Pahina 3

96 6 0
                                    

3


"Sinong ang may nagawang kasalanan kay sir Cain?" Iyon agad ang tanong ni Ms. Joyce pagkaalis ng dalawang boss.




Walang nagsalita sa amin dahil wala naman talaga kaming nagawang kasalanan dito. Kung kasalanan man iyon ang nasaksihan ko kaninang madaling araw ay... umiling ako. Hindi ko naman sinadya ang marinig ko ang pag-aaway nilang mag-ina. Isa pa pa nasa public place sila kagabi. Kahit sino ang mapadaan doon ay maririnig talaga ang malakas nilang sigawan.




"Sino nga?" irita na si Ms. Joyce ngayon.






"Naku Ms. Joyce! Ngayon ko lang nakita si sir... Ano nga pangalan no'n?" si J.




"Cain. Sir Cain."


"Oo si sir Cain. Ngayon ko lang nakita iyon."




"Ako din Ms. Joyce. Baka si Arlon. Masama ang tingin ni sir dito, e," marahang itinulak ni Hans gamit ang hintuturo ang balikat ni Arlon.




"Ito din ang unang beses kong makita ang bago nating boss. Stop accusing me," malamig na tugon ni Arlon kay Hans.


"Sabi ko nga." Mabilis ang paglingon ni Hans sa akin. Nakatingin na para bang alam na nito na ako ang may kasalanan "Ikaw Jas, noh? Sa'yo galit ang bagong boss?"




"Luh? Ba't ako? Hindi kaya si Hito? Tsismoso 'yon, e."




"Nasa loob pa si Hito mula pa kanina, Jas."






Sinamaan ko ng tingin si Hans. Bakit ba ako lagi ang nakikita ng mg lalaking ito? Parehas na parehas sila ni Hito e. Sarap pag-uuntugin.






"Jasmine?" si Ms. Joyce na mariin ang pagkatitig sa akin.






Napabuntonghininga ako.






"Nakita ko po si sir Cain kagabi sa parking lot noong pauwi na ako. Nagkasagutan po yata sila ng mama n'ya. At dahil malakas ang kanilang boses, syempre narinig ko iyon. Mabilisan lang naman iyon, Ms. Joyce dahil umalis na din ako pagkatapos kong paandarin ang scooter ko," mahaba kong paliwanag.








"Di nga, Jas? Totoo?" si J.








"Oo nga. Umalis din ako kaagad. Hindi ko nga alam kung anong pinagtatalunan nilang mag-ina. Antok na kaya ako kagabi at sobrang stress ko pa sa mga problemang pag-ibig ng mga caller. Haler! Ayoko nang madagdagan stress ko noh!"






"O s'ya sige! Alam na ninyong mainitin ang ulo ng bagong boss natin. Siguraduhin n'yo lang na hindi na ito mauulit pa. Mag-iingat tayo dapat dito."






Tahimik akong napa-tss. Kung ganito lang kaarte ang bagong boss dapat lang hindi ito araw-araw na bibisita dito sa station. Kung araw-araw man itong pupunta at maglalabas ng init ng ulo nito, naku! Siguradong babalik ako sa bukid para asikasuhin nalang ang palayan namin. Kahit pa gustong-gusto ko ang trabahong ito. Tutal nakamit ko naman ang dream job ko. Isang taon ko bilang dj okay na iyon.








Alam ko naman noon pa na babalik talaga ako sa bukid at iwan ko itong trabaho kalaunan. Kaya lang mapapaaga siguro ang pag-alis ko dito kung ganito kaselan ang bagong boss.








Pabagsak akong naupo sa couch. Napainom din ako ng tubig sa aking tumbler.








"Sobrang selan pala ng bagong boss natin ano?" si J.






Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now