Pahina 23

72 5 0
                                    

23

Soldier field race track. Iyon ang sabi ni Cain nang tanungin ko kung nasaan kami. Papasok pa lang kami sa area ay nakikita ko na, na may iilang nagkasuot ng ng whole body suit. May iba't ibang kulay meron ding isang kulay lang. Halos sundan ko ng tingin ang nadaanan namin na nakasuot ng ganon. Iniimagine ko kung ano ang itsura ni Cain kapag nakasuot ng ganon.






"Starting to get jealous here"





"Huh?" nilingon ko siya. Nagkasalubong ang dalawang kilay. Umiigting na rin ang panga nito.




"Stop looking at those assholes, Mine"




"Hindi ba pwede?" takang tanong ko. Gusto ko lang naman tingnan ang mga ito dahil nacu-curious ako kung ano ang magiging itsura ni Cain kapag suot ang ganong damit. He will look dashing for sure. Hot as the sun and appealing as my favorite dessert. Napangiwi ako sa ginamit kong term para i-describe ito.






Hindi sumagot si Cain sa tanong ko. Hininto nito ang sasakyan sa tapat ng gusaling salamin ang dingding. Mabilis itong umikot papunta sa bahagi ko upang pagbuksan ako ng pintuan bago ko magawa iyon para sa aking sarili. Marahan nitong hinawakan ang aking braso. Naglakad kami papasok sa gusaling iyon.




May bumabati kay Cain  habang papunta kami sa loob ng building. Hindi naman ito bumati pabalik at tila walang narinig kahit ano. Then their eyes flew to  me. Their stares stayed at me for seconds before cutting it when Cain give them death glares. 






Mapang-akin akong hinila ni Cain palapit dito. Kung may pwede pang pagdikitan ang aking katawan sa katawan nito ay ginawa ni Cain. His right arm possessively wrapped around my waist, while his left hand is clasping my left hand.






"Cain! Long time no see!" a man in the lobby greeted as soon as he saw Cain. May ngiti sa  mga labi nito na agad napalitan ng pagtaas ng kilay nang makita ako






"Who's the girl?" tanong nong lalaki






"She's mine"






Natatawang itinaas nong lalaki ang dalawang kamay sa ere. "Just asking, bro! You were gone for a year and came back with a beautiful girl. I don't know your into foreigners now, huh?"




"Hindi ako foreigner" mahina kong sabat




Nalaglag ang panga nong lalaki. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri ako ng maigi kong nagbibiro ba ako o ano.




"Will you stop looking at my girl like that, Serge?!"






"Sorry, bro. It's just she's a good catch for you. Too good"






"I don't like the sound of your voice, sir" wika ko na. Nakaramdam kasi ako ng pang-iinsulto sa boses nito. Hindi ko alam kung nag-o-over react lang ako o ganon talaga ang gusto nitong iparating.






"Pasensya kong iyon ang dating sa'yo, Miss but I can't imagine my devil friend here got an angel on his arms"






"Shut up, Serge and give me the  keys to my room"






"Chill!" muling itinaas nong Serge ang dalawang kamay bilang pagsuko. Pumunta ito sa reception area at may pinakitang itim na card doon. May ibinigay naman na susi ang clerk dito. "Oh ito! Bakit ba ako ang pinag-iwanan mo sa kwarto mo? No one can enter your room without your permission, kahit ako na iniwanan mo ng susi mi"








Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now