Pahina 37

72 6 0
                                    

37


"Gusto mong maabutan ka dito ng anak ko para makagawa ka ng eksena? Hindi ka na nahiya?"



Kasabay ng pagyuko ko ay ang pagtatagis ng mga panga nila J, Hans at Arlon. Nasa loob na kasi ng studio si Hito kaya wala ito sa grupo.



"Hindi naman po sa ganon, ma'am"


"Hatid ka na namin, Jas" si J



"And who told you that you are allowed to leave the station during duty hours?"




"Can't we have a little break, ma'am?" Matigas na sahot ni J. Hinawakan ko ang braso nito para iparating dito na huwag nalang sumagot.



"You can't"




"Hindi pa kami nakabreak. So we will take this time to have our break. It's in the contract if you didn't know"




"J!"



"Ha!" Sabay kami ni Mrs. Galleni. Namilog ang mga mata ko at namula naman ang mukha ni Mrs. Galleni sa galit.



"How dare you, boy! You are just a mere employee here!" Galit na itinuro ni Mrs. Galleni si J.




"J, tama na" saway ko ulit dito



"Why would you stop J, Jas? He's right" sumingit si Arlon. Katabi nito si Ruby na nakahawak sa braso nito at nakatingin lang kay Arlon.




"I see now..." Mrs. Galleni tap her chin using the finger she used earlier to point J. "You bought time so you can have allies. What a clever idea, province girl. At kapag naabutan ka ng anak ko dito, papalabasin ninyo na ako ang masama?"





"Hindi po ganon iyon, ma'am. I just said my goodbyes to my friends"





"Let's go, Jas. Good thing aalis ka sa lugar na ito. This company don't deserve your talent and your kindness"





Hinila na ako ni J patungong elevator. Sumunod kaagad si Arlon at si Ruby. Hans was just glaring at Mrs. Galleni but didn't say anything. Si Ms. Joyce naman ay nandoon lang sa may lamesa nito at nakayuko.



"Leave your work, boys and you are fired!" Sigaw ni Mrs. Galleni pero parang walang narinig ang dalawang lalaking kasama ko.




"J... dito nalang. Bumalik na kayo doon" ako lang naman ang ayaw ni Mrs. Galleni dito at kapag hindi babalik sina J at Arlon sa tarabaho ay madadamay sila sa galit nang nauna.



"Arlon..." pero hindi sila nakinig. Bumukas ang elevator at iginiya ako kaagad ni J papasok. Sumunod kaagad si Arlon at Ruby.




"You are all fired!"





"That's a good thing, ma'am" narinig kong sambit ni Hans bago tumakbo papasok sa elevator. "Ms. Joyce! Ayaw mong sumama? Pangit ng boss natin dito doon tayo magtatrabaho sa bukid nina Jasmine buti pa doon sariwa ang hangin. Libre pa ang kain!" Sigaw ni Hans sa station manager naming gulat na yata





"How dare you?!"



"Tingnan natin, ma'am kung hindi kayo mawawalan ng mga trabahador dahil sa ugali ninyo"




Tahimik akong naupo sa loob ng sasakyan ni J. Nasa backseat ako ngayon at si Hans ang nasa shotgun seat ng sasakyan ni J. Nakasunod sa amin ngayon sina Arlon.



"Hindi mo pa sinabi ang problema mo, e nalaman din naman kaagad namin"





"Sorry"




Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now