Pahina 1

215 6 0
                                    

1

Dear Diary,

Kumusta na!

Diba nasabi ko na gustong-gusto ko maging radio dj, diba? Pero ginawa pa naman akong love advisor?!

Kakatapos ko lang sa segment ko nang nilapitan ako ng Station manager namin. Mukha pa lang nito ay alam ko na, na may kailangan ito sa akin.

"Jas, may emergency si J ikaw muna ang uupo sa slot n'ya."

"Alin po doon, Ms. Joyce?" tanong ko.

Dalawa kasi ang program na hinandle ni Dj J. Midnight Love- kung saan may tumatawag na nanghihingi ng mga love advice o nagpapatulong kung ano ang gagawin sa problema nila sa pag-ibig. Ang isa naman ay iyong Oldies- isang oras na pinapatugtog ang mga lumang kanta.

"Midnight love."

Nalaglag ang panga ko. Sa lahat ng ayaw ko sa trabaho ko ay iyang program na iyon. Bakit? Simple, because I don't know how to advice someone about their love problems. Hindi pa ako kailanman nagkajowa.

Kung advice sana sa problemang pampamilya kaya ko pa. Ako ang pinakamatanda sa aming pitong magkakapatid. Dahil maagang pumanaw si mamà, isang buwan pagkatapos ipinanganak ang aming bunso, ako na ang naging sandigan ng mga kapatid ko.

"Ms. Joyce naman. Hindi po ako marunong sa mga ganyan. Iyong isa nalang po ang kukunin ko."

"Si Hito na ang papaupuin ko doon kasi kailangan niyang umuwi ng maaga. Alam mo naman kakapanganak pa lang nga asawa no'n."

Gustong lumuhod sa harapan ng station manager namin at magmakaawa. Ngunit ano pa ba ang magagawa ko? Tatlo lang kaming Dj sa station. Nagresign na iyong isa at wala pang nakitang pamalit. Sobrang istrikto kasi ng station namin. Hindi basta-basta ang hinahire nila. They want someone who's really familiar in the field.

"Basta ikaw na, huh? Magkasunod naman kayo ng program ni J, e."

"Opo," mabigat sa loob kong sagot.

Huwag na huwag lang silang magreklamo kung paano ko bigyan ng advice ang mga tumatawag.

Isang tapik sa aking balikat ang ibinigay ni Ms. Joyce sa akin bago ito tumalikod.

Nang tuluyan akong lumabas ng studio ay saka naman ang pagpasok ni Hito a.k.a Clark. Hito ang gamit nitong dj name dahil paborito daw nito ang Hito. Akala ko ay biro lang iyon nito ngunit ang tumagal ako sa dito nalaman ko na totoo pala. Hindi nito kayang matapos ang buwan na hindi ito nakakain ng hito dalawang beses sa isang linggo.

"Uie, love advisor! Musta?"

Sinimangutan ko siya. Halatang pinagtritripan ako. Sarap hampasin ng mirkropono.

"Tabi nga!" tinulak ko si Hito ngunit hindi gaano kalakas. Birong tulak lang.

"Eto naman na promote lang. Highblood agad?"

"Promote mo mukha mo."

Tumawa ito. Gusto pa sana nitong mag-asar ngunit senenyasan na ito ng program director namin. Pabiro ko siyang sinabunutan at mabilis na umalis para hindi makaganti.

Pumunta muna ako sa lounge para makapagpahinga. Meron pa akong limang oras bago ang susunod kong program.


"Kumain ka na, Jas. Di ka pwedeng magutom at may magalit." si Hans ang aming music director.

Tumango lang ako sa kanya bago ito bumalik sa monitor nito. Kinuha ko ang aking cellphone para tawagan ang sa amin. Halos mag-iisang buwan na din akong hindi nakakauwi sa amin dahil may nilalakad pa ako dito sa Manila at ngayong tapos na iyon pwede na akong makakauwi  sa linggo.

Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now