Marin Diaries: Jasmine

207 6 0
                                    

Dear Diary,

Matagal na bago ako nakapagsulat ulit sa'yo. Ngayon bente syete na ako saka ko na naalala na nakalimutan pala kita. I'm sorry. 

Gusto ko lang namang kumustahin ka at sisikapin ko na hindi na ulit kita makakalimutan. 

Well... for starters. DJ na ako ngayon sa DG 101.7. It's a radio station owned and operated by Galleni Broadcasting Company. Sila ang isa sa pinakamatandang radio station sa Pilipinas.

Naalala ko pa noon na lagi kong sinasabi kay mamà, lolo at ng papà na gusto kong maging DJ at ngayon natupad na! kakasimula ko lang noong isang buwan. So far okay naman. I was working there for almost 3 years as an assistant of the program director. And now here I am a regular Dj! 

Kinakabahan ako sa una pero habang tumatagal ako sa harap ng mikropono nawala ang kaba ko. I reached my dream job, diary. 

At katulad din nang huli kong sulat sa'yo, wala pa akong boyfriend. Gusto na ng mga kapatid ko na magkaboyfriend na ako dahil daw malapit na akong matanggal sa kalendaryo.

I just laughed at them especially Lotus who's asking me every single day. She's kinda annoying sometimes but I love her. I love my sisters. 


So ngayon diary, wala na akong maisulat... pasensya na. Pangako, I will write when there's a news about my life. Hindi ko pa rin kasi bet ang mga facebook, instagram, twitter at kung ano-ano pang neknek sa internet, mas gusto ko dito kasi private. Ikaw lang ang nakakaalam ng nagyayari sa'kin at obviously you won't judge me. 

Love you but I love my sisters more, peace tayo diary. 

Bye see yah! 

Jasmine Marin

Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now