Pahina 2

100 5 0
                                    

2



"Gising na, ate!"


Gusto kong sabunutan si Lotus nang sumigaw ito. Magkasama kami sa iisang apartment dito sa Makati dahil parehong malapit lang dito ang pinagtatrabahuan namin. Isa itong Call center supervisor. Actually she's a graduate of Bachelor of Secondary Education major in English- at hindi prinaktis ang natapos na kurso dahil ayaw nitong magturo. Ang dahilan nito ay mainitin daw ang ulo nito sa mga batang pasaway at baka mapalo lang niya ang mga bata.


"Tahimik, Lotus! Inaantok pa ako!"

Tumigil ito sa pagkatok ng pintuan ng kuwarto ko. Ngunit alam kong hindi pa ito titigil sa pang-iistorbo.

"Lagpas na alas dose wala ka pang kain. Anong oras ka ba nakauwi kagabi?" 


Magulo ang buhok kong naupo ako sa kama. Wala na. Gising na ang diwa ko sa ingay ni Lotus. Gamit ang kamay isinuklay ko iyon sa aking buhok. Mabilis naman iyong naayos. Tinanggal ko din ang muta ko sa aking mata gamit ang kamay ko ulit. Nagbuga ako ng hangin bago ko binuksan ang pintuan sa aking kuwarto.

Nakangising Lotus ang bumungad sa akin. Ang pulang buhok ay nakahigh ponytail. Red-ginger ang kulay ng buhok nito katulad ng sa akin at sa mga kapatid namin. Namana namin iyon sa tatay namin na may dugong Scottish. Marami ang namangha at nagkagusto sa buhok namin dahil sa kulay. Kadalasan, akala pa nang iba na nagpakulay kami. 


"Anong ngiti iyan?" tanong ko dito.


"Dj Jas, hindi mo naman sinabi sa akin na Love advisor ka na pala ngayon?" nakangisi nitong sabi sabay galaw-galaw sa isang kilay nito.

"Oh! Shut up, Lotus!" bumalik yata ang stress ko kagabi.

"Dj Jas, patulong naman. Problema ko kasi iyong Team leader namin ang gwapo. May gusto yata ako doon."


Inambaan ko ng suntok ang kapatid ko. Sa aming pito ito ang pinakamakulit sumunod ang kambal, na kung hindi magkasama ay okay lang ang kakulitan, ngunit kapag nagsama sa iisang lugar ang dalawa parang limang Lotus ang kaharap mo.

"Ate naman. Seryoso problema ko."

"Seryoso din akong tatamaan ka sa akin kapag hindi ka titigil." Muli akong umamba ng suntok dito. Pero syempre hindi ko susuntukin kapatid ko noh!


"Eto naman. Sumbong kaya kita kay papá!" nakalabing ani nito.

"Sige hukayin mo si papá doon sa sementeryo at magsumbong ka," naiiling kong sakay sa sagot wika nito.

Our father died a year ago. Isang araw matapos ang Graduation sa college ni Lily. It was a happy-sad moment for us. Masaya dahil nakapagtapos na ang bunso namin ngunit napalitan agad ng lungkot nang atakihin si papá kinabukasan.

Kumain ako sa hinandang pagkain ni Lotus nang umalis ito sa bahay. Buti  nalang at papasok na ito sa trabaho at makakapagpahinga naman ang tenga ko sa kaingayan nito. Pagkatapos kong kumain ay naligo na agad ako para makapasok na din sa trabaho. 

Katulad nang nakasanayan ko lagi, ang scooter ko ang gamit papuntang trabaho. Binati ako  ng security guard pagkapasok ko sa aming building. Binati ko siya pabalik at naglakad na papuntang elevator.

Pagkalabas ko  ng elevator sumalubong agad ang malakas na palakpakan sa akin. Naroon na si J, may ngiti sa labi. Katabi si Hito na may mapang-asar na ngiti ulit. Tahimik lang si Arlon at ang katabi nitong si Hans ay malawak ang ngiti at pumalakpak pa. Hindi ko alam kong masaya ito o nagloloko lang. May pagtataka ko silang tiningnan isa-isa.


Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now