Pahina 31

61 3 0
                                    

31

Nang pumunta si Cain kinaumagahan sa apartment para sunduin ako, ay hindi ko pinahalata na masama ang loob ko sa kanya. Hinintay ko siyang magsabi sa akin kung saan ito pumunta kagabi. Hindi ako nagtanong. Pero hanggang sa dumating kami sa station ay wala itong sinabi. Ngunit naghintay pa rin ako. Pinilit kong pigilan ang sariling magtanong dito at hingin ang eksplenasyon.



Cain stayed with me in my whole shift. Hindi ito nagtrabaho. Imbes ay sunod ito nang sunod sa akin. Pumunta ako ng pantry para magtimpla ng kape ay nakasunod pa rin ito. At kapag hindi ako naglalakad ay nakapalibot ang mga kamay nito sa aking beywang. Ang baba ay nakapatong sa aking balikat.



"Cain ang clingy mo ngayon" hindi ko mapigilan ang sariling punain ito. I wonder, dahil ba ito sa nakita ko kagabi? Is he guilty not telling me kaya dinaan niya sa paglalambing? Bakit hindi nalang nito sabihin ng deritso? Maaintindihan ko pa siguro ang palusot nito keysa ganitomg naglalambing siya na parang may tinatago.





"Can't I?" He pouted. Kumunot kaagad ang noo ko. "You're my girlfriend so I can be clingy to you. Only you"




Really? I scoffed silently.




Hanggang sa sumunod na araw ay wala pa ding sinabi si Cain tungkol sa gabing kasama nito ang ex. Nagsimula na akong mairita pero pinigilan ko pa rin ang sariling sumabog. If I want Cain to stay until when it last I should be happy with him.




Sunday came, we went on a date. Para lang akong tuyong dahon na nagpapadala sa ihip ng hangin. Sa mga nagdaang araw ay umakto akong okay lang. I acted that I wasn't hurting. I acted like everything's okay. That everything's fine.At sa mga araw na iyon hindi ko maalala ang mga nangyari.






I never thought I would go this crazy over a man. I always had my priorities straight. My views were once clear. My brain always lead every decisions I made. Pero dahil lang kay Cain nagbago lahat ng iyon.




Mahigpit ang kapit ko sa basong may lamang tubig sa aking harap nang makita ang kapapasok lang sa restaurant. Hindi ko alam at hindi ko naalala kung paano ako umoo kay Mrs. Galleni nang tumawag itong makipagkita sa akin.




Hindi ito alam ni Cain. Maging ng kapatid ko ay hindi alam na kakausapin ako ni Mrs. Galleni.





Kinakabahan akong tumayo sa aking upuan para batiin ito. Tumaas alng ang kilay ni Mrs. Galleni at naupo sa bakanteng upuan na kaharap ko.






"G-good morning po, ma'am"




Hindi ito sumagot bagkos ay itinaas nito ang kanang kamay at iwinagayway na parang may tinataboy. I bit my lower lip. Nanliit ako sa sarili.





"I'm hoping that my son doesn't know about this meeting?"




"Yes po, m-ma'am" nakayuko kong sagot. Hindi ko kasi makayanan ang talim ng mga tingin nito. Parang anong oras ay sasabunutan ako ni Mrs. Galleni dahil hindi ko pinansin ang banta nito noon.





"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. You're not worthy of my time pa naman" Tinaboy nito ang waiter na lumapit para sana bigyan ito ng menu. She even glare at the poor waiter. "How much money do you need?"




Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi. Lagi kong nakikita ang eksenang ito sa Tv. Ang akala ko doon lang iyon nangyayari pero nagkakamali ako.




"Magkano ka? Magkano ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko?"





"Hindi ko po kailangan ng pera, m-ma'am" nanginginig ang aking boses. Bakit lahat nalang tungkol sa pera?






Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon