Pahina 27

57 4 0
                                    

27

Punong-puno ang hapag ng mga Galleni ng pagkain. Napaisip pa ako kung saan iyon mapupunta pagkatapos naming kumain. Hindi naman kasi namin iyon mauubos.


Mula sa maraming putahe na nakahain ay tinalon ko ang aking mga paningin sa mga gamit ng mga Galleni. Mula sa ceiling, upuan, lamesa at mga iba pang gamit doon ay lahat kulay puti at ginto. Ang mga upuan na hinila ng mga kasambahay para sa amin ay halatang mas mahal pa sa buhay ko. Maingat akong umupo doon. Dumagdag sa kaba ko baka magasgasan iyon, wala akong pambayad.


"Hope your favorite dish is one of these, Jasmine" nahihiya akong ngumiti kay Mrs. Galleni.




Cain was on my side, one hand on my waist as he guided me to sit. Pinakawalan lang niya ako nang makaupo bago ito maupo sa aking tabi. Inalalayan naman si Lotus ng isa sa mga kasambahay na nandoon. Naupo ang kapatid ko sa tabi ko rin. Kaharap nito si Sir Rain habang kaharap ko naman si Mrs. Galleni. Si Mr. Galleni ay sa tabi ng asawa at kaharap si Cain.



Tingin ko hindi yata mawala-wala ang kaba ko sa aking dibdib habang kaharap ko ang pamilya ni Cain. Nilingon ko si Lotus para alamin kung kinakabahan din ba ito. Hindi naman nasagot ang pagigingng kuryuso ko sa kapatid dahil blangko lang tingin nito. Buti nalang at tahimik lang ito.



"Thank you po"



May senenyas si Mrs. Galleni sa mga kasambahay sabay na naglagay ang mga ito ng table napkin sa aming mga hita. Namilog pa ang mata ko dahil sa pamamangha.




"Let's eat dinner first before..." hindi tinapos ni Mrs. Galleni ang sinabi dahil hinawakan ni Mr. Galleni ang kamay nito. Tumango ng bahagya sa mga kasambahay na agad nagsialisan doon.




Naunang kumuha ng pagkain si Mr. Galleni bago si Mrs. Galleni. Sumunod naman din si Cain. Akala ko ay ilalagay nito sa sariling plato ang kanin na kinuha pero inilagay nito iyon sa aking plato. Maliit akong napangiti. I whispered 'thank you'. At ang unggoy bigla lang akong hinalikan sa pisngi!



Napasinghap ako doon. Mahina naman ang tawa ni Sir Rain pero hindi iyon ang napansin ko, kundi ang pagtaas ng isang kilay ni Mrs. Galleni. Napayuko ako sa kahihiyan.



Asikasong-asikaso ako ni Cain sa buong dinner time. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin dahil namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. Nakalimutan ko nga ang kapatid ko na nandoon din pala sa tabi ko.



Nong dessert na ang nasa harapan namin, ay doon ko lang naalala si Lotus. She's silent. Halos hindi ginalaw ang bruleè sa harapan. Tiningnan ko ang kapatid ko na may pagtatanong. Imposible na hindi ito kumakain ng ganon dahil kinakain naman nito lahat ng pagkain.



"Problem with the food?" Naunahan ako ni Sir Rain nang balak ko sanang tanungin si Lotus.



Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ng aking kapatid sa lalaking kaharap. Problema nito?



Halos sikuhin ko na si Lotus nang hindi ito sinagot si Sir Rain, naputol lang ang balak ko nang magsalita si Mrs. Galleni. Ngayon, nasa kanya na ang buo kong atensyon.





Mamaya ko nalang tatanungin si Lotus. Baka napasukan naman kasi ng ipis ang utak nito.




"So, how long did you and my son dated, Jasmine?"




Napatuwid ako ng upo. Binitiwan ang kutsarang hawak.




"One month po, ma'am"




Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now