Pahina 7

71 5 1
                                    

7

Dumating ako sa station na nandoon na sila lahat. May tuksong ngiti sa mga mukha nila Hito at Hans, katabi sa abalang si Arlon. Si Ms. Joyce at si J ay may pinag-uusapan naman kina Hito.



Pinagsalubong ko ang aking mga kilay bilang bati kina Hito at Hans na hanggang ngayon ay hindi pa nabubura ang mga ngiti na bumungad sa akin. Inilapag ko ang aking dalang bag sa couch. Hinayaan ang dalawang unggoy sa kung anong trip nila ngayon.



"Jas, dinner tayo later?" boses ni Hans



Nilingon ko siya. Ang mga ngiti kanina ay mas lalo pang lumapad.



"Anong meron?" tanong ko sabay upo



"Kailangan bang may rason para mayaya kang makipagdinner?"



Hindi nakaligtas sa aking mga mga ang matatalim na tingin ni Arlon kay Hans. Siguro naiingayan ito dahil magkatabi lang naman ang dalawa.



"Sa'yo. Oo"



"Birthday ko kasi, Jas" sabat ni Hito na pinipigilang ngumiti. Kung ako sa kanya hindi ko na lang iyon pipigilan kasi nagmumukha siyang unggoy kaysa sa unggoy.



"Tatlong buwan na ang lumipas sa birthday mo, Hito. Ano dalawang beses kang inere ng nanay mo?"



"Pilosopo mo. Pwede mo nang palitan si Socrates"



Inikotan ko ng mata si Hito. Akala niya sigguro ikakatalino na nito ang pagbanggit sa pangalang Socrates. Mukha pa rin siyang unggoy na hito noh!



"Oo na. Basta libre ninyo, ah!"



"Yes!" pasuntok sa ere na sigaw ni Hans na agad ding sinaway ni Arlon



"Saan ba?"



"D'yan lang sa baba para malapit lang"



Tumango ako. Marami namang mapagpipiliang kainan sa baba ng aming building, mahal nga lang. Oh well! Libre naman ni Hans kaya pwede na. Balak kong butasin ang bulsa ng unggoy na ito.



Binati ako ni J nang matapos itong makipag-usap kay Ms. Joyce. Binati ko siya pabalik at naupo ito sa aking tabi. May inabot itong pulang kahon na kasing laki ng shoes box sa akin.



"Ano 'to?" malayo pa ang kaarawan ko para bigyan ako ng regalo. Alam naman iyon ni J at ng lahat ng kasamahan naming dito sa station.



"Letters from fans"



Nagtatakang tinanggap ko ang iniabot nito "Sa'kin?"



"Yap!"



"Dami mo nang fans, Jas. Marami na ang pumipila kaya iyong manok ko nakipila na din"



"Huwag kang magsalita ng alien, Hans. Hindi kita maiintindihan" sagot ko kay Hans na hindi ito tinitingnan



"Shut the hell up, Hans" malamig na boses ni Arlon ang aking narinig



Binuksan ko ang kahon na iniabot ni J sa akin. Bumungad kaagad ang iba't-ibang kulay na envelopes. Hindi ko mapigilang ma panganga. Hindi naman ito ang unang beses na makatanggap ako ng mga sulat ngunit ito ang kauna-unahang natanggap ko sa edad ko na ito.



Noong nag-aaral pa ako maraming nag-iiwan ng sulat sa loob ng aking locker. It always made my day happy back then. Isang matamis na ngiti ang aking iginawad habang hinahaplos ang mga envelopes.



Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now