"Marcus already said yes. Ikaw na lang ang hinihintay sa venue," she said.

"No!"

"Alicia Haley Smith! Pupunta ka sa date na 'yon sa ayaw at sa gusto mo! And that's final." Napapikit na lang ako bago huminga ng malalim dahil sa sinabi niya.

Wala akong nagawa kundi itigil muna ang pag-eensayo ko at sumama kila mommy pabalik ng mansion. Nandun daw kasi ang makeup artist ni mommy. Papagandahin pa ako eh sigurado naman akong hindi ako type ng masungit na lalaking iyon!

Pagkarating namin sa mansion ay naligo muna ako saglit tsaka sinuot na ang binili ni mommy na dress para sa akin. Isa siyang pink dress na hanggang baba ng aking tuhod ang haba at may itim na belt.

Inayos na nila ang buhok ko at nilagyan na rin ako ng konting makeup. Pagkatapos nila akong ayusan ay bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si Marcus na hinihintay ako sa sala. Akala ko ba ay magkikita lang kami sa isang restaurant?

"Oh, there she is!" Nilapitan ako ni mommy para hilahin papunta sa sala.

Nagbabagal kasi akong maglakad dahil ayoko talagang makipag-date!

"You look so beautiful, hija," Marcus's mom commented.

"Thank you, tita," I formally said.

"Well, what are waiting for? Umalis na kayo," my mom said, and she slightly pushed me towards Marcus.

Baka nakakalimutan niyong four inches na takong ang pinasuot niyo sa akin!

"Go on! Marcus, umalis na kayo," si tita naman ang nagsalita.

Wala kaming nagawa kundi lumabas na. Pagkarating namin sa kotse niya ay bubuksan ko na sana ang pinto ng back seat pero binuksan niya ang pinto ng passenger seat.

"Dito ka na umupo," he said.

Tumango na lang ako at pumasok na sa loob. Sinara niya na ang pinto at umikot papunta sa driver's seat. Tumingin ako sa labas at nandun sa may pinto ang mga magulang namin na halos mapunit na ang mga bibig kakangiti.

...

Nakarating kami sa isang five star restaurant at pinagbuksan niya muli ako ng pinto. Infernes, gentleman siya.

But, he is still not my type!

"Good evening, ma'am and sir. Do you have any reservation?" tanong ng isang empleyado.

"Yes. Under Lucas Marcus Villareal."

Second name pala niya 'yon.

"Right this way, sir." Dinala kami nung waiter papunta sa rooftop ng restaurant.

Pagkarating namin dun ay walang tao at tanging isang lamesa at dalawang upuan lang ang nandun. Sinadya ba ito nila mommy?!

Umupo na ako sa isang upuan at si Marcus naman ay sa tapat ko. Binigay sa amin ng waiter ang menu at maya-maya lang ay nakapili na rin kami.

Ilang minuto ang lumipas at habang hinihintay namin ang mga pagkain ay tahimik lang kaming dalawa.

This is so awkward!

Pasimple akong sumulyap sa kanya at nakita kong pormal siyang nakaupo habang hawak ang phone niya.

"Want to say something?" tanong niya pero nakatutok pa rin ang mga mata niya sa kanyang cellphone.

"N-nothing," I answered.

Mommy, ayoko na! Ang awkward ng atmosphere namin!

"Uhm, e-excuse me." Tumayo na ako at aalis na sana nang magsalita ulit siya.

"And, where are you going?"

"Restroom." Tumango lang siya kaya dali-dali kong hinanap ang restroom.

Pagdating ko dun ay agad kong tinawagan si Macy para humingi ng tawad. Hindi kasi ako nagpaalam ng maayos sa kanya kanina dahil sa sobrang pagmamadali nila mommy.

"Hello, Macy. I'm sorry, umalis agad ako kanina," I said when she answered the phone.

"It's okay, Lish. Nasabi na rin sa akin ni tita na kailangan mo agad umalis kanina. So, how's the date?" tanong niya na ikinagulat ko.

"You know?"

"Yep. So, how is it?"

"It's kind of awkward. Walang nagsasalita sa amin."

"Oh, that is awkward."

"Yeah. Anyway, I got to go. Baka hinahanap na ako nun. Bye, I'll see you tomorrow." Pinatay ko na ang tawag at binalik ang phone sa bag ko.

Lumabas na ako ng restroom at bumalik sa lamesa pero wala akong nadatnan na nakaupo dun. Nasaan na ang lalaking iyon?

Umupo muna ako sa upuan ko at inisip na pumunta lang siya sa cr nang biglang lumapit sa akin ang waiter.

"Excuse me, ma'am. Umalis na po 'yong kasama niyo."

"He what?!" I asked.

"Umalis na po siya kanina. Pinapabigay niya rin po pala ito," he said then gave me a piece of paper.

"Wait, paano 'yong mga inorder namin?" tanong ko.

"Bayad na po, ma'am. Take out na lang po ba?" tanong niya. Malamang...

"Yes. Thank you." Tumango lang siya at iniwan na ako.

Binuksan ko ang papel at binasa ito.

"Go home. My men is waiting for you at the parking lot. I just need to do something." Napatingin na lang ako sa kawalan matapos kong basahin ang sulat.

Probably, he needs to do something about mafia or whatever.

Kinuha ko na ang mga pagkain at dumeretso na sa parking lot at nandun nga ang tauhan niya. Hindi lang isa, apat sila!

"Good evening, ma'am," isa-isa silang bumati sa akin.

"Good evening." 

Pinagbuksan nila ako ng pinto sa back seat kaya pumasok na ako sa loob.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay namin at pagbaba ko ng kotse ay agad silang umalis.

"Hija, you're back already?" tanong ni tita.

"How did it go?" tanong naman ni mommy.

"He left me," walang gana kong sabi.

To be continued

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon