Pahina 35

68 5 0
                                    

35

Wärnïng R-18!
Read at your own risk.
Wag gayahin!

Nagpaalam kami ni Cain kay Lotus pagkagising nito. Tamad lang itong tumango sa amin bago dumeritso sa kusina. She also gave me a kiss and a smile pero hindi nito tiningnan si Cain. Siguro dahil kalagising lang.



Cain ang I went to his house first so he can change his clothes. Plano nitong bumalik kami sa racetrack field at doon simulan ang date namin. Next na plano ay hindi ko na alam. Kung saan gusto ni Cain o kung saan nito gustong pumunta ay sasama siya rito.




"Wait for me a bit here" Cain placed me on top of his bed. He gave me a deep kiss before entering his bathroom.




Agad ko din narinig ang pag-agos ng tubig galing sa loob ng banyo. Habang naliligo si Cain ay inilibot ko ang tingin sa kuwarto nito.





Parang pinagsasaksak ang aking dibdib habang tinitingnan ang paligid. Ito ang lugar kung saan magkasama sila Cain at Diane sa litratong pinadala sa akin. Hubad si Cain at ang puting kumot ay nakatakip sa pang-ibaba nito.




This is the place. Halos walang pinagkaiba ang set-up sa kuwarto ni Cain sa set-up na nasa larawan. The sheets were the same. The placing of his bedside lamp ay kaparehas ng nasa picture. At alam ko na sobrang recent lang ng larawang iyon.



It pained me knowing I'm being cheated by my boyfriend. Dinala ako nito sa lugar kung saan pinuntahan din nito at ng ex nito. And who knows kung may ginawa pa silang malala sa kuwartong ito. Pero base sa porma ng dalawa ay talagang may nangyari sa kanila.



Pero isang buwan lang. Isang buwan, tititisin ko lahat ng sakit. Ano mang mangyari ay bahala na.




"Hey" nagising ako sa pag-iisip nang pinatakan ni Cain ng isang halik ang aking pisngi.




Agad nanuot sa aking ilong ang amoy ng sabon na gamit nito. At noong bumaba ang aking tingin sa katawan nito ay namilog ang aking mata. Tanging puting tuwalya ang ang suot nito sa katawan.






"Magbihis ka na" nahihiya kong sita dito. Alam kong pulang-pula na ang aking pisngi base sa init na naramdaman ko ngayon.





"I love you" hirit ni Cain bago ito kumuha ng damit.





I sighed.











Ang akala ko ay tuturuan ulit ako ni Cain paano magdrive ng sports car nito pero hindi. Pagkarating namin sa racetrack ay dumeritso kami sa kuwarto nito. At halos mag-iisang oras na siyang nakayakap sa akin. Kung ganito lang din pala ang gagawin namin, e di sana sa bahay nya nalang kami. Ang oras na nagugol namin sa daan ay sana na dagdag iyon sa oras na nakayakap siya sa akin.





Pero mas okay na din na nandito kami at hindi sa bahay nito. Naalala ko iyong mga litrato nito kasama si Diane sa kuwarto nito.





Sinubukan ko iyong hindi isipin. Hindi ko na iyon dapat inisip gayong malapit na ding itong matapos.





"Hindi tayo magda-drive sa track ngayon?" Tanong ko dito. Nakaupo si Cain sa may paanan ng kama, ako naman ay nasa gitna ng mga hita nito nakaupo. He's hugging me from  my back.



"Later na. Dito lang muna tayo para walang istorbo." Sagot nito at hinalikan ang aking batok at ang likod ng aking tenga




I moaned. Nilingon ko siya. At siguro akala nito na gusto ko ng halik, sinakop nito ang aking labi. Hindi naman halik nito ang sadya ko sa aking paglingon pero hindi ko rin maipagkakailang gusto ko siyang halikan.





Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now