Pahina 10

77 6 0
                                    

10

Hawak ko ang aking dibdib nang marating namin ang barangay Akasya. Malakas ang pintig ng aking puso na para bang lalabas ito sa aking dibdib anomang oras. Halos hindi ako makapaniwalang isang oras ang ginugol namin sa daan imbes na dalawang oras mahigit.



Masama ang tingin ko kay sir Cain dahil mahina itong natatawa sa nerbyos ko. Gusto kong may makapagsabi kong bakit ako sumakay sa kotse nito na hindi nag-iisip. Hindi naman kami close.



"You're so pale, Jasmine" natatawa nitong sambit



Muli ko siyang binigyan ng masamang tingin. Kung hindi ko lang ito boss ay kanina ko pa ito binatukan ng malakas.



"Relax. You made it. You're safe. We reached your hometown. Safe"




"Huwag kang tumawa, sir kung ayaw mong mabatukan. Ganon ka pala magmaneho? Iyong parang dadalhin mo ang sarili sa impyerno? Kung gusto mong pumunta doon 'wag kang mandamay. Pumunta ka mag-isa"



"They won't accept me though"



"Sino ba naman ang tatanggap sa'yo kung ganyan ka?" wika ko na hindi nag-iisip



"What do you mean by that?"



Para akong nasabuyan ng malamig na tubig nang mapagtanto kung ano ang aking sinabi. Naitakip ko ang aking kanang kamay sa aking bibig para pigilang iyong magsalita nang hindi maganda.



He chuckled and smirked. Nagkibit din ito ng balikat nang hindi ako nagsalita.



"Now tell me where is your house here?" inilibot nito sa labas ang paningin



Nasa loob pa kami ng kotse nito. Nakaparada sa harap ng barangay hall ng Akasya. Muntik nang mapalaki ang aking mata nang makita kung gaano kadaming tao ang lumabas mula sa barangay hall para tingnan ang magarang sasakyan na nakaparada.




Lahat nagtataka kung bakit may mamahaling sasakyan doon. Isa lang itong maliit na barangay at ang mga tao ay hindi araw-araw nakakita ng magarbong sasakyan.



"Iyong bahay na iyon" nagmamadali kong itinuro ang bahay na bato na nasa dulong bahagi ng malawak na palayan




Ayoko sanang magpahatid padoon ngunit alam ko kung dito ako bababa marami ang mag-uusisa kung sino ang kasama ko ko kung sa akin ba ang sasakyan. After all, this is a small town. Halos lahat ng nakatira dito ay alam ang sikreto at ugali ng bawat isa. At sa oras na iyon wala akong panahon na maging number one topic nng buong barangay dahil lang nakasakay ako sa ing Ferrari.



Kung doon ako bababa sa amin walang tao masyado kundi ang pamilya lang ni Marco kung saan hindi rin nalalagi doon ang pamilya. Siguradong nasa bukid ito o di kaya ay nasa kulungan ng mga kalabaw. Si papang Henry, tatay ni Marco, naman ay nasa Barangay Hall. Nakikisali sa pagaantabay kung sino ang lalabas sa kotse. Suot nito ang puting polo shirt na may 'Kapitan' na nakalagay sa kanang bahagi ng dibdib.



"Your house seems old" susungitan ko na sana ito. Sisigawan na huwag pakialaman ang nanahimik naming bahay nang dinagdagan nito ang sinabi "Old style Philippine house. I like it"



Hilaw akong napangiti. Narating din namin ang dulo ng sementadong daan. Hindi na makakapasok ang kotse nito palapit sa aming bahay dahil makitid na ang daan. Tanging bisikleta at motorsiklo lang ang pwedeng sasakyan na makapasok.



"Salamat sa paghatid, sir" kahit muntik na akong kunin ni Kamatayan kanina. Salamat pa rin sa paghatid. Hindi na muulit- dagdag ko sa aking isip



Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now