di ba? Fuck! Can someone tell me this isn't real. Natatakot na talaga ako.

Napayuko na lang ako nang hindi ko magawang makatingin ng diretso sa mga mata niya. I just can't admit right in front of him what I really feel now.

"See..." rinig kong sabi niya. Nahimigan ko rin ang inis doon kaya agad akong nag-angat ng tingin. He look so disappointed.

He stared at me blankly. "Alis na muna 'ko, ipapahatid ko na lang dito ang breakfast mo."

Napatingin ako sa pintuan nang tinalikuran niya muli ako at nagsimulang magtungo patungo doon. Ni hindi niya ako hinintay na magsalita. Sabagay, wala rin naman pala akong sasahihin.

Napabuntong hininga ako ngunit agad rin na natigilan nang bigla siyang huminto sa pagbubukas ng pinto. Lumingon siya sa akin saglit bago bumaba ang tingin sa kama na mayroong paper bags.

"Lahat ng 'yan ay mga napili mo kagabi. Dinagdagan ko na rin at baka kailanganin mo pa nang masusuot," aniya sabay angat ng tingin sa akin. "Suotin mo na lahat ng gusto mo... hindi na ako mangingialam," dagdag pa niya bago umiwas nang tingin at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Oh, great! What an amazing vacation! Tsk.

Napahiga na lang ako sa kama at mariin na pumikit. Matutulog na lang siguro ako maghapon. Sino naman ang gaganahan mag-enjoy kung ganoon ang kasama mo?

He is definitely mad at me. I am willing to face his anger pero hindi sa paraang ibibigay ko kung anong gusto niyang mangyari. I will not let him see me falling from his trap.

Alas tres na nang lumabas ako mula sa kwartong kinuha ni Engr. Delgado para sa amin. Simula kanina ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin, dahil doon napagdesisyunan ko na lang na lumabas.

Kanina ko pa rin siya hinihintay, at mukhang wala na talaga siyang balak na puntahan ako. Ako na lang siguro ang maghahanap sa kan'ya kung ayaw niyang magpakita sa akin.

Hindi rin naman p'wedeng hayaan ko na lang siyang may galit sa akin. I'll try to forget about my pride just to make things clear between the both of us.

Ayoko rin namang matapos ang bakasyong ito nang hindi kami nagpapansinan. At ayoko rin na masira ang bakasyong ito nang hindi nag-e-enjoy, ngayon na nga lang ulit ako nakapunta ng beach masisira pa.

Binati ako ng ilang crew ng resort, at tanging pagtango na lamang ang naging sagot ko. Wala akong energy para batiin silang lahat, bukod sa stress ko sa lalaking hinahanap ko ngayon, wala pa rin akong kain simula pa kagabi.

May dumating na breakfast at lunch sa kwarto, pero ang lahat ng iyon ay hindi ko kinain. I lost my appetite because of what happened. Siguro ay pinaparusahan niya ako kaya kahit ang kumain ay hindi ko na rin magawa.

I need to find him as soon as possible para humingi ulit ng tawad... for the second time. At kung hindi pa rin niya tatanggapin iyon ay wala na akong magagawa. Uuwi na lang siguro ako ng mag-isa sa Manila kaysa manatili dito kasama siya. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin.

Duh, si Tala kaya 'to.

Dumiretso ako sa beach nang hindi ko siya nakita sa lobby at restaurant ng resort. Kung hindi ko siya makikita sa beach, sa bar na malapit ko siya hahanapin. At kung wala pa rin, ako ang iinom.

Ang problema ko lang ay wala akong pera na dala dito. Parte pa naman siguro ng resort ang bar at i-cha-charge ko na lang muna sa room namin ang maiinom ko. Babayaran ko na lang lahat ng gastos ko pag-uwi namin.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now